"Sweetie, can you please hand over those choco—" napabalikwas ng tingin si Millicent Sinclair ng marinig na umihit ng ubo ang anak, mula sa kanyang likuran. Natatawang pinagmasdan niya si Caitlin ng nagmamadali nitong inabot ang nakapatong na pitcher sa may countertop na may lamang tubig at agad na nagsalin sa baso nito.
Tumikwas ang kilay niya sa ginawa ng anak. Hindi na niya napigilan ang paglawak ng ngiti niya. Nang mapuno nito ang baso ay sinimulan nitong tunggain ang laman niyon na parang wala ng bukas, only to spit it out again.
"Mama!" nanlalaki ang mga matang tawag nito sa kanya. She only chuckled. Halos tinakbo ng anak ang lababo at tinapon ang lamang tubig niyon at pagkatapos ay muling nagsalin ng tubig sa baso nito mula sa gripo.
Good move sa isip isip ni Millicent, dahil lahat ng pitcher sa may fridge ay siguradong iluluwa din nito. Nang makainom ito ng "disenteng" tubig ay tsaka lang siya muli nitong binalikan ng tingin. Lukot na ang mukha nito. Saglit niyang ini-off ang kalan tsaka binalik ang atensiyon kay Caitlin. Siguradong maghuhuramentado na naman ito, kaya kailangan niyang makinig.
"Mama naman, ano na namang kababalaghan ang ginawa mo sa tubig natin. Ang pangit ng lasa, when supposed to be walang lasa ang tubig" naiinis na tanong nito sa kanya
Ngumuso siya sa may direksyon ng pitcher.
"It's the cucumber sweetie, it's supposed to give off a refreshing feeling," she said matter of fact. Napahawak si Caitlin sa noo nito at sinimulang himasin iyon.
"Ma, please! For my safety, keep it away" nagmamakaawang saad nito
"Sino ba kasi may sabing inumin mo ang tubig ko aber,...Hindi mo ba nakita yung cucumber na lumulutang diyan sa pitcher" katwiran niya sa anak
Lumipad ang tingin ni Caitlin sa kanyang pitsel at tinitigan ito na animo'y sinusumpa niya ang laman niyon, ngunit mayamaya lamang ay lupaypay na umupo ito sa stool na parang nalugi.
"Alright, my mistake" pahinuhod nito..."Naku talaga, ung hindi lang kita mahal" dagdag pa ng nito sa kanya pero nakangiti na ito ng malawak. It's the most beautiful sight she gets to see every day, her daughter's big warm smile that could light up a Christmas tree. It's truly a blessing.
Lumapit siya dito at inabot ang matambok na pisngi nito at pinisil pisil iyon.
Natatawang tinatapik nito ang kamay niya pero pinagpatuloy pa rin niya ang pagpisil sa pisngi nito. Nangingiting pinagmasdan siya ng anak, love shining in her eyes.
"And I love you too sweetie, pero hindi ko pa rin gusto ang ginawa mong pagpapak sa chocolates. Caitlin Rose Sinclair, I won't tolerate you're eating habits"
Ginaya ng anak ang ginagawa niyang pagpisil sa pisngi nito at ngayon ay face to face na silang nagpipisilan ng pisngi
"Pero Ma, alam mo namang nabubuhay ang katawang lupa ko kapag kumakain ako ng tsokolate" katwiran nito.
Madiin niyang pinisil ang pisngi nito na nakapagpa-aray sa dito. Pagkatapos ay muli siyang bumalik sa pwesto niya sa may kalan at muling binuksan iyon. Sinimulan niya ulit tunawin ang chocolates na nakalagay sa stainless bowl sa pamamagitan ng pag-steam doon. Hindi na niya inimik ang anak. Alam na nito ang pinapahiwatig ng pagiging tahimik niya. Hindi lumipas ang ilang minuto at naramdaman na niya ang pagyakap nito sa baywang niya habang nakasandal ang ulo nito sa may likod niya.
At katulad pa din ng dati hindi siya nagkamaling maglalambing ito sa kanya.
"Ma, sorry na... pangako susubukan ko na talagang kumain ng gulay. Parang feel ko ngang kumain ng ampalaya. What do you think?" suhestisyon nito
BINABASA MO ANG
LOVEBITES
VampirosLumaki si Caitlin Sinclair sa isang masaya at simpleng pamilya. Kahit pa maagang namatay ang kanyang biological father at only child lang siya masasabi niyang napaka-swerte niya lalo na't laging nasa tabi niya ang ina, pati na rin ang stepdad niya...