"Are you sure this is the right place?" hindi na napigilang tanong ni Caitlin habang pinagmamasdan niya ang madilim na kapaligiran.
"Kaya nga, I can't see a damn thing. Nasa civilization pa ba tayo?" hindi na din napigilang tanong ni Luce.
Sabay na nagkatinginan sina Luce at Caitlin. Agad naman na nagkaintindihan ng tingin ang dalawa pagkatapos ay magkasabay ding lumipad ang tingin ng mga ito kay Lors na nakaupo sa may backseat.
Simula ng nagbigay ng specific instructions si Lors kung saan liliko at dadaan dahil biglang nagka-problema ang Waze na naka-install sa phone niya, hindi na mapakali si Caitlin. She's having a bad feeling but despite that she decided to remain quiet and trust Lors sense of directions. Well, until now.
"Naliligaw na ba tayo?" ani Caitlin
"Naliligaw na ba talaga tayo?" segunda naman ni Luce
Pero ang bruha hindi sila inimik. Busy si Lors sa pag-sipat sa sarili sa compact mirror nito para tingnan kung maayos pa ang make-up nito, pagkatapos ay muling ibinalik ang atensyon sa may kalsada na parang wala sila sa loob ng kotse at hindi man lang sila nagtanong.
Silence.
Muling dumakdak si Luce. Halata na ang exasperation sa boses nito.
"Ano ba Lorelei?! Sabihin mo na kasi kung naliligaw talaga tayo o hindi"
"Tumigil nga kayo!" sa wakas ay sinagot na rin sila nito. Tinignan sila nito ng masama. "FYI hindi tayo naliligaw, mas marunong pa kayo sa akin"
"Nakikita mo ba ang nakikita ko?"
Umiling lamang si Lors. She heaves a huge sigh.
"Actually, wala akong masyadong makita e, medyo madilim" nasabi na lamang ni Luce. Naitirik niya ang mga mata.
"That's the point! Mukhang wala na tayo sa civilization! At para rin tayong nasa ghost town! Sinong matinong negosyante ang magtatayo ng negosyo niya sa lugar na walang katao-tao at puro ipis, daga, at lamok lang ya--may biglang umalulong sa may di kalayuan...ok may kasamang aso sa listahan, isama na rin natin pati pusa dahil tandem lagi ang dalawang iyon, ang tanging NANINIRAHAN DITO!" sumasakit ulo ni Caitlin dahil sa mga kaibigan niya
"Yeah, may point nga naman si Lee-Lee" biglang sang-ayon ni Luce. Thanks the heavens! But Caitlin saw Lors rolled her eyes.
"Kayong dalawa wag kayong masyadong mag-isip ng kung ano-ano" anito na parang nagpapangaral sa bata. "Una, hindi tayo naliligaw. Pangalawa, hindi talaga tayo naliligaw. At pangatlo hinding hindi tayo maliligaw" Lors enunciated every word.
"And to prove that, were here!" biglang anunsiyo nito.
Pinasadahan ng tingin ni Caitlin ang paligid niya. Ganoon din si Luce na tahimik ring ininspeksyon ang hinintuan nila. She's not even tempted to step out of the stuffy car kahit kanina pa niya gustong lumanghap ng sariwang hangin. The moment she saw the place she's even tempted to run home. The place just totally screams "Booooooo!" Hindi niya maiwasan ang kilabutan. Pasalamat na lang talaga siya medyo may naaaninag pa siya ng kaunti dahil mayroong kumukurap-kurap na street lamp sa may bandang kaliwa nila. Kung kanina na may nakikita pa siyang mangilan-ngilan na establishments papunta doon ngayon as in wala talaga. Puro abandonadong buildings ang nakikita niya kahit saan man siya tumingin. At marami pang ibang abandonadong buildings na halos magkakadikit na at tanging madidilim na eskinita lang ang nagsisilbing daanan sa mga pagitan niyon. Nababahala at nagugulamihan na talaga siya.
"Sigurado ka bang ito yung lugar na dapat nating puntahan?" diretsang tanong niya dito. There's no time for a nonsense talk. Napansin niya ang pag-aalangan ni Lors bago ito bahagyang sumang-ayon.
BINABASA MO ANG
LOVEBITES
VampireLumaki si Caitlin Sinclair sa isang masaya at simpleng pamilya. Kahit pa maagang namatay ang kanyang biological father at only child lang siya masasabi niyang napaka-swerte niya lalo na't laging nasa tabi niya ang ina, pati na rin ang stepdad niya...