Admirer"Good Morning Mommy!" Marahan kong minulat ang mga mata ko at agad kong natagpuan ang matabang mukha ni Denver.
"Morning, my baby." Mariin ko siyang hinalikan sa pisngi at inakap bago muling pumikit.
"Mommy, you have school today." Paalala niya sakin at tumango lang ako.
"Mommy!!" Tawag niya muli ngunit di ko pa rin idinilat ang mga mata ko.
"Hmm.."
"Mommy!!!! Wakey!" Ramdam ko ang paghalik niya sa aking mukha kaya agad akong napamulat.
"Okay, okay! Babangon na si mommy." Napa-iling na lang ako nang makita ko ang nakabusangot niyang mukha.
Di talaga ako nakaka-absent dahil sa kaniya.
"Where's yaya bebe?" Tanong ko sa kaniya habang nililigpit ang higaan. Nagkibit balikat siya at umupo sa carpet floor.
"Kumain ka na ba ng breakfast?" Tanong ko ulit sa kaniya ngunit tumalikod siya sakin at di ako pinansin.
Ano kayang problema nitong batang 'to?
Bat tinotopak na naman?
"What's wrong baby?" Nilapitan ko siyan at binuhat. Pilit kong sinilip ang mukha niya ngunit umiiwas siya sakin. Marahan akong napangiti dahil sa kakyutan niya.
"Pwede bang malaman ni mommy kung bakit nakabusangot na naman ang baby ko?" Malumanay kong tanong sa kaniya at nakita ko naman ang pagbagsak ng mga balikat niya.
"Y..you promise na maglalaro tayo sa playground yesterday." Bulong niya. Napaisip ako at naalalang pinangakuan ko pala siya na pupunta kami ng playground para maglaro. Pero dahil sa sobrang busy ko sa school ay di ko na siya naasikaso.
Biglang bumigat ang dibdib ko at niyakap siya ng mahigpit.
"I'm sorry baby, bukas ay walang pasok si mommy. Promise sasamahan ka ni mommy doon, okay?" Malumanay kong turan. Hinarap ko siya sakin at di naman na siya nagmatigas at unti-unting bumahid sa kaniyang mukha ang ngiti. Napatulala ako nang masilayan ko na naman ang dalawang malalim na dimples sa kaniyang mga pisngi.
Hinipo ko iyon at napabuntong hininga na lamang.
"Maliligo na si mommy, okay? Sabay ka na rin kay mommy mag-breakfast." Masaya naman siyang tumango at agad na bumaba sa aking kandungan.
"I'll wait for you mommy, go go na po" Gigil ko muna siyang hinalikan bago pumatungo sa bathroom.
Ilang minuto lang din ang tinagal ko ay agad akong bumaba para makakain na rin. It's already 8:30 in the morning at may class ako ng 9:30.
Nagmamadali akong pumatungo sa dining hall kung saan ko natagpuan si Kuya Jeydon, Kuya Brent at Denver. Wala ang grandparents namin, samantalang ang mga parents naman nila kuya ay nasa bahay nila. We're living in the main mansion at minsan ko lang sila makita.
"Good morning kuya Jeydon, kuya Brent." Pagbati ko sa kanila dahilan kaya napalingon sila sakin. Pinasadahan ako ng tingin ni Kuya Brent at tinaasan ng kilay.
"What?" Tanong ko dahil paniguradong pupunain na naman niya ang suot ko.
"Nothing. Btw good morning." Sagot niya at umiwas na rin ng tingin. He's a fashion designer that's why he's very sensitive sa mga sinusuot ko. Minsan nga ay napagkakamalan kong bakla itong si kuya Brent dahil sobrang taray.
BINABASA MO ANG
Where The Wild Things Grow (Samaniego Series 1)
RomanceClayden Samaniego was known as the most friendly of all the Samaniego. He's a party-goer and likes to flirt around girls. He loves the city life and enjoyed living freely but a scandal caused him to be banished to their family hacienda. There, the l...