WTWTG 25

16 3 0
                                    

Other

"Chaste, kumain ka na oh." Tulala lamang akong tumingin sa malayong lupain ng mga Samaniego. Parang dati lang ay nakikita ko pa ang pigura niya sa maliit na taniman namin ngunit ngayon di na ito tulad noon. Ang excited kong pag-bangon sa kama tuwing umaga upang makita ang pawisan niyang pigura na tumutulong sa taniman ay di ko na muling naramdaman.

Ilang minuto lang ay unti-unting iginuhit ng aking isipan ang pamilyar niyang pigura. Kita ko ang pag-ngisi niya at pagkaway sakin.

"Ta, kumain na po ba si Clayden? Baka po pagod na yun sa pagtulong sa taniman natin." Nilingon ko si Tita at tinuro si Clayden.

"Hmm....oo chaste, p...pinakain ko na siya kaya k-kumain ka na rin huh?" Kita ko ang pagbahid ng lungkot sa mata ni Tita habang pilit na ngumingiti sakin. Lumingon ako kay Clayden at nakitang sumesenyas siya sakin.

"Huh? Kumain ako?" Turan ko at tumango siya. Nilingon ko si Tita at inabot ang platong hawak niya.

"Kakain na po ako Ta, magagalit kasi siya kapag di daw ako kumain." Marahan kong turan bago yumuko upang kumain.

"O...o, k..kumain ka rin daw ng marami chaste." Nanginginig na turan ni Tita. Naramdaman ko ang pag-alis niya kaya agad kong nilapag ang plato sa tabi ko at ang imahe ni Clayden ay unti-unting naglaho.

Pumatak na naman ang luha sa aking mga mata. Six months...anim na buwan mo na akong di binabalikan Clayden.

Tumayo ako at lumakad patungo sa pamilyar na lupain ng mga Samaniego at dinama ang malamig na hangin na yumayakap sakin.

Buti pa tong hangin nararamdaman ko, eh Ikaw ba Clayden? Kailan ka ulit magpaparamdam sakin?

Hinipo ko ang maliit na umbok sa aking tiyan at napatingin sa kalangitan.

"Denden...mukhang ayaw na satin ng daddy mo ah." Naluluha kong hinaplos ang maliit kong baby bump. Di ko alam na sa unang beses na pagtatalik namin ay mabubuntis ako.

Tanging ang mga kaibigan at pamilya ko lang ang may alam ng pagbubuntis ko. Di rin naman kasi halata ang umbok sa tiyan ko kahit anim na buwan na ito at halos lahat rin ng sinusuot ko ay maluluwag.

Habang naglalakad ay sumalubong sakin ang isang kotse. Bumaba roon si Aling Vicky at lumapit sa akin.

"Chaste, iha. Pwede ka ba daw makausap ni Donya Lisana?" Tumingin ako sa matandang babae na nakasakay kotse. Tumango ako at agad na sumakay sa loob ng kotse.

Donya Lisana...ano ang kailangan sakin ng Lola ni Clayden?

"Chasity Enriquez?" Tumango ako nang marinig ko ang malamig niyang boses.

"So, you're also pregnant." Dugtong niya ngunit agad na napukaw ng atensiyon ko ang sinabi niya.

"Also?" Tanong ko.

"Oh, you didn't know? I thought you knew that Clayden impregnated someone in Manila. He was banished here to avoid the scandal...I didn't know na nag-iwan na naman pala siya ng lahi niya rito." Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig.

Si C..Clayden? Anong pinagsasabi niya? Niloloko niya ba ako? Di magagawa sakin ni Clayden yun...he...he promised me.

"I'll give you money to take care of the child. And about Clayden, I'll just say that don't bother him anymore. Kinasal na siya sa babaeng una niyang nabuntis. I know naman na di mo kaya sumira ng pamilya, right?" Pinigilan kong bumagsak ang mga luha ko. Ang...sakit...ang sakit sakit.

Akala ko...totoo siya sakin...

Akala ko nagbago siya para sakin...

Akala ko babalik pa siya sakin basta matiyaga lang akong maghintay sa kaniya...



"P...asensiya na po, kailangan ko na po umalis."

Nakaramdam ako ng pagkahilo at agad na bumaba ng kotse. Nakaparada lamang ang kotse sa harap ng hacienda kaya agad kong tinahak ang pamilyar na daan pauwi sa amin.

"B...bakit? Bakit ganun Clayden?...

"Lahat ba ng ginawa mo para sakin noon ay laro lang para sayo?..."

"Lahat ba ng pinakita mong kabutihan sakin ay libangan lang para sayo?"

Nabuwal ako sa pagkakatayo at agad na hinipo ang aking tiyan. Napaupo ako sa gilid ng daan at kasabay ng pagbuhos ng ulan ay siya ring pagbagsak ng pag-asa kong babalikan pa ako ni Clayden.

Ang saya at kilig na inihatid niya sa akin noon ay ito ring naging dahilan ng sakit at pighati ko ngayon.

Sorry denden, di ko na kayang hintayin pa ang daddy mo....

Sorry...kasi may iba ng baby ang daddy mo.

Where The Wild Things Grow (Samaniego Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon