Falling"Gising na Chaste." Marahan kong idinilat ang mga mata ko ngunit nang makita kong madilim pa ay agad rin akong pumikit ulit. Anong oras na kaming nakatulog kagabi tapos di pa kumportable matulog dito.
"Chaste, uuwi na tayo." Rinig kong tawag sakin ni Tracey habang niyugyog ang balikat ko. Inis akong dumilat at sinamaan siya ng tingin.
"Madilim pa nga sa labas eh! Mamaya na." Reklamo ko ngunit imbes na pabayaan ako ay mas lalo niya lang akong niyugyog.
"Ano ba trace!"
"Kanina pa sila naghihintay sa labas. Ikaw na lang itong tulog pa." Turan niya kaya't napalibot ang tingin ko sa tent namin. Tama nga at kami na lang ang naroon. Inis akong bumangon at lumabas ng tent.
"Bat ang aga niyo namang magsi-uwi?" Tanong ko at tumingin sa taong bumungad sakin. Gulat ang ekspresyon niya nang makita ako at maging ako ay napaawang din ang labi.
Ang aga-aga siya agad makikita ko?
"Good Morning." Bati niya sakin at napalunok naman ako nang marinig ko na naman ang malalim at malambing niyang boses.
"M..morning din." Maikling sagot ko at nagmamadaling nilampasan siya. Ngunit hinawakan niya ang kamay ko at ihinarap niya ako sa kaniya. Ini-angat ko muli ang aking tingin sa kaniya at takang pinasadahan ng tingin ang kaniyang kamay.
"Breakfast." Nilagay niya sa kamay ko ang plastic ng pandesal at agad ring bumitaw bago tuluyang umalis sa harap ko. Tumitig ako sa pigura niya at kinagatan ang pandesal na binigay niya.
"Pa-cool naman masyado." Gulat akong napatalon at agad na lumingon sa likuran ko. Bumungad sakin si Tyler na nakangisi habang nakapamulsa.
"Good morning, chaste." Bumaling siya sakin at umiling nang makita ang itsura ko.
"Buti nakakaharap ka sa kaniya ng ganyan ang itsura mo." Dugtong niya habang napapailing pa na animo'y di katanggap-tanggap ang itsura ko ngayon.
"Malamang kakagising ko lang." Umirap ako at nilagpasan na siya. Pumunta ako sa cottage dahil nandun ang mga bag namin.
"Good morning chaste, si Tracey asan na?" Bungad sakin ni Ysabel nang makapasok ako sa cottage. Doon pala sila nag-uumagahan. Tiningnan ko ang lamesa na puno ng pagkain at muling tiningnan ang tinapay na hawak ko.
Bakit kailangan niya pa akong dalhan dun, eh meron naman pala dito?
"Morning din, iniwan ko na. Kainis eh makayugyog wagas." Umupo ako sa tabi ni Nica. Tulala pa ito dahil mukhang kakagising lang din.
"Wait...nasaan ka pala kagabi? Di kita napansin." Tanong ko sa kaniya at kita ko ang pagbahid ng kaba sa mukha niya kaya't pinaningkitan ko siya ng mata.
Ang alam ko kasi ay di ko rin nakita si Seth nun habang nagkukwentuhan kami. Magkasama sila?
"A...no.. di ba antok na ako nun? Kaya natulog na ako agad." Tinaasan ko siya ng kilay at pinalampas na lang ang pagsisinungaling niya.
May something kaya sila ni Seth? Hmmm...type ko pa naman noon si Seth kaso...
Sumulpot bigla ang mukha ni Clayden sa isip ko kaya agad akong napa-iling at pilit na binura ito sa isipan.
"Lagot ka talaga kay Tita Gracey pag-uwi mo." Pananakot ko sa kaniya at ngumiwi naman siya. Bumuntong hininga siya at hinipo ko na lang ang likuran niya.
"Kaya mo yan, malaki ka na." Muli kong turan ngunit sumimangot lang siya sakin.
"Chaste, kape oh." Inabutan ako ni Ysabel ng paper cup na may kape at umupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Where The Wild Things Grow (Samaniego Series 1)
RomanceClayden Samaniego was known as the most friendly of all the Samaniego. He's a party-goer and likes to flirt around girls. He loves the city life and enjoyed living freely but a scandal caused him to be banished to their family hacienda. There, the l...