Hinahon"Ang tagal mo naman diyan sa loob, Chaste!" rinig kong sigaw ni Tita mula sa labas ng aking kwarto, kaya't mabilis akong nagbihis at nagsuklay ng buhok. Ngayon kasi ang araw ng pagbisita namin sa puntod nila Mama at Papa.
Araw ng patay na naman at ilang linggo ko nang iniiwasan si Clayden. Sa mga nakaraang araw, pansin kong tumigil na siya sa pangungulit sa akin, kaya't ramdam ko ang payapa sa aking buhay.
"Ito na po. Di naman tayo malelate, Tita eh." Sagot ko habang nakangusong lumabas ng kwarto. Tinaliman niya lang ako ng tingin bago siya lumabas, ganun din si Lola.
Hawak ang basket na puno ng pagkain, sumakay kaming tatlo kay Hachie upang pumatungo sa sementeryo. Ilang minuto lang ang naging byahe namin dahil sa unahan lang ng bayan ang sementeryo kung saan inilibing ang mga magulang ko.
"Bilisan mo na diyan, ang dami ng tao." Pagmamadali ni Lola nang makarating kami. Inilibot ko ang aking tingin at napansin ang dagsaang mga tao. Maraming nagsiuwi mula sa syudad upang bisitahin ang kanilang mga yumaong kamag-anak, kaya't sobrang dami ng tao sa sementeryo kada taon.
Mabilis akong sumunod kila Lola at Tita patungo sa puntod nila Mama at Papa. May sarili kasing espasyo ang libingan nila at pinatayuan na rin ito ng bubong upang mapagsilungan namin tuwing kami ay bibisita.
Linapag ko ang hawak na basket sa sementadong sahig at kumuha ng malinis na tuwalya upang linisan ang mga litrato nila. Di ko maiwasang mapatitig sa nakangiti nilang mukha at isipin kung anong pag-uugali at personalidad ang meron sila. Kuryuso ako sa buong pagkatao nila, ngunit kahit anong describe sa akin ni Lola at Tita, hindi ko maisa-imahe ang kanilang kabuuan.
Sanggol pa lang ako ng mawala sila, kaya't hindi ko na sila naabutang buhay. Ni hindi ko nga alam kung anong mararamdaman ko sa tuwing dadalaw kami sa kanila, ngunit sa tuwing nakikita ko ang kanilang nakangiting mukha sa litrato, kumakalma ako na para bang may humihipo sa aking puso.
"Lola, anong klaseng dalaga noon si Mama?" Kabaliktaran ko ba siya?
Lumingon sa akin si Lola at muling binalingan ang litrato ni Mama habang may ngiti sa labi.
"Ang mama mo, masasabi ko lang na napakabait niya. Kung ang Tita mo ay sobrang masiklab at matapang, kabaliktaran naman niya. Mahinhin at tahimik ang mama mo, ni hindi siya dumaan sa pagrerebelde at strikto rin siya sa sarili. Sobrang sipag pa niya at nakakahiya mang aminin, ang sarili mong ina ang nagpatapos sa sarili niya sa kolehiyo. Sayang nga lamang at hindi mo na siya kinagisnan." Tumitig akong muli sa litrato ni Mama at napatango. Si Tita naman ay napanguso na lang sa sinabi ni Lola.
"Si Mama naman, hindi ako kasing bait at talino ni ate pero mas maganda naman ako. Alam mo ba, Chaste, nung kabataan ko, maraming nanliligaw sa akin pero wala ni isa ang pumasa. Bukod sa wala naman akong mapapala sa kanila, nakakatakot magmahal ng lalaki. Lalo na nang masaksihan ko ang nangyari kila ate, sa Mama at Papa mo. Mas natakot akong umibig at baka mabaliw lang ako." Di ko man alam ang buong istorya nila Mama, ngunit laging sinasabi noon ni Lola na hadlang ang pamilya ni Papa sa relasyon nila ni Mama. Galing kasi sa mayamang pamilya si Papa sa syudad at may ipinagkakasundo silang ibang babae, pero dahil mahal ni Papa si Mama, binuntis niya ito at umuwi dito sa amin upang dito na lang manirahan.
"Hindi naman nakakatakot ang magmahal. Sadyang malas ka lang talaga sa lalaki. Wag kang makinig sa Tita mo, Chasity.
BINABASA MO ANG
Where The Wild Things Grow (Samaniego Series 1)
RomanceClayden Samaniego was known as the most friendly of all the Samaniego. He's a party-goer and likes to flirt around girls. He loves the city life and enjoyed living freely but a scandal caused him to be banished to their family hacienda. There, the l...