Prologue

79 4 0
                                    

*flashback*

"You've been acting like a child!" sabi ko na iritang irita na. GAD! Lagi nalang kami nag-aaway dahil sa isang lalaki. 

"W-what?! Letche! Nasasabi mo pa yan pagkatapos ng ginawa mo?!" napahilamos sa muka na sabi ni Macky. 

Macky is my long time boyfriend. 

We've been together for 3 years. Since 3rd year high school kami na. And now that we're 1st year college here at De Lasalle College of St. Benilde nagsimulang maging malabo ang dating shiny future naming dalawa. Takte naman kasi siya, wala siyang inatupag kundi lumandi at kumerengkeng sa mga pesteng classmates niya sa ibang subjects. Pareho kaming nasa iisang department. Ang School of Design and Arts (SDA), pero magkaiba kami ng major. Ako nasa AB Multimedia Arts at siya naman nasa AB Photography. 

Ok enough with our academics. Balik sa kwento. 

Super seloso ng gunggong na ito. As in. Minsan nga over na sa ka OAn. Yung bang konting may makita lang siya na kasama ko at kausap na guy eh lilipad siya mula sa dulo ng campus hanggang sa position namin para lang hilahin ako at maiwang naka nganga yung kasama ko. Grabe diba?

"Hoy! Ano nanaman ba ang nagawa ko this time?!" dinuro ko siya ng daliri ko.

Kadalasan kasi sinasabi niya na may nagawa ako pero diko naman alam yun. Yun pala binigyang malisya lang ng pulpol na lalaking ito. 

"You've been flirting with that guy again! Damn Cee! What are you doing with all those free time of yours?!" sigaw niya. "CEE" is my pet name. Siya lang ang tumatawag sakin ng ganyan. Diko alam kung san niya nahalungkat yang pet name na yan. 

Kasalukuyan kaming nasa lobby ng building namin. Kaya lahat ng dumadaan at naka tambay na students eh tumitingin saming dalawa. Palibhasa sikat ang mokong na to sa department namin kaya ang lakas ng loob niya magsisigaw kung sansan.

"That guy?! -------- you mean, this is all about Niall again?!" napasabunot ako sa buhok ko ng di oras.

Si Niall nanaman?! Josmio Marimar ah! Everytime na nag-aaway kami lagi nalang si Niall na walang malay ang topic. Anyways, Niall is my neighboor and my kababata. So super close kami. SDA din siya pero Digital Film Making ang major niya.

"Ilang beses ko ba sasabihin bago pumasok jan sa makapal mong kukote na walang namamagitan samin ni Niall !! Nakakasawa ka na pare !! Umayos ka nga pwede !!" nagpapapadjak kong sigaw.

We've been talking for hours! At dipa kami kumakain. Malapit na din magstart ang next class ko.

Kamote naman oh. Mukang malelate nanaman ako sa subject ko na yon. Patay nanaman ako sa echoserang palakang professor ko.

"You know. If ganyan ka ka insistent sa pinagsasabi mo about me and Niall, sige gagawin ko yang pinagsasabi mo! Tutal yun naman ang iniisip mo! Kaya sige!" Ubos na ang pasenxia ko sa gunggong na to. 

bago pa siya makasagot tumalikod nako.

Hindi naman ako hinabol kaya nakahinga ako ng pagka luwag-luwag. 

I'm done talking nonsense to him. I'm done taking those bullshit that he's saying everytime that we're talking. I'm really done. Maybe it's time to let go. Nagawa ko na ang part ko. Siguro dapat lang na siya naman yung gumawa ng paraan para magkabati kami this time.

After 2 weeks

Diko pa din siya nakikita. never nahagip ng mata ko kahit anino man lang ni Macky. Pero pag tinatanong ko naman sa mga barkada at classmates niya pumasok naman daw. Maybe talagang iniiwasan lang niya ako. Maybe pagod nadin siya. 

Bakit ganito nararamdaman ng puso ko? Diba sabi ko, I'm done? Diba nag emote ako after namin mag away na may pa I'm done, I'm done pakong nalalaman. Tapos biglang ganito ang nararamdaman ko? Ano to lokohan? Takteng puso naman ito oo. Nananadya. 

Mahal ko si Macky, kaya nga 3 years kaming mag on. Kasi mahal ko siya. Kahit na masiadong complicated yung relationship namin tiniis ko. Kahit na ang daming humahabol sakanya tiniis ko. Kahit na nakakatanggap ako ng mga threats sa facebook at twitter accounts ko (WOW! ARTISTA LANG ANG PEG NI MACKY! :D), kidding aside, tiniis ko pa din. 

Ako pa ba ang nagkulang? Siguro kahit na kulang kulang nga ang ugali ko eh nabigay ko naman yung part ko biglang kulang kulang na girlfriend. 

Naghintay pako ng another week but I did not see him. It really hurts.

Okay fast forward.

Nasaktan na nga ako.

And then play.

Bigla kong nakita si Macky na may kaholding hands sa mismong tapat ng classroom ko. Palabas nako nun dahil last subject na. Sakto namang andun ang dalawang haliparot. Nagtatawanan pa sila. Mga haliparot talga. Bwisit! Dirediretso akong naglakad na kunyari eh walang nakita. 

Sa pagmamadali ko, ramdam ko na nakatingin sila sakin. Pero diko pinapansin.

And then, Niall came.

"Vivien hi!" bigla akong niyakap ni Niall. Sa sobrang inis ko sa dalawang haliparot nakaisip ako ng bright idea.

Tutal yung pesteng pulpol naman ang nagsimula nito. Yan ang gusto niya diba? Patutunayan ko sakanya na kaya ko din gawin yung ginagawa niya.

Imbes na batiin ko si Niall bigla ko siyang hinalikan.

TADA !!

Nagulat si Niall, nagulat din ako sa ginawa ko, nagulat din si pulpol at si haliparot. 

At nagulat kaming lahat. 

Love At The Next StopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon