WTWTG 18

14 2 0
                                    


Harana

"This?" Natatawa akong umiling dahil kahit anong pagpiga niya yata ay wala man lang lumalabas na gatas. Ngumuso siya sakin at binitawan ang susu ng baka.

"Why do you make it look so easy?" Reklamo niya habang pinupunasan ang pawis na namuo sa kaniyang noo. Inabutan ko siya ng panyo at pinagpatuloy ang pagpipiga. Dahil baka magalit na yung baka kakapiga ni Clayden.

"Isn't it enough?" Tanong niyang muli.

"Hindi ah, may iba ring nag-order nuh kaya need ko pa ng....hmmm...apat na bucket." Sagot ko sa kanya.

"No way? That much? Wala ba silang sariling mga baka?" Sinamaan ko siya ng tingin. So gusto niyang mawalan kami ng pagkakakitaan?

"No, I mean...*sigh* Di ka ba napapagod sa dami mong ginagawa lagi?" Umiling naman ako agad at nakangising sumagot.

"Sino bang mapapagod kung kapalit nun ay pera?" Tumango-tango naman siya at binuhat ang bucket na napuno ko na ng gatas.

"After this? Ano pang gagawin mo?" Napaisip naman ako at naalalang kailangan ko pa palang magluto para sa tanghalian.

"Magluluto pa ako." Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at nakitang magtatanghali na. Lumingon ako sa mga kaibigan naming paghaharutan lang yata ang ambag.

"Ysabel! Tracey! Nica! Dito ba kayo kakain?" Tanong ko sa kanila at sabay-sabay naman silang nagsitango. Tumingin ako kila Tyler at tinaasan sila ng kilay.

"Di mo ba kami papakainin? Napagod din kami oh." Turan ni Tyler at tinuro ang iilang bucket ng gatas.

"Alam ko naman na dito kayo kakain dahil kaibigan kayo ng isa ditong may makapal na mukha. Dami-dami kumain lagi." Umirap ako kay Clayden nang makita ko ang ngisi sa labi niya.

Daig pa ako kung kumain eh.

"It just means that the food you cook was delicious as f*ck." Nagmura pa talaga, siraulo!

Namumula akong lumabas at pumatungo na sa kusina. Rinig ko rin ang pagsunod nilang lahat at halos magsiksikan na kami sa loob.

Humarap ako sa kanila at mataray na pinaglingkis ang braso sa harap ng aking dibdib.

"Pwede bang lumabas yung mga wala namang mai-aambag sa pagluluto?" Nagsitinginan silang lahat at sabay-sabay na napatahimik.

"Ano? walang lalabas?" Muli kong tanong at agad na nagsiklaban ang ingay.

"Si Clayden hindi marunong magluto yan. Palabasin!!" Tyler.

"Shut up! Di ka rin naman marunong." Sagot ni Clayden at tinampal ang kamay ni Tyler na tumutulak sa kaniya.

"Si Isaac puro kain lang alam. Lumabas ka na bro." Vincent.

"Si Luke nga kahit pagluto ng pancit canton may sabaw pa eh." Isaac.

"...." Luke.

Lahat sila ay napatingin sa natatanging binata na tahimik sa kanila at matalim naman silang tiningnan nito.

"F*ck you." Turan ni Seth.

"Kuya! Teach me how to cook." Pangungulit ni Clayden na nagawa pang umakap sa braso ni Seth.

"Bitaw."

"Kuya!!!" Sabay sabay na tawag nila.

Nagkatinginan kaming mga babae at natatawang umiling. Bakit ba ayaw nilang lumabas ng kusina?

Where The Wild Things Grow (Samaniego Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon