WTWTG 10

13 3 0
                                    


Iwas

"Oh? Nakabusangot ka? Parang kahapon lang masaya ka ah?" Bungad ni Ysabel sakin pagpasok ko ng classroom. Tahimik ko siyang nilagpasan at umupo sa aking pwesto. Wala ako sa mood makipag-asaran sa kaniya. Naiisip ko pa lang na nasa bahay na naman ang asungot na yun ay naiimbyerna na ako.

"Wow, nonchalant ang atake. Problema mo?" Tanong ni Ysabel nang makaupo siya sa tabi ko. Si Nica at Tracey naman ay agad ring nagsunuran at pinalibutan ang aking pwesto.

"Hulaan ko, Si Clayden nuh?" Tanong ni Tracey dahilan kaya't napatingin ako sa kaniya. Paano niya nalaman?

"Well, nakita ko kasi siya kahapon sa bayan at gamit niya si Hachie habang naghahatid ng mga gulay at gatas. Eh nung una nga akala ko namamalikmata lang ako at ibang e-trike gamit niya kaso nakita ko yung sticker mo chaste kaya ayun." Kwento niya. Napanguso ako sa inis dahil paniguradong pinag-chi-chismisan na kami sa bayan. Kilala si Clayden bilang Samaniego at lagi naman nakikitang gamit namin si Hachie kaya alam kong may chismis ng kumakalat ngayon. Pag-uwi ko ay sasabihan ko talaga si Tita na patigilin na ang lalaking yun sa pagpunta sa bahay namin.

"So, kaya pala hindi na dito pumupunta si Clayden dahil sa bahay niyo na ang distino? Aba may pa-assist pa kila Tita, nanliligaw ba?" Asar na tanong ni Ysabel. Nanliligaw? Yung asungot na yun? Pang-mamanyak kamo ang ginagawa. Nakakadalawa na yun sakin at di ko man lang napigilan lahat ng yun. Hinding-hindi na talaga mangyayari yun ulit, sinusumpa ko!

"Mukha bang manliligaw ang lalaking yun? Sa sobrang dami ng babae nun eh hindi niya na kailangan yun. Nambwebwesit lang talaga yun sakin." Umirap ako at napanguso. Totoo namin kasi na hindi niya na kailangan manligaw pa dahil maraming babae na nagkakandarapa sa kaniya maliban sakin syempre! Isaksak ko pa siya sa baga ng mga yun eh.

"Si Chasity andiyan?" Rining kong tanong ng isang pamilyar na boses. Napalingon kaming apat sa labas ng classroom at kita namin ang iilang babae na naroon.

"Chasity! May naghahanap sayo." Pagtawag sakin ng classmate namin kaya't tumango ako sa kanya at tumayo.

"Aba, Anong ginagawa ng inggratang yan dito? Diba sa private school yan nag-aaral?" Bulong ni Tracey na agad namang dinugtungan ni Ysabel.

"Oo Yung private school na mas mataas pa yung talahib kaysa sa classroom nila. Jusmiyo private kuno eh mas pangit pa sa school natin." Napatawa kaming apat at tuluyang lumabas. Tumingin ako sa babaeng nasa gitna at agad na napangiwi dahil sa matapang niyang pabango. Ito ba ang klase ng babae na gusto ni Clayden? Sabagay kahit anong klase naman yata ng babae ay papatulan ng malanding yun eh.

"You're Chasity right?" Gusto kong matawa sa kaniyang 'trying hard' accent ngunit mas pinili ko na lamang tumango at umiwas ng tingin dahil baka matawa ako at bigla na lang akong awayin.

"Balita ko ay ikaw yung bagong nilalandi ni Clayden." Dugtong niya kaya't napa-angat ako ng kilay. Binabakuran niya ang asungot na yun?

"Oh tapos?" Tanong ko sa kaniya. Mukha bang gusto kong lumapit sakin ang lalaking yun?

"Ahh baka di mo ako kilala. Btw ako nga pala si Tally, I'm Clayden's girlfriend kaya please lang layuan mo siya huh? I know naman na gwapo at mayaman yung bf ko pero wag mo namang ibaba ang sarili mo para lang makasabit sakanya." Turan niya at pinasadahan ng tingin ang aking buong katawan, mula paa hanggang ulo.

Where The Wild Things Grow (Samaniego Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon