Permission"Kumain ka pa iho." Anyaya ni Lola kay Clayden nang makita niyang halos paubos na ang pagkain nito. Tiningnan ko kung paano punuin muli ni Lola at Tita ang pinggan niya at tumingin sa aking plato.
So sino ba saming dalawa ang pamangkin at apo nila?
"Here." Rinig kong turan niya kaya't napa-angat ako ng tingin sa kaniya. Nilagyan niya ng ulam ang pinggan ko at muling bumalik sa pag-kain. Ramdam ko ang tingin samin nila Tita at Lola kaya sumubo na lang ako at yumuko upang di nila makita ang namumula kong mukha.
"Masarap ba den?" Tanong ni Tita. Napahinto ako sa pagsubo at inabangan ang magiging sagot niya.
"Yes po. Lagi nga pong napapadami ang kain ko kapag nandito ako." Komplimento niya dahilan kaya't ramdam ko na naman ang pamilyar na kabog sa aking dibdib. Bigla akong napatingin kay Tita nang maramdaman ko ang paninipa niya mula sa ilalim ng mesa. Nanunuyang ngumiti siya sakin at ngumuso na lang ako.
"Ganun ba? Baka naman mawili ka at hanap-hanapin mo ang luto nitong apo ko." Turan ni Lola sa pabirong paraan. Natawa naman si Clayden at tumingin sa aking gawi.
"Baka nga po..." Putol niyang sagot at nanlaki naman ang mata ko nang maramdaman ko ang paghagod ng kaniyang paa sa aking paa. Nasa tapat ko siya nakaupo kaya alam kong sa kaniya iyon.
Anong ginagawa niya? Andito sila Lola!
Iniatras ko ang paa ko ngunit patuloy niya itong hinahabol hanggang sa di niya na ako maabot. Tumingin ako muli sa kaniya at pansin ko ang maliit na ngisi sa kaniyang labi.
Nang-aasar ba siya?
"Bili na po ako ng sabon, ta." Kinuha ko ang pera na inabot sakin ni Tita at agad na pumatungo sa labas. Malapit lang ang tindahan samin at hindi naman natagalan bago ako nakabalik.
Hawak ang bareta at plastic ng powder. Agad akong pumunta sa likod na bahagi ng bahay namin. Nandun kasi ang balon na ginagamit namin sa pagdidilig ng gulayan at sa paglalaba. Inilapag ko sa maliit na bangko ang mga binili ko at muling pumasok sa loob.
Pumasok ako sa pintuan na nasa kusina at agad na bumungad sakin ang pigura ni Clayden na nagliligpit ng hapag.
"B..bakit ikaw gumagawa niyan? Nasaan sila Tita?" Gulat kong tanong at agad na lumapit sa kaniya. Pilit kong inagaw ang mga platong hawak niya ngunit itinaas niya ito para di ko maabot.
"They're outside and let me do this." Turan niya at tumalikod na sa akin. Pumatungo siya sa lababo namin at nilagay ang mga iyon. Binuhasan niya rin ito ng tubig gamit ang tabo bago kinuha ang sponge.
"A..ko na." Pagpupumilit ko ngunit umiling lang siya at tinuro ang mga labahin na nilabas na ni Tita.
"Just do what you should do. Don't mind me here." Alanganin akong tumango at tinitigan ang ginagawa niya bago bumuntong hininga. Bahala siya diyan mapagod.
Binuhat ko na ang malaking basket ng labahin at pumatungo na sa labas. Inilapag ko ito sa sementadong sahig at kinuha ang baldeng pinansasalok namin sa balon.
Pinaghiwalay-hiwalay ko ang de-color sa puti at binabad ang mga ito sa planggana na may tubig. Inuna kong labhan ang mga puti at underwears para mabilis ko na lang makusot ang mga de-color pagkatapos.
Habang nagba-brush ako ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan mula sa likuran.
"Need help?" Rinig kong tanong niya kaya't napatingin ako sa kaniya.
"Hindi na, kaya ko na toh." Sagot ko at muling binalik ang atensyon sa labahin.
"No, I insist." Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at pinakealaman ang mga damit na nalabhan ko na. Nakalagay na ang mga ito sa isa pang planggana at babanlawan na lang.
"Ang kulit mo naman. Di ka naman marunong eh." Turan ko at muling lumingon sa kaniya. Agad akong napatawa sa paraan ng pagbabanlaw niya dahil hirap na hirap siya sa pagpiga.
