WTWTG 23

20 2 0
                                    


Bye

"Pwede bang dito ka na muna?" Tanong sakin ni Clayden habang nakaupo kami sa loob ng kotse niya. Ano pa bang gustong gawin nitong lalaking 'to?

One week after doing that...ahem.. thing, mas lalo siyang naging clingy sakin at kulang na lang ay iuwi niya ako sa kanila. Araw ng linggo ngayon at napagpasiyahan naming magsimba. Hapon na kami nakapagasimba dahil may inasikaso daw siya kaninang umaga.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya at sumandal sa upuan. Kanina pa nakaparada ang kotse niya malapit sa taniman namin pero kanina niya pa rin ako pinipigilang bumaba.

"I..I just want to cuddle with you." Tinanggal niya ang seatbelt niya at nanlalambot na umakap sakin. Ramdam ko ang paghagod niya sa likuran ko at paghalik niya ng marahan sa panga ko patungo sa aking leeg.

Pumikit lang ako at hinayaan siya sa kaniyang ginagawa. Mahigpit ko siyang niyakap at dinamdam ang init na nagmumula sa kaniya.

"Wala ka na ba ibang sasabihin?" Tanong kong muli sa kaniya at mas lalo niya namang siniksik ang sarili sa leeg ko. Hinipo ko ang malago niyang buhok dahilan kaya't napatingala siya sakin.

"I..need to go home." Utal niyang turan kaya tinaasan ko siya ng kilay. Ano naman kung uuwi siya?

"Edi umuwi ka? Ikaw 'tong pigil ng pigil sakin sa pag-uwi eh." Instead of humoring me, he bit his lower lip and stared me at me sadly.

"Not the hacienda, chaste. I need to go home, to my real house. T.. there's a problem that I need to fix...but don't worry.. it's just for a week." Tila nanigas naman ako sa kinauupuan ko at mahigpit na inakap siya. Ibinaba ko ang tingin ko upang salubungin ang kaniya.

"It's okay, hihintayin kita." Ngumiti ako ng marahan at kita ko naman ang pagliwanag ng mga mata niya. Humalik siya sa aking labi at walang hirap na binuhat ang kabuohan ko. Pinaupo niya ako sa kandungan niya at pinalalim ang halik na ginawad niya sakin.

"I'll be back...babalikan kita, chaste." Bulong niya sa gitna ng paghahalikan namin. Di ko alam ngunit nakaramdam ako ng lungkot kahit saglit lang naman siya sa Manila.

Tiwala ako sa kaniya na babalikan niya ako, kaya gusto ko bago siya umalis ay ayos ang pakiramdam ko. I don't want to doubt him especially when he always makes me feel how important I am to him.

Humiwalay ako sa kaniya at matiim na tinitigan ang kabuohan ng mukha niya. Unti-unting bumahid ang ngiti sa kaniyang labi at marahang hinipo ang nag-iinit kong mga pisngi.

"I'll miss you." Turan niya kaya napangiti naman ako dahil sa kiliting hatid nun sa aking dibdib.

"Mamimiss din kita Clayden." Pagbawi ko. Muli niya akong inakap at ramdam ko kung papaano niyang ginawaran ng maliliit na halik ang leeg ko.

"So kailan ang alis mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Mamaya." Bulong niya sa mabigat na tono. Natatawa kong hinipo ang buhok niya at pilit na hiniwalay ang sarili sa kaniyang mga bisig. Gusto kong makita ang mukha niya, kung gaano kalabag sa loob niya ang lisanin ako.

"Mag-iingat ka dun ah? Tawag ka na lang sakin." Paalala ko sa kaniya.

"May cellphone ka na?" Tanong niya ngunit umiling ako agad.

"Text or tawag ka na lang sa cellphone ni Tita." Sagot ko at kita ko kung papaano bumahid ang taka sa kaniyang mukha.

"Huh?" Tanong ko.

"Do you really want me to text your aunt's phone? Paano kita malalandi sa text kung makikita ng Tita mo yun. Paano tayo magsi-sleep call. Baby naman." Reklamo niya kaya't napaisip naman ako. Sabagay, ginagamit rin ni Tita yung cp niya eh, lalo na sa gabi. Iniisip ko pa lang na magtetext ng 'I love you at I miss you' si Clayden sa cp ni Tita ay nakakahiya na.

"Ehh? Paano na?" Tanong ko sa kaniya. Kinuha niya ang cellphone niya na nasa dashboard at inilahad ito sakin.

"Use this for the time being."

"Paano ka?" Kinuha ko ito at tiningnan ang kabuohan ng cp. Mukhang bagong bili pa lang ito at mamahalin lalo na sa brand na nakalagay sa likod ng cp.

"I do have an extra sa bahay. Let's call each other every minute, okay?" Natatawa akong tumango sa suhestiyon niya at umalis na sa pagkakaupo ko sa kaniya.

"Ingat sa byahe." Kumaway ako sa kaniya at agad na bumaba ng kotse. Pumatungo ako sa side niya at hinintay siyang makaalis.

"I'll really really miss you, baby. Wait for me okay?" Turan niya. Ngumiti ako at binugaw na siya dahil ayaw pa yata umalis.

Umandar na ang makina ng kotse at muli siyang lumingon bago tuluyang umalis.

"I'll wait." Bulong ko at tumalikod na rin upang pumatungo sa aming taniman. Mabibigat ang mga naging paghakbang ko at di ko maiwasang tumingin sa direksiyon na tinahak niya.

Where The Wild Things Grow (Samaniego Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon