Chapter 15

33 2 0
                                    


"Stop staring! I'm trying to think here," bulalas na reklamo ni Carina habang nakapangalumbaba ito sa harap niya.

"Ibig mong sabihin, you're thinking of an excuse to get rid of me," diretsang sagot naman ni Caitlin. Nang sinabi niya kanina kay Carina na gusto niyang pumunta sa Devil's Paradise, hindi na nito kayang salubungin ang mga tingin niya. Katulad na lang ngayon. Kahit nakaupo siya sa harapan nito, sa ibang direksyon pa din ito nakatingin at hanggang ngayon hindi nito sinasagot ang tanong niya kung paano makakwouldapunta sa lugar na tinutukoy nito.

"Hindi talaga kita matutulungan. I'm not in the position to help you," exasperated na saad nito sa kanya.

"Then just tell me how to go there. I'll take care of the rest."

"Hindi mo naiintindihan—"

"Then explain it to me. That way I can understand." Kalmadong saad ni Caitlin habang hindi inaalis ang tingin kay Carina. Napipilitang tumingin naman ito sa direksyon niya habang nababalutan iyon ng matinding pag-alala. The playfulness he had earlier had gone in an instant.

Caitlin thought that she didn't want to know. Kaya nga kahit paulit-ulit siyang inuudyok ni Romulus na tanungin dito ang mga tanong na unti-unting naiipon sa isip niya, pinigilan pa din niya ang kanyang sarili. Nanindigan siya na hindi na niya kailangang malaman ngunit ang katotohanan sa kabila niyon ay natatakot siya sa kung anuman ang maririnig mula dito. Hindi niya alam kung kakayanin ba niyang malaman ang totoo. That's how Caitlin realized how much of a coward she is. Hindi niya aakalain na mas gugustuhin pa niyang magpanggap. Caitlin thought she knew herself better than anyone else, but she was dead wrong. She's foolish and naive. Nanginginig na ikinuyom niya ang kanyang mga kamay. She's trying her best to calm down, but she's almost at her breaking point. She just hoped it didn't show on her face.

Then and there, Caitlin decided that whatever the hell happens, she needed to know the truth. Lalo na kung ang katotohanan na iyon ang makakatulong sa kanya para mahanap ang mga kaibigan niya. "You asked me earlier if I believe in vampires. Siguro kung tatanungin mo ako months ago, I would have laughed at you, but now is—different. I will tell you what really happened. Will you listen to me?"

Caitlin didn't wait for Carina's answer. Sinimulan niyang ikwento ang mga nangyari sa kanilang magkakaibigan. Kung paano ang akala niyang isang normal na pagtitipon lamang ay naging isang malagim na alaala. Kabilang na sa isinalaysay niya na kasama sila ni Luce sa mga kababaihan na naging sakrispisyo sa isang ritual kung saan natagpuan niya ang sariling nakakadena ang bawat kamay at paa habang patuloy na umaagos ang kanyang dugo palabas ng kanyang katawan. How someone saved her before being drained to death, as well as the part when some fake memories keep popping on her mind like someone intentionally altered her memories. Caitlin also told about the part when she talks to Luce over the phone who's acting differently Pati na din ang nangyaring sa Mama nito. As well as Luce's absence during the whole ordeal. Caitlin doesn't know why but she unconsciously left out the part with Romulus and about the weird old man who claims to know her despite it being their first meeting.

Nang matapos maikwento lahat ni Caitlin ang mga nangyari kay Carina, kahit paano ay nakaramdam siya ng panandaliang paggaan ng kanyang kalooban. Lumipas ang ilang minuto, ang tanging naririnig lamang ni Caitlin ay ang kabog ng dibdib niya pati na din ang marahas na paghinga ni Carina. It almost felt like forever when Carina finally had the guts to look her in the eye.

"Hindi ko sasabihin sa iyo na wala akong kaalam-alam sa kung ano ang nangyayari ngayon but I can tell you what I only know. The ritual that you're talking about it must be for the resurrection of Cain Dior Calvados. He's supposed to be confined for a thousand years and so but he broke the covenant that made things even more complicated. It's all everyone was talking about. At bilang parte ng ritual ay ang pag-inom ng dugo ng mga birhen na babae. A virgin's blood is a sweet, intoxicating taste for vampires but it's not only because of that. Nagbibigay ito sa kanila ng kakaibang lakas kumpara sa ibang normal na dugo."

LOVEBITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon