Pakiramdam ni Caitlin walang katapusan ang mahabang hallway na tinatahak niya ng mga sandaling iyon—o baka dahil din iyon sa katotohanang kahit nanlalambot na ang mga tuhod niya, wala pa rin siyang tigil sa pagtakbo at hindi din nakatulong ang suot niyang high heels para mapadali ang buhay niya. Bukod doon, kahit anong gawing pangungumbinsi rin niya sa sarili na magiging maayos ang lahat—na walang mangyayaring masama ay patuloy pa ring umaalingawngaw sa isip niya ang babalang iniwan ng matanda.
Muli niyang tinanaw ang pinapanalangin niyang dulo na ng hallway at magbabalik sa kanya sa ballroom na pinasukan nila kanina. Naitigilan siya saglit ng matanaw iyon. Then, she breathed a sigh of relief. She overreacted! Of course, that old man was messing with her! Hindi siya dapat agad naniwala dito kahit pa sumang-ayon din ang instinct niya. Kitang-kita mula sa kinatatayuan niya na patuloy pa rin ang nagaganap na party. There's nothing out of ordinary. Kahit ang malamyos na musika na nanggagaling sa orchestra ng gabing iyon ay patuloy pa rin sa pagtugtog. May mga nagsasayaw pa nga na couples sa dance floor.
Nang maibsan ang pag-aalala ay nagpatuloy sa paglalakad si Caitlin pabalik sa ballroom ng walang kaabog-abog na biglang may humablot sa kanyang braso at marahas na isinandal siya sa pader. Sa pangalawang pagkakataon ng gabing iyon natagpuan niya ang sariling iniinda ang likod dahil sa sakit habang ang walang awang lalaking humablot sa kanya ay kasalukuyan lang namang ini-invade ang personal space niya. Imbes na lalong matakot ay ibang damdamin ang humalili ng pagkakataong iyon.
She's done being nice. Matutuyuan talaga siya ng dugo gabing iyon.
Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil madilim ang kinapupwestuhan nila at bahagyang nakatagilid ang mukha nito dahil sa walang tigil nitong pagmamasid sa paligid. Hindi na siya nagdalawang isip na buong pwersang magpumiglas mula sa pagkakahawak nito pero walang nangyari, Nanatili itong parang estatwa na nakapalibot sa kanya habang siya malalagutan na ng hiniga sa sobrang effort na kumawala dito. Ano lang 'tong lalaking ito? Si Superman? Batman?
She settled for another tactic. "Mister pwede bang bitiwan mo ako? Kung hindi pagsisisihan mo ang gab---hmmppp. hmmmpp...." nanlalaki ang mga matang tinitigan niya ang mukha ng kumag habang ang isang kamay nito ay nakatakip sa bibig niya Matalim ang tingin na ipinukol niya dito, kulang na lang may lumabas na laser beam sa mga mata niya at siguradong dead on the spot ito. Caitlin tried to move her mouth but stop dead when she realizes something odd.
He's cold. His hand is unusually cold. Kagagaling lang ba ng lalaking ito sa loob ng freezer? She mentally shook her head. She immediately dismissed the thought.
"Ano bang pakialam ko sa kanya? At tsaka ano bang ginagawa niya? Kanina pa siya palinga-linga! Tumingin ka sa akin" tahimik na litanya ni Caitlin. Animo'y narinig nito ang paglilitanya niya sa isip niya dahil sakto namang humarap sa kanya ang binata at laking pasalamat ni Caitlin na takip nito ang bibig niya kundi napanganga na siya sa sobrang gulat. Hindi siya agad nakahuma at nanatiling nakatatitig sa mga mata nito.
She's staring right through a deep set of blood red eyes. Imposible. Nananaginip lang siya. Mariin niyang pinikit ang mga mata. Pinalipas muna niya ang ilang minuto at muli ay dahan-dahang binuksan niya ang kanyang mga mata. Ganoon na lang ang pagbulosok ng hibla ng tapang na pilit niyang pinanghahawakan ng walang magbago sa paningin niya.
She felt herself tremble in fear but she couldn't look away.
"It must be because of the contacts" she muttered inwardly. Caitlin's trying to convince herself so bad and she's failing miserably.
"Bibitawan kita saglit but don't even think of escaping. Naiintindihan mo ba?" sunod sunod ang ginawa ni Caitlin na pagtango.
Kasabay ng pagbitiw sa kanya ng lalaking may weird na mata ay agad naman niyang minurder ng high heels ang paa nito. Bahagya lamang itong napainda sa sakit pero sapat na opening na iyon para makakaripas siya ng takbo pero hindi pa man siya nakakalayo ng ilang dipa ay agad na siya nitong nahuli at marahas na hinapit siya pabalik sa katawan nito hanggang sa ilang sentimetro na lang ulit ang layo ng mukha nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
LOVEBITES
VampireLumaki si Caitlin Sinclair sa isang masaya at simpleng pamilya. Kahit pa maagang namatay ang kanyang biological father at only child lang siya masasabi niyang napaka-swerte niya lalo na't laging nasa tabi niya ang ina, pati na rin ang stepdad niya...