Vladimir is seething with rage. The moment he received the message from Cain, he immediately left the country and came back to the Philippines. Kung maaari lang niyang iwanan ang lahat ng kanyang responsibilidad, gagawin niya iyon ngunit alam niyang imposible ang kanyang iniisip. Gusto niyang itakas si Caitlin sa malayong lugar at itago mula sa lahat ngunit siguradong hahanapin sila ng konseho hanggang sa dulo ng walang hanggan. His existence alone poses a great danger to Caitlin's survival, but he just couldn't completely separate himself from her. That's why he broke the covenant and decided to stay with her while she was growing up. Ngunit alam niyang hindi magtatagal ang pag-papanggap na iyon. One way or another, he had to go back, leaving her behind again. At that moment, that's the only thing he could do. Because she's the only one that could tame the growing hunger that slowly kills his sanity.
Madiing naikuyom ni Vladimir ang kanyang palad. Hanggang ngayon ay nananatili sa kanyang pakiramdam ang init na hatid ng katawan ng dalaga. He wanted to completely succumb to her warmth, but he was left cold and desolate when she rejected him. Hindi mabura sa kanyang isipin ang sakit na gumuhit sa mukha nito ng mapagtanto nito ang kasinungalingan niya. Hindi alam ni Vladimir kung mapapatawad pa siya ni Caitlin.
Nagsimula ng tumutugtog ang orchestra, pahiwatig na magsisimula na ang pagdiriwang at hudyat ng pagdating ni Cain. Hindi pa siya maaaring pumunta sa lugar ng pagdiriwang dahil may kinakailangan pa siyang tapusin. Eksaktong namang dumating si Romulus, ang nagsisilbing tagapag-bantay ni Caitlin habang wala siya sa bansa. Bago pa man niya mapigilan ang sarili, dumapo ang kanyang kanang kamay sa pisngi nito. Nanatili namang tahimik at mahinahon si Romulus sa kabila ng hiwa sa pisngi nito. Mas lalong tumuwid ang tayo nito at diretsong tumitig sa kanya.
"Do you know what you've done?" mahina ngunit mariin na tanong ni Vladimir kay Romulus. Nanatili namang blangko ang ekspresyon ng binata.
"I apologize, but I don't have any idea what you're talking about." Marahas niya itong itinulak at sa lakas niyon ay nag-iwan ng marka ang katawan nito sa pader na bato ng kastilyo.
"Cain contacted me; that's why I'm here! He knows about Caitlin." nagpupuyos sa galit na singhal niya dito. "What the hell have you been doing all this time?!"
Sa isang iglap tumaas ang temperatura ng paligid na animo'y tumutugon sa galit na nararamdaman ni Romulus ng mga sandaling iyon. Ang kaninang blangkong ekspresyon ng mukha nito ay napalitan ng nagbabagang galit. However, as if realizing what he's done, he immediately masked his emotions. Vladimir decided to overlook his sudden outburst
"Find her"
"Don't tell me—but I don't feel her presence here!"
"Find her before Cain knows she's here. She's wearing a talisman that helps mask her presence. Alam mo kung anong araw ngayon hindi ba? It's dangerous for her to stay in this place. I will handle Cain."
Romulus bowed deeply. "I will make sure to keep her safe."
"Just do your job properly," Vladimir enunciated heavily. Romulus didn't reply and, in an instant, disappeared in front of him. He distractedly fixed his cufflinks while heading towards the banquet hall. He just wished that this banquet wouldn't turn into a bloodbath. However, considering Cain's temperament, it's like wishing for the sun to appear at night. This invitation clearly means trouble for him.
Sa sandaling pagtungtong ni Vladimir sa loob ng bulwagan na pinagdadausan ng piging, biglang tumahimik ang buong paligid. Daan-daang pares ng mga mata ang tumutok sa kanyang direksiyon at sa kanyang bawat hakbang ay sabay-sabay na yumuko ang mga bisita bilang respeto. Sa kabila niyon ang tanging malinaw na rumehistro lamang sa paningin ni Vladimir ay ang nakangising mukha ni Cain habang naka-upo ito sa trono nito. Huminto si Vladimir ilang dipa ang layo mula kay Cain.

BINABASA MO ANG
LOVEBITES
VampireLumaki si Caitlin Sinclair sa isang masaya at simpleng pamilya. Kahit pa maagang namatay ang kanyang biological father at only child lang siya masasabi niyang napaka-swerte niya lalo na't laging nasa tabi niya ang ina, pati na rin ang stepdad niya...