NANGINGINIG at nanghihina ang mga kamay at pilit nagpupumiglas si Caitlin sa yakap ng kaibigan ngunit mas lalo lamang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Kasabay niyon ay mas lalong dumiin ang mga pangil nito na nakabaon sa kanyang leeg. Kapag mas lalong nagpatuloy si Luce sa pagsipsip ng kanyang dugo, pakiramdam niya hindi lamang siya papanawan ng ulirat kundi malalagay ang kanyang sarili sa panganib. Unti-unti ng nililisan ng lakas ang kanyang katawan at ilang sandali na lamang kahit ang pag-iisp ng klaro ay baka hindi na niya magawa.
Ngunit bago pa man si Caitlin tuluyang lamunin ng kadiliman, nakita niya ang papalapit na pigura ni Lors, Mayroon itong sinuot na makapal na kuwintas na gawa sa pilak sa leeg ni Luce. At mayamaya lamang ay biglang nawala ang pangil na nakabaon sa kanyang leeg at lumuwag ang pagkaka-yakap sa kanya ng kaibigan. Nanghihina ang katawan na napasandal si Caitlin sa pader. Kinapa niya ang sugat sa kanyang leeg at naramdaman niya ang pagbulwak ng dugo mula doon, patunay lamang na malalim ang sugat ni nilikha ng kagat ni Luce.
Naghi-histerikal naman na pilit tinatanggal ni Luce ang nakasuot sa leeg nito ngunit kapag tuwing ginagawa nito iyon animo'y napapaso ang mga kamay na nabibitawan nito ang kuwintas. Nagngangalit at nanlilisik ang mga pulang mata na bumaling ang kaibigan kay Lors. Halos hindi na makilala ni Caitlin si Luce. She looks like a mindless monster who's only out for blood. Mas lalong humaba ang mga pangil nito habang nababahiran ng kanyang dugo ang mga labi nito. Bukod doon, kapansin-pansin ang paghaba ng mga kuko nito sa paa at mga kamay habang lalong bumanat ang mga buto ng kaibigan. Yukyok ang katawan na umalingawngaw ang ungol ni Luce sa direksiyon ni Lors, bahid sa mukha ang buong intensiyon na sugurin ito ngunit bago pa man nito tuluyang masugod ang dalaga bigla itong nawalan ng malay.
Nang biglang mawalan ng malay si Luce, lumapit si Lors sa kanyang direksiyon at inabot ang makapal na gasa para takpan ang kanyang sugat.
"Gamitin mo iyan para pansamantalang tumigil ang pagdudugo,"
Nanghihina ang kamay na kinuha ni Caitlin ang iniabot ng dalaga at dahan-dahang inilapat iyon sa kanyang leeg. Hindi niya napigilan ang impit na ungol na kumawala sa kanyang dibdib dahil sa matinding sakit na nararamdaman. Matapos iabot nito sa kanya ang gasa, bumaling naman ang atensiyon ni Lors sa kanyang relo na animo'y may hinihintay. At ilang saglit lamang ay may isang pamilyar na pigura ang dumating sa harap ng nakabukas na pintuan. Selene felt she'd seen him somewhere but she can't exactly remember.
Bumaling ang atensiyon ni Lors sa direksiyon ng kanyang tingin at bumahid ang nakakalokong ngiti sa mukha ng dalaga. Halata ang kasiyahan sa mukha nito ng mapagtanto kung sino ang dumating.
"What took you so long? I'm beginning to think, I've been wrong all along,"
Napapailing na lamang na tumingin it okay Lors. "Mamaya na tayo mag-usap. Kinakailangan na nating umalis,"
Nagkibit balikat si Lors. "Suit yourself, but know that we're not done yet."
Hindi nito pinansin ang patutsada ng kaibigan bagkus ay tumungo ang pamilyar na pigura sa kanyang direksiyon at walang kahirap-hirap na binuhat siya nito. Nakakunot ang noo na tumitig ito sa kanya.
"Why can't you stay out of trouble? And you actually pick the most dangerous day out of all days. Hindi ka ba binalaan ni Romulus na hindi ka pwedeng lumabas sa araw ng iyong kaarawan? And what the hell is that stupid vampire doing?"
"How did you know Romulus? And you—you look familiar," naghihinang tugon naman niya sa pangaral. Sa kabila ng panghihinang nararamdaman pilit niyang iniisip kung saan niya ito nakita ng bigla niyang maalala ang matandang lalaki na nakilala niya sa pagtitipon kasama ang mga kaibigan. Ngunit ang nakapagtataka, mas lalong bumata ang hitsura nito kumpara sa una nilang pagkikita. Why does weird people keeps on popping in her life from left to right?
BINABASA MO ANG
LOVEBITES
VampireLumaki si Caitlin Sinclair sa isang masaya at simpleng pamilya. Kahit pa maagang namatay ang kanyang biological father at only child lang siya masasabi niyang napaka-swerte niya lalo na't laging nasa tabi niya ang ina, pati na rin ang stepdad niya...
