Naalimpungatan si Caitlin dahil may humihila sa dalawang kamay niya patayo. Pilit naman niyang hinihila pabalik ang katawan niya sa kama at pinapabigat iyon. Hindi niya malaman kung sinong herodes ang nang-iistorbo sa beauty sleep niya dahil hindi pa rin niya magawang maimulat ang kanyang mga mata. Gustong-gusto pa rin kasi niyang matulog pero mukhang wala siyang balak tigilan ng nanghihila sa kanya. Walang babalang nagbago siya ng pwesto at umupo na siguradong nakapagpatulak sa mga asungot. Na-out of balance ang mga ito. Habang pikit pa rin ang mata. Narinig niya ang pag-aray ng dalawang boses sa may harapan niya, pati na rin ang paglagabog ng semento.
Unti unti niyang idinilat ang kanyang mga mata ng bigla siyang hapitin ni Lors sa magkabilang balikat at walang harabas na iniyugyog siya. Pati yata utak niya naalog dahil sa ginawa nito.
"Gising na. Gumising ka na.
Gising na sabi e" paulit ulit na saad ng kaibigan habang hingal na hingal na ito sa pinaggagagawa nito sa sarili nito. Samantalang siya naman natutulilig na at nahihilo. Agad niyang pinigilan ang pagyugyog ni Lors sa kanya dahil baka sa susunod lumipad na palabas pati ang utak niya.
"Gising na ako" reklamo niya
"Mabuti naman" komento ni Lucia na seryosong pinagmamasdan siya habang nakaupo pala sa kabilang gilid niya. "Nakapag-exercise tuloy si Lors ng wala sa oras—tingnan mo naman hitsura tagaktak na ng pawis" Pinasadahan niya ng tingin si Lors, na talaga ngang pawis na pawis na.
"Sino ba kasi may sabing yugyugin ako na parang walang bukas. Kulang na lang pati kaluluwa ko humiwalay sa katawan ko e" litanya niya. Napansin niya ang panunulis ng nguso ni Lors at ang pagtaas ng kilay nito.
"Duh! Ang hirap mo kayang gisingin—muntikan na kaya kitang buhusan ng tubig" ani Lors na tumitirik na naman ang mata
"Duh! panggagaya niya dito. Ang ang aga-aga nang-iistorbo na kayo" katwiran naman niya. Walang babalang inginudngod naman sa kanya ni Lucia ang alarm clock niya. Naduling siya sa pagtingin ng oras
"Alas-onse, maaga pa?" ani Lucia, pagkatapos ay muling inilayo sa kanya ang orasan at ipinatong na iyon sa may side table.
"Oo kaya. Alas-onse ng umaga--kaya umaga pa" pagdadahilan niya. Pinagmasdan niya ang dalawa na halatang hindi natuwa sa joke niya dahil parehong malapit ng bumusangot ang mukha ng mga ito. Napangiwi siya.
"Oo na po mga lola. Sa susunod gigising na ako ng madaling araw para naman makapag-dilig pa ako ng ating mga halaman at para makapalaot pa ako para makahuli naman ako ng isda pang-agahan natin" isa pa ulit na banat niya sa mga ito. Napansin niya ang pinipigilang ngiti ng mga kaibigan, pero hindi tuluyang tumawa sa joke niya.
"Haha, funny" komento ni Lucia
"Adik ka!" bulalas naman ni Lors
"Aminin niyo na! Natawa kayo sa joke ko" aniya
"Hindi kaya!" magkasabay pang sigaw ng dalawa
"Ewan ko sa inyo!" sinimulan naman niyang puluputin ang sarili sa kanyang comforter dahil bigla siyang nilamig. Humihikab na pinasadahan niya ng tingin ang dalawa at hindi niya napigilan ang pag-assess sa hitsura ng dalawa.
Kasalukuyang nakasuot ng pink satin loose dress si Lorelei na umabot hanggang itaas ng tuhod nito. Luckily nakasuot ito ng skin-toned flats at hindi ang laging heels na nakikita niyang suot ng kaibigan. Nakalugay din ang itim at straight nitong buhok na umabot hanggang baywang ng dalaga. Lors is tall and has a slim figure na kaparehas ng sa mga modelo. She has heart-shaped face, small firm lips, small pointy nose and chocolate brown heavy lidded eyes that normally make her look sexy. She always has this come hither eyes that made countless of men trip over their own feet. May pagka-morena din ito na lalong nakapalabas ng exotic beauty nito. Kapansin-pansin din na light lang ang make-up ng dalaga. Medyo na-disorient nga siya dahil iba ang hitsura nito—she's not her usual sexy and sultry looking woman she's used to see. Today she looks simple, elegant, and a teeny bit flavour of sexy.
BINABASA MO ANG
LOVEBITES
Ma cà rồngLumaki si Caitlin Sinclair sa isang masaya at simpleng pamilya. Kahit pa maagang namatay ang kanyang biological father at only child lang siya masasabi niyang napaka-swerte niya lalo na't laging nasa tabi niya ang ina, pati na rin ang stepdad niya...