WTWTG 8

19 3 0
                                    

Kick

Kinabukasan, araw ng linggo, pagkatapos naming magsimba ay agad kaming dumeritso sa taniman. Umupo ako sa maliit na bangko at nasa aking harapan ang matataba at malalaking repolyo na tinanim ko noon. Napangiti ako ng malawak at inumpisahang anihin ang mga iyon. Sakto at naghahanap na ng repolyo si Aling Maria, ang suki naming tindera ng gulay sa bayan. Nakita kasi namin ito kanina sa bayan at tinatanong kung may bago ba kaming ani ng gulay.

"Chaste!!!!" Agad akong lumingon kay Tita at agad na napabusangot nang makita ang hawak niya.

"Bat po?" Tumayo ako upang lumapit sa kaniya. Iniabot niya agad sakin ang hawak na basket ng gatas.

"Ihatid mo ito sa hacienda, bayad na yan." Tumango na lang ako at agad na naglakad patungo sa aming E-trike. Wala naman akong magagawa kundi ang sundin na lang siya dahil wala naman ibang mauutusan kundi ako lang.

"Okay lang yan Chasity, sa labas ka lang naman ng gate eh." Bulong ko nang makasakay na ako kay Hachie. Pang-ilang beses ko naman na tong deliver at sa tuwing maghahatid ako ay sa labas lang ako ng gate kaya paniguradong di ko makikita ang malandi na yun.

Muli kong naramdaman ang init na gumapang sa aking pisngi nang maalala ang paghalik nito sa akin. Napakawalang hiya talaga ng lalaking yun!! Ahhhh!!!

Mabilis lang rin akong nakarating sa malaking tarangkahan ng Hacienda at agad na pinindot ang doorbell sa gilid. Bumukas naman iyon agad at lumabas si Aling Vicky.

"Ay naku iha, ikaw pala yan. Mabuti na lamang at dumating ka na. Naghahanap na ng gatas yung mga alaga ko." Nakangiting bungad niya sa akin.

Sino kaya sa mga magpipinsan ang mahilig sa gatas? Inisip ko ang mga itsura nila habang umiinom ng gatas at napahagikgik na lamang, hindi bagay lalo na sa isang asungot.
Ayun iinom ng gatas? Heh!

"Ahh Aling Vicky, mabigat po itong basket. May iba po ba kayong mauutusan para mailagay ito sa loob?" Tanong ko at panaka-nakang sumilip sa kaniyang likuran.

"Ay naku, yun na nga. Busy ang mga trabahador ngayon. Ako na lang ang magbubuhat dahil mukhang kaya ko pa naman." Turan niya at pilit na kinuha ang hawak kong basket ngunit agad rin naman niyang naibalik sakin ito at ngumiwi.

"Ang bigat naman pala niyan iha, Buti at nabubuhat mo?" Reklamo niya sakin kaya't ngumiti ako at sumagot.

"Sanay na po kasi ako magbuhat nito Aling Vicky." Tumango-tango siya at kita ko ang pagbukas niya ng gate kaya taka akong napatingin roon.

"Sabagay, pero pagpaumanhin mo na iha huh? Wala talaga kasi akong mautusan dito, pwede mo bang ilagay yan sa loob?" Ilang segundo akong tumitig sa nakaawang na gate at mula roon ay kita ko ang malawak na hardin, maging ang malaking fountain na may statwa ng anghel.

Ako? Papasok sa mansion? Pwede ba?! Pero pano kung makita ko ang bwesit na yun?

"Pero...ano po eh, baka bawal?" Alanganin kong tang-gi sa kanya.

"Ay naku, pwede yan iha. Hindi naman mahigpit sila sir at sa kusina ka lang naman papasok. Minsan lang rin sila nagagawi roon kaya wag ka mag-alala." Pagpupumilit niya kaya wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang. Ayoko rin naman kasing hayaan ito na buhatin ang mabigat na basket lalo na at matanda na rin ito.

Habang kami'y naglalakad, inilibot ko ang aking mata sa paligid ng mansion. Masasabi ko ngang magarbo ito at malawak kagaya ng nasa imahinasyon ko.

"Ay, wait lang iha. May kukunin lang ako. Pasok ka na lang sa pintong yan at pakilagay na rin yung mga gatas sa chiller." Lumingon ako sa tinuro niyang pinto at tumango. Abuso rin itong si Aling Vicky eh, ako na nga nagbuhat, ako pa mag-aayos.

Where The Wild Things Grow (Samaniego Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon