Kasalukuyang nakakaramdam ng matinding panghihina ang buong katawan ni Caitlin. Nanunuyot na din ang lalamunan niya. Hindi niya magawang ibuka ang bibig at subukang magsalita. Animo'y hinihigop ang natitira niyang lakas na kahit simpleng pagdilat ng kanyang mga mata ay hindi niya magawa. Napaungol si Caitlin.
"Lee-Lee? Gising ka na ba?" biglang nanghihinang tanong ng boses mula sa gilid niya. Hindi makasagot si Caitlin. Namamangka pa rin kasi ang diwa niya.
"Lee-Lee! Gising! Bilis!" mariing muling tawag ng boses sa may gilid niya. Sa pagkakataong iyon hindi na nakaligtas sa pandinig ni Caitlin ang nakalakip na matinding pagkabahala sa boses nito.
Lee-Lee? Ulit niya sa sarili. Parang may invisible force na sumipa sa diwa ni Caitlin na awtomatikong nakapagpadilat sa kanya at nakapagpabalik din sa ulirat niya. Ngayon lang niya napagtanto kung kaninong boses ang tumatawag sa kanya. Sinubukan ni Caitlin na igalaw ang ulo niya para silipin ang kaibigan niyang si Luce pero parang lantang gulay na bumagsak ang ulo niya sa matigas na sementong kinahihigaan niya.
Caitlin hissed in pain. Bakit ba kasi hindi niya magalaw ang katawan niya?
"Lee-Lee? Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Luce.
"Err...I don't think so" namamaos na tugon naman niya. Sa wakas kahit papaano gumagana na ang vocal chords niya. Dahil hindi pa din niya maigalaw ang kanyang ulo at nanatiling nanghihina ang buong katawan niya minabuti na lamang ni Caitlin na itutok ang tingin sa itaas. Nagbabaka-sakali na may makita siyang makapagbibigay sa kanya ng impormsayon kung nasaan sila ngayon. Sumalubong sa paningin ni Caitlin ang isang dome like ceiling na puno ng sangkatutak na kandila na lumulutang sa may ere. Napakurap si Caitlin.
LUMULUTANG??!!!
"Luce?" nag-aalangang tawag ni Caitlin sa kaibigan habang nananatiling napagkit ang tingin niya sa mga lumulutang na kandila. Pati ba utak niya na alog na rin?
"Alam ko Lee-Lee. Hindi ka nagha-hallucinate. Talagang may mga lumulutang na kandila ngayon sa itaas natin. Anyway, hi—"
"Seryoso?" disoriented na tanong niya ulit sa kaibigan
"Lee-Lee. Alam kong para akong baliw sa sasabihin ko pero—"
"Aside from the fact na may lumulutang na mga kandila sa paningin ko?" agad na sansala ni Caitlin kay Luce.
"Yeah. Sa tingin ko mild pa lang ngayon ang nakikita mo. Teka nga lang—saglit itong natigilan na animo'y may na-realize bago muling umarangkada ang nag-hihisterikal na nitong boses--mas may malaki tayong problema kaysa sa mga lumulutang na kandila" frustrated ng bulalas nito.
"Talaga?" naguguluhan na muling kumpirma niya. Para kasi sa kanya malaking problema na iyon!
"Caitlin Rose!" exasperated na tawag nito sa buong pangalan niya. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Caitlin ang malalim na paghugot nito ng hininga at marahas na ibinuga iyon na animo'y doon ito kumukuha ng lakas ng loob at pasensiya sa mga sandaling iyon.
"Sige na. Carry on friend" napipilitang pahinuhod naman niya dito habang nakapagkit pa rin ang tingin niya sa lumulutang na kandila. Hindi pa man nakakapaghanda si Caitlin sa mga gustong sabihin ng kaibigan niya ay parang gripong todo ang bukas na namutawi ang mga salita mula sa bibig ng nito
"Mamatay na tayo ngayon kung wala pa tayong gagawin para makatakas. Gagawin tayong alay ng mga pesteng bampirang iyon para buhayin ang matandang huklubang bampirang leader nila. Namahinga daw iyon ng halos 500 years at ngayon ang tinakdang oras para muling buhayin ito. Alam kong imposible hindi ba? Bampira? Sa mga kwento lang yun! OMG! Ayoko pang mamatay! At ito pa! Ang party na ito ay para daw sa matandang hukluban na iyon. At kasama tayo sa listahan ng iaalay nila We are freaking cornered! They set us up!" humahangos na litanya ni Luce sa kanya.
BINABASA MO ANG
LOVEBITES
VampirLumaki si Caitlin Sinclair sa isang masaya at simpleng pamilya. Kahit pa maagang namatay ang kanyang biological father at only child lang siya masasabi niyang napaka-swerte niya lalo na't laging nasa tabi niya ang ina, pati na rin ang stepdad niya...