WTWTG 7

15 3 0
                                    

Offend

"Wahhhh!!!! Sa wakas!!!!!" Sigaw ni Gabby ng makalabas kami ng classroom. Tapos na rin ang final defense namin at kahit ako ay napahugot din ng malalim na hininga. Sa wakas, tapos na rin at pede na ako ulit tumulong sa taniman namin.

"Chaste, di ka ba sasama?" Lumingon ako kila Gabby at umiling. Nagka-ayaan kasi sila na kumain daw sa labas, eh nagtitipid ako. Mas mabuting idagdag ko na lang sa ipon ko ang perang sobra sa baon ko kaysa ipang gastos sa mamahaling pagkain sa labas. Kaya ko naman magluto sa bahay, mas mura pa.

"Okay, ingat sa pag-uwi! Babush!" Tumango ako sa kanila at isinukbit na ang aking bag. Sabado kasi ngayon at kaming Grade-12 lang ang nandito. Ako lang din mag-isa dahil magkakaiba kami ng grupo nila Ysabel. Mas maaga akong natapos at naghihintay pa sila sa ibang classroom.

"Hmmm, naalala ko na may hinog pang saging sa bahay. Siguro gawin ko na lang banana que iyon para sa meryenda." Bulong ko habang mabagal na tinatahak ang daan patungo sa aming bahay. Madilim ang langit at malamig ang simoy ng hangin. Tag-ulan na dito sa aming probinsiya kaya halos puro putik ang kalsada. Di naman kasi fully cemented ang daanan samin at tinambakan lang ng graba kaya nagpuputik pa rin talaga kapag umuulan.

Tumingala ako sa langit nang maramdaman ko ang pagpatak ng ulan sa akin. Iniharap ko sa akin ang aking bag at hinanap roon ang aking payong.

"Hala! Nasaan na yun? Nilagay ko yun dito ah?" Taranta kong turan nang di ko makita ang payong sa loob. Kakagamit ko lang kasi nun kaninang umaga dahil umulan rin kaya paniguradong sa eskwelahan ko iyon naiwan.

"Ah!" Singhap ko ng mag-umpisang bumagsak ang malakas na buhos ng ulan. Sa sobrang lakas ng ulan ay agad akong nabasa at paniguradong pati ang gamit ko sa loob ng bag ay basa na rin.

"Anu ba yan!!!!!!!" Inis kong sigaw. Mas mabuting umuwi na lang ako kaysa bumalik pa. Basa na rin naman ako eh!

Di pa man ako nakakalayo ay may biglang humarang sa akin. Tiningnan ko ito at agad na napansin ang pamilyar na motorbike. Ang lalaking nakasakay roon ay lumapit sakin habang hawak ang isang itim na payong. Mabagal niyang hinubad ang suot na helmet at napasimangot na tumingin sa akin.

"Bat ka nagpapaulan?" Tanong niya at inis na pinasadahan ng tingin ang aking buong katawan. Di ko maiwasang mahiya dahil sa kaniyang tingin at agad na tumalikod.

"Naiwan ko yung payong ko." Sagot ko sa mahinang boses. Kung maaari lang ay gusto ko na lang umalis. Last time na nakita ko siya ay noong lumabas siya sa cr kasama yung babae niya. Di niya ako pinansin ng makita niya ako kaya di ko na lang rin siya pinansin at mas pinagtuunan ng atensyon ang final defense namin.

"Tss. Sayo na toh." Rinig kong turan niya sa aking likuran ngunit umiling ako.

"Tangina." Mura niya dahil sa aking pagtanggi. Hmpp!

"Di ko naman na kailangan ng payong dahil basa na ako." Dahilan ko at tuluyan ng lumayo sa kaniya. Hinayaan ko ang muling pagbuhos sa akin ng malamig na ulan. Humarap ako sa kaniya at akmang lalakad ng muli ng hilahin niya ang aking pulso.

"Magkakasakit ka, hawakan mo na toh." Mariin niyang saad. Ang kulit!!! Sabing di ko na kailangan eh! Tyaka ano bang tingin niya sakin bata? Magkakasakit ng dahil lang sa nabasa ng ulan? Umirap ako at inis na hinatak ang aking kamay ngunit di ko iyon maagaw.

"Pake mo naman kung magkasakit ako? Tyaka bat ka ba namamansin ngayon? Alis nga!" Sigaw ko sa kaniya na mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa aking pulso.

"Ano ba!!! Bitaw sabi eh!"

"Just use this umbrella then I'll leave." Inis kong kinuha ang payong sa kaniya at muling tumingin sa kaniya. Ramdam ko naman ang pagluwag ng pagkakahawak niya sa aking pulso kaya tinangka ko na itong hatakin.

"Pakea-" Magsasalita pa sana ako ngunit bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay at malakas akong hatak patungo sa kaniya. Ang aking nakaawang na labi ay pumatong sa kaniyang malambot at basang mga labi. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang kaniyang mukha sa malapitan. Confusion filled my eyes when I stared at his emerald one. 

He lightly bit my lower lip before he straightened up. A light quickly flashes on his eyes as he stared at me.

"Go home now." Tunganga akong nakatitig lamang sa kaniya hanggang sa humarurot na ang kaniyang motor paalis.

"Put-?" Ano yun hit and run? Gago yun ah!

"Wahhhhhhhhhh!!!! My first kiss!! Bwesit ka Clayden!!! Bumalik ka ditong malandi ka!!!" Sigaw ko ngunit di ko na nakita ang kaniyang pigura. Ang lamig na bumalot sa aking katawan kanina dahil sa ulan ay napalitan ng init dahil sa galit.

That jerk!!! Ang landi-landi niya! Bwesit siya!!! Pagkatapos niya akong halikan gamit ang marumi niyang labi, umalis lang siya? Bakit anong gusto mo Chasity? Laplapin ka pa niya? Ahhhhhh!!!! Tang ina niya talaga!

"Nakakainis! Kailangan ko ng payong, hindi halik!" Sigaw ko sa sarili habang sinasalubong ang malakas na ulan. Anong akala niya sa akin, na gusto ko siya katulad ng ibang babae niya? Na okay lang na halikan ako?

"Ugh! Clayden, tangina!" Bumulong ako, puno ng galit at inis.

Where The Wild Things Grow (Samaniego Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon