Dirty"Chaste tara dun sa vendor na yun oh! Tanghulu!" Nasa night market kami ngayon. Bakasyon at ngayong araw din ang fiesta ng aming baryo. Maingay ang paligid at halos siksikan, marami rin akong nakikitang mga dayuhan na namimili sa tiyangge na naroon. Tuwing fiesta kasi ay nakagawian na rin ng kada barrio ang magtayo ng night market at karamihan sa mga tinitinda roon ay mas mura sa karaniwan nitong presiyo.
"Kakatapos lang nating kumain sa bahay ni Jasmine, Tracey! Kakain ka na naman?" Reklamo ni Ysabel nang makita niya ang tinuturo nito na tanghulu. Di ko nga alam kung bakit sobrang trending niyan ngayon samantalang prutas lang naman na may asukal iyan, tapos ang mahal-mahal pa ibenta.
"Kung gusto mo bumili. Pero ayoko na munang kumain. Patunawin ko muna yung nakain ko kanina." Masiglang tumango si Tracey sa akin at agad na hinila si Ysabel patungo sa bilihan ng tanghulu. Naiwan kaming nakatayo sa gilid ni Nica.
"May gusto ka bang bilhin?" Tanong ko sa kaniya ngunit umiling lang siya. Pansin ko nitong mga nakaraan ay mas lalo siyang tumahimik. Kaso ilang beses ko na siyang tinanong kung may problema ba, ang sinasabi niya naman ay wala.
"Nica, punta muna tayo sa di matao. Siksikan na kasi, pabayaan na muna natin yung dalawa." Suhestiyon ko sa kaniya.
"Sige, dun tayo oh." Tinuro niya ang katapat na simbahan. Kakaunti lang ang tao roon dahil karamihan ay nasa night market at tapos na rin ang simba kanina. Nang makapasok kami ay agad akong napasimangot dahil puro couple ang mga nakatambay dito. Mukha ba itong dating place kaya dito sila nagsitambay?
"Mga walang respeto." bulong ko kay Nica na napatawa rin. Umupo kami sa bench na nakapalibot sa fountain. Wala namang tubig ang fountain dahil sira yata kaya di kami natakot na mabasa.
"Omo!!!! Ang mga Samaniego!" Rinig kong impit na tili ng isang babae mula sa di kalayuan. Agad kaming napatingin sa gate ng simbahan at naroon nga ang mga ito. Ang walong kalalakihan na may iba't ibang tindig at karisma ay halos pagkaguluhan ng mga kababaihan na naroon. Kahit ang may mga jowa ay napapatingin sa kanila.
"Tss..feeling." sabay na bulong namin ni Nica kaya't napalingon kami sa isa't isa.
"Mga feeling artista nuh?" Maarte kong tanong kay Nica na natatawang tumango. Mukha tuloy kaming bitter dalawa. Hay naku! Chasity dapat di pinapansin yang mga yan! Lalo na yung isa diyan na ang kapal ng mukha pumasok ng simbahan, di niya ba naisip na baka masunog siya? Nilingon ko ang pigura ni Clayden at napanguso sa iritasyon na gumagapang sa loob ko.
"Bwesit." Bulong ko.
"Huh?" Tanong ni Nica ngunit umiling na lang ako.
"Akala ko pa naman kapag dito tayo tumambay sa simbahan malalayo tayo sa marurumi. Sumunod din pala, kainis." Reklamo ko sa mahinang boses ngunit nakita ko ang paglingon ng iba sa gawi ko. Pakealam ko ba kung marinig nila. Di ko talaga makakalimutan yung nakita ko sa sagingan. Masyadong marumi! Malandi! Nabahidan ng marumi ang malinis kong mata ng dahil sa kaniya!
"Hey." Rinig kong tawag ng isang lalaki. Nakayuko ako at di pinansin ang boses nito dahil baka di naman kami ang tinatanawag.
"Hey, flower girl." Rinig kong muling tawag niya ngunit sa pagkakataong ito ay ini-angat ko na ang aking tingin. Bumungad sakin ang gwapo niyang mukha na may bahid ng mapanuyang ngisi. Ang malalim at berde nitong mata ay tumitig saking mukha.
"You're here." Muli niyang turan ng hindi ko siya sagutin. Umirap ako sa kaniya at umiwas ng tingin.
"Malamang andito ako kasi tagarito ako." Balagbag ko sagot dahilan upang mas lumawak ang ngiti niya. Di pa rin talaga nagbabago ang ugali, masamang nilalang parin. Nadadagdagan lang ng kalandian.
"Ni-" lumingon ako kay Nica upang ayain na itong umalis ngunit wala na ito sa kaniyang pwesto at ang bwesit na si Clayden na ang nakaupo roon.
"Five years and you're still the same huh. Masungit." Ang ngiti sa kaniyang labi ay di nabura ng kasungitan ko.
"But something change." Dugtong niya at bumaba ang kaniyang tingin saking dibdib. Sinundan ko ang kaniyang tingin at agad na kumawala sakin ang inis. Marahas akong tumayo sa kaniyang harap at masama siyang tiningnan.
"Ang manyak mo! At sa simbahan ka pa nag-ganyan!" Mariin kong turan sa kaniya. Nawala ang ngiti sa kaniyang labi at umiwas ng tingin.
"We're not inside, nasa labas tayo. So it doesn't matter." Nagkibit siya ng kaniyang balikat kaya tumalikod na ako at umalis. Ayokong kumausap sa bastos na katulad niya. Sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang ginawa niya sa sagingan. Napakahalay! Bastos! Madumi!
"Hey! Where are you going?" Rinig kong tanong niya habang sumusunod sakin. Uuwi na lang ako dahil wala rin naman akong bibilhin at nandito pa ang bwesit na toh.
"Heyyy! Flower girl!" Inis ko siyang nilingon ng sinigaw niya iyon dahilan kaya't napalingon ang iilan sa amin. Feeling ko palagi akong high blood kapag nandito siya!
"Ano bang gusto mo at lapit ka ng lapit sakin?" Pilit kong pinahinahon ang aking mukha bago humarap sa kaniya. Malayo na kami sa night market at kami na lang rin ang nasa daan.
"Hmmmm... you're eighteen now, right?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya. Anong kinalaman ng edad ko sa gusto niya?
"Oh tapos? Pake mo kung eighteen na ako? Pwede bang tantanan mo ako? Akala mo ba nakalimutan ko na lahat ng ginawa mo noon sakin?" Mataray kong saad.
"Hmmm, kahit ako di ko makakalimutan yun. Specially that flower thing of yours?" Natatawang bigkas niya kaya't mas lalo akong napabusangot. Bakit ba sa lahat ng sasabihin niya ay yung panty ko pa na nakita niya? Napakamanyak talaga!
"So, I know it's you..." Bulong niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Anong ako?
"That night, sa sagingan." Seryoso niyang turan. Hindi iyon tanong bagkus sigurado siyang ako iyong nakakita sa kanila. At ako naman talaga!
"So what?! Papatahimikin mo ako? Kasi ayaw mong masira ang image mo?" Asar kong tanong. Yun lang ba ang dahilan kaya niya ako sinusundan? Ilang araw na ang nakalipas, may narinig ba siyang chismis na ganun dito? Diba wala? So ano pinuputok ng butsi niya?
"H..how long did you watch us do that?" Aba?!
"Mukha ba akong mahilig sa porn at gusto mo pa akong manood sa live niyo ng matagal? Aba malamang pagkakita ko agad sa inyo ay sumigaw na ako! Napakahayok niyo! Di na kayo pumasok sa bahay at sa sagingan pa talaga kayo nagkamutan! Kadiri kayo!" Inis akong tumalikod sa kaniya at pinagpatuloy na ang paglalakad. Ayoko na siyang kausapin!
"Wait!!! I...I didn't do it because I want her. It's just..." Rinig ko pang paliwanag niya. Asus hindi daw gusto pero kita ko kung pano niya araruhin si Tally. Kadiri!
"Bat ka nagpapaliwanag sakin? Pake ko ba sa inyo? Kahit magkastahan kayo ngayon sa gitna ng night market wala akong pakealam! Wag kang lumapit lapit sakin! Nadudumihan ako!" Sigaw ko sa kaniya at mas lalo pang binilisan ang paglalakad. Sigurado namang babalik siya ulit sa Manila kaya wala akong pake kung maoffend ko man siya.
Totoo naman at marumi siya! Malandi! Kawawa ang babaeng mapapangasawa niya baka mahawaan pa ng sakit.
BINABASA MO ANG
Where The Wild Things Grow (Samaniego Series 1)
RomanceClayden Samaniego was known as the most friendly of all the Samaniego. He's a party-goer and likes to flirt around girls. He loves the city life and enjoyed living freely but a scandal caused him to be banished to their family hacienda. There, the l...