Chapter 7

36 4 0
                                    

PAKI PLAY PO YUNG VIDEO SA SIDE :D

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Monday morning. Di ako pumasok. I need to say this problem to my parents.

But how?!

'PIIIIIIING!!'

Inabot ko ang phone ko sa side table ng kama ko.

FROM : HUBBY <3

Vivien where are you ?? Bakit dika pumasok ?? Something wrong ?? Call me after you receive this txt .. I'll be waiting ..

Hindi ko siya nireplyan.

Isa pa palang problema si Niall. Pano ko sasabihin sakanya? Gusto ko sabihin kay Niall dahil bestfriend ko siya. Pero paano?

Maagang umalis sila Mama, may meeting daw kasi sila. Kaya mag-isa lang ako dito sa bahay.

'TOK TOK TOK'

"Vivien breakfast kana" tawag ni Nana Yoli.

Bumaba naman ako kaagad. Dirediretso sa kitchen at kumain ng tahimik.

"hija may sakit kaba?" biglang tanong ni Nana Yoli.

Marahas akong napaangat ng tingin.

"Na wala po akong sakit !! What are you saying po ?!" napasigaw ako.

"Wala nga. Eh bakit ang tamlay mo? Tsaka bakit dika pumasok?" Tumingin ito sakin.

Ah. Yung pagpasok ko pala ang sinasabi niya. Akala ko kasi yung totoong sakit ko nalaman niya ng diko sinasabi sakanya. Kaya ganun nalang ako makapag react.

OA kasi eh. Pag tinanong na may sakit yun na agad? hay. Nakakaparanoid naman kasi kapag may sikreto. 

Tsssss. Kaylangan may sabihan ako nito. Kahit isa lang.

Napatingin naman ako kay Nana Yoli. Second mother na ang turing ko sakanya. Dati kapag may problema ako sakanya ko muna sinasabi bago kay mama. Tapos binibigyan naman niya ko ng advice. 

Sabihin ko kaya kay Nana?

"Na. Pano kapag nagkasakit ako, anong gagawin mo?" panimula ko,

"Aba. Siempre aalagaan kita. Ano pa nga ba. Kaya wag ka magkakasakit para hindi na madagdagan pa ang tatrabahuhin ko." ngumiti siya sakin.

"Na pano kung pwede ko ikamatay yung sakit ko na yun, ano gagawin mo?" napayuko ako.

Pwede ko naman talaga ikamatay yung sakit ko pag diko pinagamot. Pero pwede ko din ikamatay yung surgery na gagawin sakin. 

Naiiyak nanaman ako. Bakit ako pa.

"Joskong bata ka! Wag ka nga magsalita ng ganyan! May problema ka nanaman ba?!" napatigil ito sa paghuhugas ng plato.

At tuluyan na akong naiyak.

Nagulat naman si Nana Yoli at biglang napatakbo sa tabi ko.

"Anak ano bang problema? Sabihin mo sakin. Makikinig ako" malungkot na sabi nito.

Niyakap ko siya habang umiiyak.

"Na may sakit ako" tuloy tuloy sa pagtulo ang luha ko. Sobrang labo na ng paningin ko.

"A-anong sakit ba yan? Disminoreya? Lagnat? Nagtatae kaba? Ano?" kinakabahang tumingin ito sakin.

"Sakit sa puso ho Na. kaylangan ko pong operahan" ngumiti ako sakanya ng mapait.

Love At The Next StopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon