Chapter 19 : Invited
AMAYA’S POV
Today is my Brother’s birthday, and the Assassin's members are all invited. Even their Family, that's why I’m happy because i will see, Ry. You know, we haven’t talk in a while after the incident. Masyadong madaldal si Darcey kahapon, kaya hindi kami masyadong nakapag-usap.
We will celebrate it, later at night. Invited din mga ka-business niya, friends and other families. But, papasok pa rin kami. Sila na ang bahala sa lahat, pati sa venue. Kami kailangan naming pumasok.
I’m on my way to school, maaga pa pero gusto kong matulog sa room. Maaga kasi akong nagising, napaka-ingay nila sa living room. Nakakainis. Akala mo solo nila 'tong bahay, kung makapag-sigawan.
"Walang klase today, ibibigay mga scores natin ngayon. Meeting mga Teacher." Bungad ni Diana, president namin.
May mga tuwang-tuwa, meron ding mga hindi natuwa. Expected na mga matatalino ’yan, nakabusangot.
Bahala sila, gisingin nalang ako kapag nandyan na Teacher namin. Matutulog muna ako.
CHIVALRY’S POV
Sobrang haba ng tinulog ko, dire-diretso. Hindi na 'ko nakapag dinner dahil hindi ako ginising. Pero one a.m nagising na rin agad ako, nakaramdam ako ng gutom e. Buti may stocks din ako sa kwarto ko, iinitin ko nalang sa oven.
Hindi na rin ako nakatulog ulit kanina, kaya ang ginawa ko nag-laro ako ng offline games. Haha! Tuwang-tuwa ako dahil ang galing ko sa iba't ibang laro. Hinintay ko lang mag four a.m para makaligo na 'ko, at makapag-ready na. Iblo-blower ko pa kasi buhok ko, ayokong pumasok na basa 'yon. Mag-tatali ako ng messy bun, at baka mabasa ang uniform ko.
Tapos na 'ko sa lahat, naka-ready na. Kumakain na kaming apat, naka-ready naa rin sila.
"I heard wala raw kayong masyadong gagawin, Diora." Bigla namang nabilaukan si Kuya Charles kaya napatingin kami sa kanya.
Uminom muna siya bago mag salita, "W-wala, haha!" Putek? ‘Yong Diora na naman ba? Diyos ko naman.
Sinamaan ko siya nang tingin bago ilagay sa lababo pinag-kainan ko, "Akala mo hindi ko alam? Kaya ka natatawa kasi magka-tunog yung Dora at Diora. Bwisit ’yo." Mas lalo pa siyang natawa at nakahawak pa sa tiyan, si Papa nakikitawa. Samantalang si Kuya Cael, napapailing nalang.
"Che! Makaalis na!"
"Yeah, yeah. Take care, we love you. Dora!"
At talaga namang! Papansin talaga siya.
Dahil maaga pa nga, nag-pahatid muna ako sa seven eleven para bumili ng makakain namin mamaya. More on junk foods pinili ko, dahil iyon gusto nila. Nag-dagdag na rin ako ng bottled water, and juice. Just in-case mag-trip silang lahat. Chibog, busog, lusog. Haha!
"Dito nalang po Kuya, paki-sabi kay Papa baka po bigla akong ma-late sa pag-uwi." Nag nod naman si Kuya kaya umalis na ’ko sa sasakyan para pumasok.
Umakyat na ’ko sa room namin, as expected ang iingay nila dahil walang klase. Ibibigay lang mga papel namin na may scores na. Lord, ibigay mo na 'tong araw sa akin.
"Good morning," Nag-nod ako sa mga bumati sa ’kin at bumati rin.
Sana mabilis lang yung pag-bigay ng mga papel per subject. Para kainan na agad, nabitin ako kanina e.
"Good morning, section red. Today is Teacher’s meeting, so walang klase lahat. Nandito na mga papel at scores niyo. Tignan niyo nalang per subject. Ibigay sa may-ari, walang maingay. Tatadyakan ko." Eh? Huh? Sino ’to? Anyway, sana maayos scores ko.

YOU ARE READING
The Last Girl Standing
Teen Fiction- ON GOING - Chivalry Diora Laurent - A cheerful student, kind, energetic, and most of all, a good daughter. Unbeknownst to others, she's the secret daughter of an assassin's boss. She's stubborn, loves to eat ensaymada, and excels in class. Highl...