"So how?" Tumingin siya sakin ng nakangiti kaya't umiwas ako at kumuha ng isang damit at pinakita sa kaniya ang tamang pagbanlaw.
"Ganyan...Gets mo?" Tumingin ako sa kaniya at tumango naman siya. Tiningnan ko ang pagpiga niya at napatango. Gusto talaga niyang napapagod eh. Bahala siya diyan at mapagod magbanlaw.
Binalik ko na sa paglalaba ang atensyon ko ngunit halos manigas ako nang makita ko ang underwear ko na nakalagay sa tabla. Teka? Underwears? Hala putek. Please! Please lang wag naman sana...
Agad akong napalingon sa tabi ko at kita kong hawak niya na ang bulaklakin kong panty. Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa kaniyang reaksiyon.
"So you still wear this kind of underwear?" Natatawang turan at ramdam ko ang unti-unting pag-gapang ng init sa aking mukha.
"B..bakit ba? Pake mo...b..bitawan mo nga yan!" Inis kong inabot ang hawak niyang underwear ko pero agad siyang tumayo. Binuklat niya pa ito gamit ang dalawa niyang kamay kaya mas lalo akong nahiya. Bwesit talaga tong nilalang na 'to!
"Nope! You're already at that age but still wear this kind of underwear? How cute." Pang-aasar niya sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumayo ako at pilit na inabot ito ngunit dahil matangkad siya ay di ko pa rin ito maabot.
"Ano ba Clayden!!! Bitawan mo na kasi!!" Inis kong reklamo pero ang bwesit ay natatawang dumila lang sakin.
"Isa!" Banta ko sa kaniya ngunit ngumuso lang siya at patuloy na nanunuyang tumitig sa akin. Alam kong namumula na ang buong mukha ko sa kahihiyan at maging ang pagtingin sa kaniya ay di ko na mapanatili.
"Dalawa." Dugtong niya sa pagbilang ko.
"Kasi naman eh!!!" Inis akong tumalon at inabot ito pero kahit anong gawin ko ay di ko pa rin talaga ito makuha.
"Clayden!!!!" Sigaw ko sa kanya pero di pa rin talaga siya natinag. Muli akong tumalon ngunit sa pagkakataong ito ay may natapakan akong madulas at kasabay nun ay ang agad na pagbitaw ni Clayden sa underwear ko.
"F*ck." Bulong niya kaya napatingin ako sa kaniya. Hawak niya ako sa bewang habang nakakapit naman ako sa braso at leeg niya. Tumitig siya sa akin at di ko maiwasang mahigpitan ang pagkakapit sa kaniya.
"Sorry." Mahinang turan niya gamit ang malambing at malalim niyang boses dahilan upang magsimula na namang maghurimintado ang nasa dibdib ko. Tuliro lamang akong tumitig sa kaniya habang ang berdeng mga mata niya naman ay malikot na tumitig sa kabuohan ng mukha ko.
Kita ko ang pagkibot ng kaniyang labi at kung papaano lumabas ang dalawang malalim niyang mga dimples sa kaniyang mga pisngi.
Unti-unting lumapit ang mukha niya sakin hanggang dumikit ang noo niya sakin. Ang mainit at mabango niyang hininga ay tumama sa kutis ng mukha ko. Mainit sa oras na iyon at tumatama sa amin ang sinag ng araw ngunit nanatili kami sa pwestong iyon.
Ilang segundo lamang, kasabay ng pagsaklob ng ulap sa liwanag ng araw ay siya ring pagkakita ko sa sarili mula sa kaniyang berdeng mga mata na tila ba ako lang ang nakikita niya sa oras na iyon.
Unti-unting bumuka ang kaniyang mapulang labi at isinaad...
"Can I kiss you, Hmm?"
"...." Wala sa wisyo akong napatango at kita ko ang pagbahid ng saya sa kaniyang mukha.
Unti-unti ngunit puno ng antipasyon, muling lumapat ng marahan ang kaniyang labi sa akin.
Ang pamilyar na mainit at malambot niyang labi ay muling pumatong sa aking nanlalamig na labi. Hinipo niya ang pisngi ko gamit ang malamig niyang palad at mas lalong pinalalim ang kaniyang paghalik.
Dub-dub-dub-dub
BINABASA MO ANG
Where The Wild Things Grow (Samaniego Series 1)
RomanceClayden Samaniego was known as the most friendly of all the Samaniego. He's a party-goer and likes to flirt around girls. He loves the city life and enjoyed living freely but a scandal caused him to be banished to their family hacienda. There, the l...