WTWTG 9

16 2 0
                                    

Ganti

"Mukhang masaya ka yata ngayon?" Agad na bungad sa akin ni Ysabel pagpasok ko ng classroom namin.

Aba sino ba namang di sasaya kung ang kinabubusetan mong tao ay kusa ng lumalayo sayo?! Hahahah!

Dalawang araw na ang nakalipas matapos ko siyang sipain at sa mga araw na iyon ay hindi ko na siyang nakitang tumambay sa school namin.

Natakot na siguro, subukan niya lang lumapit pa ulit sakin at talagang goodbye next generation na siya.

(⁠≧⁠▽⁠≦⁠)

"Chismosa." Sagot ko kay Ysabel at agad na naglakad patungo sa upuan ko. At ang chismosa ay sumunod pa rin at nagawa pang titigan ako sa mukha na animo'y nag-uusisa.

"Ano na naman?" Mataray kong tanong sa kaniya na tinaasan lamang ako ng kilay.

"May napapansin lang kasi ako nitong mga nakaraan. Hindi ko na nakikita si Clayden. May ginawa ka nuh?" Napanguso ako at umiwas ng tingin sa kaniya.

"Wala." Pabulong kong sabi at umupo na para ayusin ang mga gamit ko ngunit wala yata siyang balak na tantanan ako at nagawa pang umupo sa tabi ko. Chismosa talaga ang babaeng toh.

"Weh? Siguro ay pinakita mo na naman ang panty mo sa kaniya nuh?" Saad niya ng may halong pang-aasar. Naramdaman ko ang biglang pagsiklab ng init sa aking mga pisngi. Di pa ba niya nakakalimutan yun? Nakakainis!!

"Ewan ko sayo. Napagod na siguro yun sa pangungulit sakin at humanap na ng iba." Umirap ako sa kaniya at muling itinuon ang atensyon sa aking notebook.

"Ganun? Sayang naman." Rinig kong turan niya ngunit di ko na siya pinansin pa. Anong sayang sa timang na yun? Mas mabuti nga na di niya na ako lapitan para maging tahimik na ang buhay ko.

Pagkatapos ng klase namin ng umaga ay agad akong lumabas upang umuwi. Di kasi ako nakapagbaon ng pagkain kaya kailangan kong umuwi dahil sayang lang ang pera ko kung gagastos pa ako kahit pwede naman umuwi.

"Uuwi ka?" Tanong ni Nica nang makita niya akong palabas ng gate. Tumango ako at sumabay sa kaniyang paglalakad.

"Uuwi ka rin? Wala kang baon?" Tanong ko. Nagtataka lang ako dahil lagi naman siyang nilulutuan ni Tita Gracey. Umiling siya at marahang ngumiti habang nakatingin sa kalayuan.

"Meron pero gusto kong samahan si mama sa hapag." Tumango na lang ako at di na siya muling tinanong. Hangga't di siya ang unang nagsasabi ng problema niya ay hindi ako mangengealam sa kaniya dahil privacy na rin niya iyon.

"Basta andito lang ako okay?" Tumango siya habang nakangiti sakin bago kumaway at humiwalay na ng daan.

Napabuntong hininga na lamang ako at tumuloy sa paglalakad patungo sa aming bahay ngunit agad rin akong napahinto sa aking kinatatayuan dahil sa imaheng nakikita ko mula sa di kalayuan. Nakatayo ito habang kausap ang aking Tiyahin, may hawak rin siyang mga sako ng gulay.

"Hey, flower girl. Lunch?" Nakangising bati niya sakin nang makita niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin at takang tumingin kay Tita.

"Ta? Anong ginagawa niyan dito?" Salubong ang aking kilay habang palipat-lipat ang tingin kay Tita at Clayden. Kaya ba wala siya sa school dahil dito na naman siya sa bahay mambubuset? Hanep talaga sa kakapalan ng mukha!

"Ahh, Tumutulong si Den sa paghahatid ng gulay. Ang galing nga kasi mas napapabilis yung trabaho dahil marami siyang napagbebentahan sa bayan. Salamat iho ah." Tila kinikilig na sagot ni Tita at ang mukha niya'y nababahidan ng malawak na ngiti.

Where The Wild Things Grow (Samaniego Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon