Chapter 7

82 4 0
                                    

ROMULUS POV

"Nanahimik ka yata" hindi na napigilang puna ni Romulus sa dalaga. Nasa may kabilang gilid niya ito at tahimik na naglalakad. Kung titignan ito ngayon parang napaka-kalmado ni Caitlin pero alam niyang isang malaking pagpapanggap lamang iyon.

He knew deep down that she was scared. Still, faking her feelings is the only way she knows how to cope. He couldn't blame her.

"Makakaalis rin tayo dito" mahinang saad niya habang nakatutok pa rin ang atensyon sa dinaraanan nila at hindi sa mukha ng dalaga.

"Kung kaya niyo" nanghahamong sabat naman ni Devon na kasalukuyang naglalakad sa may tabi niya habang ang punyal nito ay patuloy na tumatarak sa may gilid niya. Pero hindi siya natinag. Hindi isang simpleng punyal lamang ang tatapos sa buhay niya.

Nanlilisik ang mga matang tinitigan niya si Devon. Kung wala lang ngayon dito si Caitlin hindi siya mag-aatubiling labanan ito at tapusin na ang buhay nito pero dahil sa kasama niya ang dalaga hindi siya pwedeng magkamali sa bawat kilos niya kundi malalagay ito lalo sa panganib. Isipin pa lamang niyang mapapahamak ang dalaga at malaki ang posibilidad na angkinin ito ni Devon sa oras na maidispatsa siya nito ay sapat na para makapagpawala ng katinuan niya.

Devon will do everything to torment him. At hindi niya aakalaing magkakaroon si Devon ng alas para tuluyan siya nitong pahirapan ng hindi siya lumalaban. Isang alas na alam nitong magiging sanhi ng pagkatalo niya. Kailangan niyang mag-ingat.

He needed to protect her even though she was his weakness. He will gladly do everything just to keep her safe. Caitlin Rose Sinclair is only a mission. At least that's what he thought until he felt something different.

Simula pagkabata pa lamang ni Caitlin ay palihim na niyang sinubaybayan ito, binabantayan na parang isang anino . He's always been tempted to show himself to her—but that would be breaking the rules. At malaki ang posibilidad na matanggal siya sa misyon dahil doon.

Hindi mapigilan ni Romulus na maramdaman ang init na hatid ng katawan ng dalaga lalo na kapag panakanaka ay nagkakadikit ang mga balat nila habang sabay silang naglalakad. Sa pagkakataong iyon hinayaan niya ang sariling namnamin ang init nito na muling nagpatindi sa pinipigilan niyang damdamin— pati na rin ang pamilyar na amoy ni Caitlin—just like a sweet scented flower.

"His Rose" he chuckled with the thought. Siguradong gugulong ang ulo niya sa semento kapag nalaman ni Master Vladimir ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Alam niyang kinakailangan niyang dumistansiya sa dalaga pero may pagkakataon na nawawalan siya ng kontrol, katulad na lang ngayon.

For now, he needed her warmth, her scent because for once...he didn't want to feel cold and empty anymore.

"Don't worry. I'll protect you no matter what" piping pangako ni Romulus sa dalaga habang pasimpleng tumingin sa direksyon nito bago muling tinutok ang atensyon kay Devon.

Ngumisi ito. Hindi maitatanggi ang karahasan na nangibabaw sa mga mata nito. Kasunod niyon ay bigla itong sumenyas sa lalaking kasalukuyang nasa kabilang gilid ni Rose. Bago pa rumehistro sa utak ni Romulus ang dapat niyang gawin parang may sariling utak ang kanyang katawan, walang pag-aatubili at kasing bilis ng hangin na ipinasanggala niya ang sarili para protektahan ang dalaga habang nakagapos pa rin ang dalawang kamay sa kanyang likod.

Hindi ang madiin na tarak ng punyal sa kanyang likod ang nakapagpatinag sa kalmado niyang isip sa kabila ng sugat na natamo kundi ang impit na tili sa may harapan niya. Nanginginig ang katawan na nakalagapak na semento ang dalaga. At may nagbabadya nang luha sa gilid ng mga mata ni Caitlin habang diretsang nakatitig sa mga mata niya. Sa tuwing tinititigan niya ito, lagi siyang napapako at nahihipnotismo. Ang mga mata nito ang laging nagsisilbi niyang salbasiyon.

LOVEBITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon