Chapter 21

182 6 0
                                    

Chapter 21 :  Girl friend?!

CHIVALRY’S POV

"Now, explain. How come you have a tattoo? I already told you! Hindi ka pwede mag tattoo!"

"Pa, ano kasi... Temporary lang naman ito! Mga two weeks burado na."

"Nag-papalusot pa, Pa oh. Grounded na iyan!" Talagang sumigaw pa si Kuya Charles! Ginagatungan pa galit ni Papa, si Kuya Cael masama pa rin tingin sa akin.

"No, I will tell your mother about your shit." Maka shit naman si Papa!

Wala na ’kong nagawa, nakayuko ako habang nakaupo. Kita ko pa kung pa’no mag dutdot si Papa sa cellphone niya, yari na talaga ako nito.

"Yes! May tattoo Anak mo! Sa likod pa talaga!"

Napanguso ako, grabe naman si Papa!

"[Really? That’s nice. Can i see?]" My Father sigh in disbelief, haha!

"Here, tignan mo!"

Tumalikod ako para makita ni Mama tattoo ko, "[Aw, It’s so beautiful. Bumagay sa likod mo, anyway. Calvin! Stop shouting at your daughter and me! Kanina pa ’ko naririndi sa sigaw mo!]" Burn, na-back to you siya e.

Pilit naming tinatago tawa namin, napahiya kasi si Papa e. Lumayo sa amin, mukhang susuyuin si Mama. Tumayo ako para umakyat, medyo matatagalan pa pala bago ito maalis. Kung bakit nga naman kasi ako nagpa-lower back tattoo. Okay lang ‘yan, bagay naman daw sa akin.

Umalis na ’ko, baka bumalik agad si Papa. Mayari na ’ko, umakyat na ’ko sa taas para mag half bath at pahinga. Maaga pa rin kami bukas kahit half day.

Masyadong nakakapagod ngayong aaw, deserve kong mag-pahinga. Sana walang istorbo sa akin.

Nag message na ’ko sa mga kaibigan ko na nakauwi na ’ko at mag papahinga na, mukhang hindi pa sila tapos dahil walang nakapag-seen sa kanila. Basta nag message ako, bahala na sila.

"Haa! Nakakapagod!" Nag set na ’ko ng four a.m alarm clock, five-thirty to nine-twenty kami bukas, kailangan kong agahan pag-kilos. Panigurado aantukin ako sa room kapag hindi pa ’ko natulog ng maaga.

Binagsak ko na katawan ko para makatulog na ’ko.

AMAYA’S POV

Ry got home safely, I didn’t seen her message on purpose. I was so damn busy with my other friends, they keep on dancing.

I saw her and Killian, they keep dancing infront of her father and brothers.

"Hey, tell your friends they need to go home. It’s time for adults party. And you, go upstairs. You have a class tomorrow." Shucks, nakakagulat si Kuya

I nodded and leave him right away, tatalak lang siya katulad ni Kuya Cael, puro sermon.

"Guys!" Pinatunog ko pa yung wine bottle at tinidor para maagaw ko atensyon nila.

Huminto naman sila agad at tumingin sa akin, naknam. Nag-tataka pa itsura nila, "Uwi na raw kayo sabi ni Kuya, may pasok pa bukas. Maaga pa tayo, adults party na raw ang magaganap."

Lahat naman sila nadismaya, pero wala silang nagawa dahil tinignan ko sila isa-isa. Makuha kayo sa tingin, mga letche!

"Ingat kayo pauwi, aakyat na ’ko para mag palit. Uuwi na rin ako e. Bye!"

Umakyat na ’ko para makapag palit, gusto ko na mag-pahinga. Nakakapagod, sumakit katawan ko sa kaka-sayaw. Para kaming nirarayuma kanina. Lalo na mga classmate ni Ry, ang gugulo. Mabuti nalang umuwi na yung tatlo, nawala na yung tinititigan nila e. Kung hindi lang siguro siya kapatid ni Charles at Kuya Cael, siguro poporma na iyon. Pero kilala ko si Killian, idadaan niya muna sa pamimikon—katulad noon, psh. But, I know na popormahan niya si Ry, bago siya maunahan ni Icarus at Aiden.

The Last Girl StandingWhere stories live. Discover now