Batis"Andiyan na po si Hachie, Tita?" Tanong ko agad nang makauwi ako galing eskwela. Kanina kasi ay kinuha ito para ipayos daw sa syudad. Mabuti na nga lang at di rin nagalit nun si Tita dahil nalaman niya na isang Samaniego ang nakabangga kay Hachie. Di na ako nagtaka na mabait siya dahil isa ang Samaniego sa malaking client namin sa binebenta naming gatas.
"Oo, kanina pa. Sa susunod ay mag-iingat ka sa pagmaneho kay Hachie ah? Ang mahal pala ng paayos niyan buti na lang at ginastusan ni Clayden. Napakabait na bata." Napairap ako sa inis. Kasalanan naman niya kung bakit nasira si Hachie, siya kaya ang bumangga! Pero kung maka-asta si Tita ay akala mo ako ang may kasalanan at dapat pa yata akong magpasalamat dahil yung bwesit na lalaking yun ang umako.
"Tss." Tinapunan ako ni Tita ng masamang tingin ng makita niya ang reaksiyon ko kaya't pumasok na lang ako sa kwarto ko upang makapagbihis. Dala ang ecobag na may lamang mga damit, lumabas ako sa kwarto at tumungo sa kusina kung nasaan si Tita at Lola.
"Alis na po ako, Ta, La!" Paalam ko sa kanila. Lumingon si Lola sakin habang si Tita naman ay patuloy lamang sa pagluluto.
"Mag-iingat ka doon at wag lumangoy sa malalim na parte. Di ka pa naman marunong lumangoy." Paalala ni Lola na aking ikinangiwi. Ano naman kung di ako marunong, kasalanan ko bang di ako lumulutang sa tubig kahit anong padyak ko?
Humagalpak ng tawa si Tita sa sinaad ni Lola at lumingon na sa akin.
"Ewan ko sayong bata ka at ang hilig mong lumangoy, samantalang di ka naman makalutang." Pang aasar pa niya na mas lalong ikinabusangot ko. Ngumiti naman silang dalawa sa aking reaksyon at umiling na lamang.
"Sige na shoo, hinihintay ka na nung mga kaibigan mo diyan sa labas." Pagtaboy ni Lola sakin kaya tumango na lang ako at tuluyan ng lumabas sa bahay. Agad kong nakita sila Ysabel, Tracey at Nica. Lahat kami ay may kanya-kanyang ecobag na naglalaman ng pamalit naming damit dahil alangan namang umuwi kaming mga basang sisiw nuh!
"Ang tagal mo naman! Baka may iba ng tao dun!" Reklamo ni Tracey nang makalapit ako sa kanila.
"Hindi yun, Huwebes ngayon Trace, mga busy pa ang iba. Kaya sure akong tayo lang ngayon dun." Paliwanag ko at nagsimula ng maglakad patungo sa direksiyon ng Hacienda. Maliligo kasi kami ngayon sa batis malapit sa may sagingan ng mga Samaniego. Kung saan ako pinatid ng bwesit na lalaking yun.
"Sabagay, pero bat ganyan ang suot mo Chasity? Lola ka na ba at maliligo ka ng nakapalda? Jusmiyo ang haba pa ng palda mo!" Pansin ni Ysabel sa aking suot. Napasimangot naman ako at tumingin sa aking suot. Wala namang mali ah? Maganda kaya ang fashion style ko! Hmpp!
"Pakealamera ka talaga Ysabel, mas pangit nga ang suot mo eh." Pagtatanggol sakin ni Tracey na natatawang pinagmasdan ang suot ni Ysabel na maong shorts at crop top.
"Che! Inggit ka lang." Umirap si Ysabel at umakap sa braso ko. Mabilis rin naman kaming nakarating sa batis dahil malapit lang naman iyon samin. Malawak ito at malinis, mabato rin ang unahang parte at may maliit na falls sa bandang dulo. Mababaw lamang sa unahan kaya doon ako kadalasang lumalangoy kapag pumupunta kami dito samantalang ang sila namang tatlo ay paminsan-minsang sumisisid sa malalim na parte, sa dulo.
"Wahhh!! Wala ngang tao! Swerte!" Sigaw ni Ysabel at mabilis na naglakad patungo sa malaking bato na nasa kaliwa namin. Doon namin inilagay ang mga gamit namin. Iniwan narin namin ang mga tsinelas namin doon at lumakad na patungo sa batis.
"Ang lamig." Bulong ni Nica saking tabi. Malamig nga ang tubig ngunit mainit naman ang panahon kaya masarap maligo ngayon dito.
"Tara na!" Sigaw ni Tracey at agad na tumalon sa malalim na parte. Minsan ay nai-inggit ako sa kanila dahil sa aming apat, ako lang ang di marunong lumangoy. Kahit si Nica na mahinhin at mahiyain ay mas magaling pa saking lumangoy.
BINABASA MO ANG
Where The Wild Things Grow (Samaniego Series 1)
RomanceClayden Samaniego was known as the most friendly of all the Samaniego. He's a party-goer and likes to flirt around girls. He loves the city life and enjoyed living freely but a scandal caused him to be banished to their family hacienda. There, the l...