Chapter 23

143 6 2
                                    

Chapter 23 : Dinner date

VINCENT’S POV

Wow, literal na wow. Nakaka-laglag panga ang kagandahan ni Val, para kaming nakakita ng Goddess sa sobrang ganda niya.

Paanong posisyon kaya ginamit sa kanya ni Tita at Tito, haha!

"Laway mo boy, tumutulo. Hahaha!" Pang-aasar ni Claude, siraulong yon.

Sinamaan ko siya nang tingin, putek talaga! Mahahalata pa ’ko e.

"Let’s go, Val. They’re waiting for you." Ngumiti naman si Val, mag-sasalita na sana kaso ang baliw na si Damon nag-salita ulit, "Anyway, you look so good in that dress."

Ampucha naman, naunahan pa ’ko ni bossing. Namula pa talaga si Madam, mukhang olats na ’ko ah.

"Letse! Tara na!"

"Anyare sa kanya?"

"Sinapian ata"

Talagang nag-bulungan pa sila sa likod ko. Peste! Pakiramdam ko, driver ako tapos nasa likod ko yung mag-shotang nag-lalandian. Huwag naman sanang mangyari iyon.

"Saan ba yung letseng date na iyan? Baka mamaya abutin tayo ng hating-gabi. Naku, sinasabi ko sa inyo talaga!" Tokwang iyan, napakamot nalang kami sa ulo namin.

Hindi pa nakakapunta at simula, uwian agad iniisip.

"Basta, chillax ka lang kasi. Malapit na tayo."

"Ewan ko sa inyo, mga trip niyo rin e." Inirapan pa niya talaga ako!

Tob:

Hoy, gago! Saan na kayo? Naiinip na si retsam. Huhu!

Me:

Otw na gago, uwian agad iniisip ni Val!

Tob:

Bilisan niyo na, gago. Sa akin naiinis.

Nagmadali na ’ko, naiinip na si retsam. Baka umuwi nalang ’yon bigla. Gawain pa naman niya iyon.

CHIVALRY’S POV

NGANGA.

Ayan ako ngayon, ang ganda ng restaurant. Expensive tignan, mukhang mapapasubok ako ah.

"Let’s go, he’s getting mad na. Baka umuwi nalang bigla ’yon."

Pumasok na kami, at shutakelakels. Ang ganda! Sobra pa sa sobra! Kainis, sana nagpa-ganda na ’ko ng bongga. Mukha tuloy akong kakain sa lansangan.

"Vince, lead the way. Sa rooftop sila." Ay, taray. Nasa rooftop, papahirapan pa ’ko sa pag-akyat. Nyeta talaga.

"Baka bumuga na iyon ng apoy, kanina pa raw siya naiinip."

"Ang dami niyong comment, mag-madali na tayo. Gusto ko na umuwi." Hahaha! Uwi agad gusto, ’di pa nga nakaka-akyat sa rooftop.

Narinig kong tumawa si Aiden kaya sinamaan ko ito nang tingin.

"Pasok na madam, nag-hihintay na sila sa loob." Tinaasan ko siya ng kilay kaya napakamot siya sa noo niya.

Sinenyasan ko siyang pihitin ang doorknob para makapasok na ’ko.

"Witwiw, ganda."

The Last Girl StandingWhere stories live. Discover now