Beats"Uuwi na na tayo?" Tanong ko nang makarating ako sa cottage namin. Naabutan ko silang nag-iinuman habang nagkukwentuhan. Tumingin ako kay Ysabel na kasalukuyang nakikipaghagikgikan kay Tracey.
"Ano... overnight na lang daw." Sagot niya kaya't napataas naman agad ako ng kilay. Aba baka nakakalimutan nitong di kami nakapagpaalam?
"Di alam nila Tita, tyaka si Nica? Paniguradong yari tayo kay Tita Gracey kapag di umuwi yan." Pinaningkitan ko siya ng mata at natatawa naman siyang umiling. Inabot niya ang phone na hawak ko at may pinindot doon.
*Ring!*
Ilang segundo lang din ay agad na may sumagot mula sa kabilang linya. Ang pamilyar na boses ng aking Tiyahin ang bumungad mula roon.
"Hello, ysa? Di pa ba kayo uuwi? Gabi na ah!"
"Mag-oovernight po kami Tita kaso di daw nasabi sainyo ni Chaste noong nagpaalam siya." Tinaliman ko siya ng tingin ngunit ngumisi lang ang gaga. Mukhang nakainom na siya kaya matapang, idagdag mo pa na andito ang boyfriend niya. Sarap talaga birahin ng babaeng 'to.
"Bakit ngayon niyo lang sinabi? Sino bang kasama niyo diyan? Tyaka saan kayo matutulog?" Sunod-sunod na tanong ni tita. Wala kasing resort sa parteng pinuntuhan namin kaya siguro nagtataka siya dahil hindi naman kumportable matulog sa cottage.
"Sa tent po kami matutulog ta, tyaka kaming apat lang po magkakasama." Palusot na paalam ni Ysabel kaya't tumalikod na lang ako at di na siya pinakinggan pa. Gagawin talaga ang lahat para di lang mahiwalay sa boyfriend eh, grabeng karupukan.
Umupo ako sa tabi ni Nica at pansin ko ang pamumula ng pisngi niya. May hawak rin siyang baso ng alak habang pangisi-ngising tumitingin sa gawi ng mga kalalakihan.
"Anyare sayo? Pati ba naman ikaw naglalasing? Lagot ka kay Tita Gracey kapag di ka umuwi." Pananakot ko sa kaniya ngunit umiling lang siya at natatawang sumandal sa aking balikat.
"Hik! H...hindi yun, b..busy yun sa iba. Pabayaan mo siya." Mahinang bulong niya. Tumingin ako sa kaniya at napansing nakapikit na ang mga mata niya. Kinuha ko ang basong hawak niya at tinung-ga ito.
"Pwe." Ngumiwi ako sa pait na bumahid sa aking lalamunan at di ko sinasadyang mapatingin sa gawi nila Clayden.
Agad akong nagulat nang magtama ang aming mga tingin at mabilis na napaiwas. Hinagod ko ang aking dibdib nang maramdaman ko na naman ang kaba na bumalot doon.
Ano bang nangyayari sakin?
Highblood ba ako?"Chaste!!!! Okay na!" Tumango na lang ako Ysabel at tahimik na isinandal ang ulo sa ibabaw ng ulo ni Nica bago tuluyang pumikit.
Ilang minuto lang din ay rinig ko na ang pagkalampag ng mga upuan at gayundin ang mga yabag nila.
"Set-up lang namin yung tent love." Rinig kong paalam ni Luke kay Ysabel bago tuluyang mawala ang ingay na nilikha nila. Mabagal kong iminulat ang aking mata at napatuliro nang makita ko ang kaniyang pigura na nakatayo sa aking harap.
"Sleepy?" He asked with his deep voice. I stared at him for awhile then nodded my head in agreement.
"Just wait for a little bit. Nagse-set up pa sila ng tent. You can sleep there, wag dito at sasakit ang likod mo." Turan niya na may halong pag-aalala. Muli akong pumikit at tumango. Hindi naman ako masyadong nakipaglaro sa kanila kanina at puro kain lang ang ginawa ko pero sobrang bigat ng pakiramdam ko.
" Hey? Chaste? Chasity?" Rinig kong bulong niya. And this time mas malapit na iyon sa mukha ko. Ang mainit niyang hininga ay tumama sa aking balat na naghatid ng kilabot sa aking sistema. Agad akong napamulat at tila nabuhayan. Ini-ayos ko ang pagkakaupo ko at tyaka umiwas ng tingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Where The Wild Things Grow (Samaniego Series 1)
RomanceClayden Samaniego was known as the most friendly of all the Samaniego. He's a party-goer and likes to flirt around girls. He loves the city life and enjoyed living freely but a scandal caused him to be banished to their family hacienda. There, the l...