WTWTG 35

10 1 0
                                    


Uncle

"Mommy! Lalaro lang kami nila jekjek huh?" Paalam ni Denden sa akin. One week after coming here, marami na agad ang naging kaibigan niya rito at isa roon si jekjek, ang apo ni Aling Vicky sa panganay niya.

"Wag kayo masyadong lumayo huh? Lalo na sa batis, Wag-"

"Wag pupunta sa batis ng walang adult na kasama. Roger that mommy!" Pagputol niya sakin at nagawa pang sumaludo. Umiling na lang ako at hinayaan siyang sumama sa mga kaibigan niya.

Lumabas ako ng bahay at tumambay sa balkonahe namin. Nakita ko agad si Tita na may dalang basket ng mga prutas. Kapansin-pansin rin ang mga pang-batang laruan na hawak niya.

"Ta? Bakit ang dami mo namang dala?" Agad na tanong ko sa kaniya nang makalapit siya sakin. Inilapag niya muna ang dala niyang basket ng prutas at laruan bago tumingin sakin. May kung anong kislap sa mata niya ang di ko mawari, habang pilit kong iniintindi iyon ay agad naman siyang umiwas.

"Galing sa mga ninong at ninang mo sa bayan. Nalaman nila na nakauwi ka na at kasama mo si Denden kaya ayan, ang daming binigay." Turan niya habang inaayos ang sariling buhok. Lumakad ako patungo sa lamesa at agad na napansin ang prutas ng saging. Mas marami ito kumpara sa ibang mga prutas, sabagay mas maraming tanim ng saging dito kaysa sa iba.

"Ganun po ba? Kapag nakita ko sila magpapasalamat ako." Masaya kong sagot at binuksan ang electric fan bago itinutok sa kaniya. Binigyan ko rin siya ng towel upang punasan ang pawisan niyang leeg at noo.

Pagkakuha niya ay agad siyang umupo at tumingin sa paligid.

"Asan si Denden?" Tanong niya. Kumuha ako ng saging at umupo sa tabi niya.

"Nakipaglaro na naman kila jekjek. Di ko sana papayagan pero napakakulit eh, nagawa pang magmukmok." Reklamo ko ngunit imbes na kampihan ako, kinurot niya ako sa tagiliran.

"Ikaw na bata ka, alam mo namang minsan lang makipaglaro si Denden sa mga kaedaran niya dahil puro matatanda ang nakakasama niya roon sa Manila. Hayaan mo na lang muna iyong magsaya dahil hindi naman yun mawawala rito lalo na at laging may nagbabantay sa kanila." Sumimangot na lang ako at inubos ang hawak na saging. Tiningnan ko ito at napatango, ang sarap. Di kagaya ng mga saging na natikman ko sa syudad.

"Mamayang gabi na yung bridal shower ba yun?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Opo ta, sa resort iyon nila Nica gaganapin." Kumunot ang noo niya.

"Hindi mo isasama si Denden?" Umiling naman ako agad at napabuntong hininga.

"Girls night iyon Tita, kaya sorry kasi i-iiwan ko muna sayo si Denden." Agad naman siyang tumango at napaisip. Di ko naman kasi pwedeng isama Denden lalo na at bridal shower iyon and mostly inuman ang magaganap.

"Eh diba maliligo lang naman kayo?" Agad akong nagtaka sa tinuran ni Tita. Maliligo? Huh?

"Po?" Tanong ko at agad naman siyang sumimangot.

"Diba bridal shower? Bakit hindi pwedeng kasama si Denden eh maliligo lang naman." Agad akong napatawa at sinamaan niya naman ako ng tingin. Huminto ako sa pagtawa at pilit na ikinalma ang sarili.

"Bridal shower kasi Tita, inuman, chismisan at party ang mangyayari dun." Paliwanag ko sa kaniya habang pilit na pinipigilan ang tawa. Taka na lang siyang tumango at iniwan ako sa labas.

Umiling ako at binaling ang atensiyon sa mga laruan na dala niya.

"Huh?" Taka kong reaksiyon nang makita ko ang brand ng laruan.

I know it's from a reputable company because that's where most of Denver's toys come from. It's expensive and If I remember right, wala pang branch ang company na iyon dito sa probinsya namin.

And I'm not being judgemental, but my ninongs and ninangs cannot afford these expensive toys. Even if they could, they would likely keep the money for themselves.

"So bakit sinabi ni Tita na galing ito sa kanila?" Bulong ko habang patuloy na sinisipat ang laruan. Muli kong inalala ang kakaibang tingin niya sa akin kanina at halos mangilabot sa aking naisip.

Kinakausap ba ni Tita ang lalaking yun?

Sinabi niya ba ang tungkol kay denden?

Gusto ko man siyang tanungin ngunit ayokong malaman ang magiging sagot niya. I know that she has a reason for doing that but I won't asked because I'm not ready....I'm not ready to know the truth.

I just want to live in peace together with my family, with my son.

"Mommy!" Lumingon ako kay denden at agad na napansin ang hawak niyang saging. Saan na naman ba galing ang batang 'to?

"Saan na naman galing iyang saging na yan?" Tanong ko sa kaniya at pinunasan ang marumi niyang mukha. Pansin ko kasi nitong mga nakaraan na sa tuwing umuuwi siya galing sa paglalakwatsa niya ay may pasalubong itong saging.

Hindi ko ito tinanong dahil baka bigay lang ito nila Aling Vicky at ng iba pa naming kapitbahay ngunit nagtataka na ako dahil napapadalas na ito.

"Doon!" Tinuro niya ang direksiyon ng Hacienda. Halos manigas ako sa harap niya nang muli kong masilayan ang malaking mansion na iyon. Pilit akong ngumiti sa kaniya at umupo sa harap niya.

"Bigay ba nila Aling Vicky?" Malumanay kong tanong. Umiling siya at binigay sakin ang isa pang saging.

"No mommy, It's from Uncle Den. He said that this is for you and this is for me." Pinakita niya pa ang mas maliit na saging habang nakangiti sakin. Pumikit ako at pilit na kinalma ang sarili. Alam ko na alam niya na at hindi ko habang buhay na matatago sa kaniya si denden.

But why?

Why is he doing this?

Anong gusto niyang gawin samin? Anong kailangan niya?

Ramdam ko ang lamig na bumalot sa aking sistema gayundin ang takot na gumapang sa aking isip.

"Mommy?" Napamulat ako at pilit na ngumiti sa kaniya. I need to calm down, It's in the past...may pamilya na siya at sariling anak. Hindi niya naman pilit na kukunin sakin si Denden diba?

Muling kumalma ang aking kalooban at masuyong hinalikan ang pisngi ng aking anak.

"Do you like Uncle Den more than mommy?" Pabirong tanong ko sa kaniya. Humawak siya sa noo niya at seryosong napaisip.

At talagang pinag-isipan pa niya?

Hoy Denden ako ang umire sayo sa mundong ibabaw!

"Of course! mommy!" Yumakap siya sakin at umiling na lang ako.

Napaka-kulit talaga.

"So let's eat na?" Aya ko sa kaniya at binuhat siya patungo sa loob.



Where The Wild Things Grow (Samaniego Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon