Chapter 20

189 6 1
                                    

Chapter 20 : Birthday Celebration

CHIVALRY

Wala pa sila Kuya at Papa, mamaya pa raw silang five p.m makakauwi. Bibili raw kasi sila ng suit, gusto nila bago. Alam na rin pala nilang invited ako, kaya aagahan nila pag-uwi para sabay-sabay na raw kami. Masyadong aksaya sa gas kung hihiwalay pa ’ko.

Umakyat muna ako para i-handa mga gamit na susuotin at gagamitin ko, mga mini jewelries lang isasama ko. Heels na hindi masyadong mataas, at blazer lang. Maliligo muna ulit ako bago mag-ayos, anong oras na rin. Mas tatagal kung tatagalan ko kumilos, ayokong nala-late ako.

Feeling ko pa-main character ako.

"Ang iksi pala medyo nitong dress, hanggang legs lang. Akala ko yung long dress na back-less."

Ano kayang magiging reaksyon ng mga lalaking ‘yon kapag nakita nila akong naka back less at may lower-back tattoo pa. Baka lagutin na hininga ko niyan.

~Ringgg~

~Ringgg~

"Hello?"

"[Hey, pauwi na kami. Mag-ayos kana. Love you!]" Pinatay agad yung tawag amp, siraulo talaga si Kuya Charles.

Naligo na ’ko ulit dahil nanlalagkit na ’ko, pero nag-dadalawang isip ako kung susuotin ko ba agad yung dress o hindi. Mag-make up nalang muna ako bago mag dress, kapag nandyan na sila. Para hindi ako pag-pawisan agad.

Binilisan ko lang pag-kilos ko sa cr, para ma-blower ko agad hair ko. Aayusin ko kasi ito, ayokong basa at nakalugay basta-basta buhok ko. Inuna ko muna sa pag-lagay ng mga hair-care ko, para malambot at hindi mag-dry mamaya. Pilit kong bini-bilisan pag-aayos ko sa hair ko, para mabilis na ’ko sa make-up.

Halos magkanda-ugaga na ’ko sa kakahanap sa mga mini-pearl clips ko, ang kalat kasi ng mini box ko na lalagyan ng mga hair clips, etc.

Nag-mamadali na ’ko sa pag mamake-up, clean make up lang gagawin ko. Para mabilis, at hindi ako yung mag bi-birthday. Kailangan simple girl lang muna.

Mamaya nalang ko nalang isusuot yung dress, kapag nandyan na sila. 4 pa lang naman, maayos na sila kapag dumating. Alam kong ako nalang hihintayin nila.

Nag-ligpit muna ako ng mga gamit ko, hinanap ko na rin yung heels na susuotin ko, nawala e. Medyo mababa lang, hindi pa ’ko sanay sa matataas e.

"Hey! Naka-ilang tawag na kami sayo! Mag-bihis kana!" Huh? Wala naman akong narinig, baliw ba siya, "Hindi ako baliw, kumilos kana. Kailangan maaga tayo sa venue." Okay..

Nag-bihis na ’ko para manahimik na siya, at makaalis na rin kami. Medyo natatakot ako kay Papa, sana hindi ako bulyawan nang bulyawan pag-baba ko. Nag-lagay muna ako ng plastic sa mukha ko, para hindi masira make-up ko, o malagyan ng make-up dress ko. Black pa naman.

Nag-tangay na rin ako ng blazer, panakip sa tattoo ko. Tempo lang naman, hindi perma.

"Hoy! Nandito na ang magandang dilag!" Agaw ko sa atensyon nila, lahat sila naka-tingin sa cellphone e.

Sabay-sabay silang tumingin sa ’kin, si Papa nalaglag pa panga. Si Kuya Cael naman napa 'Wow' si Kuya Charles, dedma sa kanya. Wala namang kwenta lagi reaksyon niyan, puro pambwibwisit.

"Let’s go, baka mahuli pa tayo."

Sumabay ako kay Papa, iyong dalawa may sarilig sasakyan e. Ako lang wala, wala pa kasing student license. Sakit, hahaha.

Nag text ako kay Darcey at Amaya na papunta na kami, baka kasi sunduin ako sa bahay. Knowing them.

Darcey:

The Last Girl StandingWhere stories live. Discover now