WTWTG 34

14 1 0
                                    


Back

Agad na sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin pagkababa ko ng kotse. Hinawakan ko ang kamay ni Denden at inilibot ang aking paningin. After three years ay nakabalik na rin ako, although it's just for Nica's wedding. It feels nice to be back to my hometown.

"Mommy, Mommy! Is that a cow?" Kuryosong tanong ni Denden at tinuro pa ang mga baka namin. Yumuko ako sa kaniya at natatawang napatango. Sabagay at laking syudad siya at di pa nakakakita ng baka dahil wala namang ganto sa zoo na pinupuntahan namin.

"Ow, it's huge. Where are we going now mommy?" Kaming dalawa lang ang umuwi dahil busy ang mga pinsan ko. Ayaw pa nga nila akong payagan nung una pero nang malaman nilang kasal ang pupuntahan ko ay nagsipayag naman.

"That's our house, diyan ako tumira since I was a small child like you." Tinuro ko ang kubo namin mula sa di kalayuan. Pinarada ko kasi ang sasakyan ko sa tapat ng taniman namin at kailangan pa naming maglakad para makapunta sa kubo.

"Oh! Aunt!!" Agad na bumitaw sakin si Denden at nagmamadaling tumakbo patungo kay Tita. May hawak pa siyang basket na may lamang mga gatas. Paniguradong kakagaling lang niya sa bayan.

"Ano po yan?" Rinig kong tanong ni Denden. Lumapit na ako sa kanila at hinawakan ang ulo nito.

"Gatas ito Denden, gusto mo bang tumikim?" Masayang alok ni Tita. Umupo siya sa harap ni Denden at pinakita ang laman ng basket. Nilibot kong muli ang paningin ko at agad na napansin ang paglawak ng taniman namin. Mukhang ginamit niya ang perang pinapadala ko sa kaniya para sa lupain. 

Marami ng nagbago pero ganun pa rin ang lugar na ito. Nung una ay di ko alam kung ano bang mararamdaman ko sa muling pagtapak ko sa lugar na kinagisnan ko. Natatakot ako na baka bumalik sakin ang mga masasakit na nakaraan at ang poot na binaon ko na sa limot ngunit nang masilayan ko ang bahay namin. Bumahid sa labi ko ang ngiti, bumalik sa aking isipan ang masasayang pangyayari noong kabataan ko.

"Chaste!!!!" Nica.

"Omo!! Omo!!!! Grabe na talaga ang ganda mo!! Di ko na mareach!!" Tracey.

"Kyahh!! Ang puti mo, penge ako ng sabon mo huh." Ysabel.

Agad akong napalingon sa kanilang tatlo. Di ko rin maiwasang mamangha sa laki ng kanilang pinagbago, especially Nica.

"You...looks so...ahmm..well nourished?" Alanganin kong komento at napatitig sa bloated niyang tiyan.

Is it just me or she looks... pregnant?

Natatawa namang ngumuso si Nica at nagawa pang umirap.

Huh?

What happened to her?

"Nasaan na ang anghel at baby namin?" Gulat kong saad at halos mamatay naman sa kakatawa sila Ysabel at Tracey.

"Chaste naman." Napapadyak na sagot ni Nica at napatulala naman ako.

Why did she changed so much?

"Hahahahha putek! Sabi ko na nga ba at magtataka talaga si Chaste eh. Naku chaste kung alam mo lang ang pinag-gagawa niyang anghel natin. Iisipin mo na lang talaga na demonyita siya." Pinunasan ni Tracey ang luha na lumabas sa kaniyang mata at napahawak pa sariling tiyan.

"So true, grabeng ang mga pagsiklaban niyan ni Nica. Di na lang namin binalita sayo kasi you know para marami tayong pagchismisan pag-uwi mo." Kumapit naman si Ysabel sa aking braso. Kita ko ang mataray na pag-irap ni Nica sa dalawa at ang paglapit niya sakin.

"So you're pregnant?" Marahan kong tanong at tumango naman siya.

"Really? Congrats!" Napangiti ako ng malawak at inakap siya.

Where The Wild Things Grow (Samaniego Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon