Chapter 1 - Jeepney

77 5 0
                                    

"PIIIIIIIIIIIING!"

Hinugot ko sa backpack ko ang iphone5 ko. Grabe. siksikan nanaman dito sa LRT. 

Di ako makahinga na maayos dahil amoy kulugo na dito sa LRT sa sobrang dami ng nakasakay. Di talaga ako sumasakay dito kasi mas sanay ako sa jeep. Atleast kahit traffic, mas comfortable naman. Tsaka malapit lang naman sa Buendia ang La Salle, kaya jeep lang ang sinasakyan ko. Kesa dito sa LRT dimo mawari kung ano bang amoy ang naaamoy mo. Ke aga aga ganito na agad ang amoy dito. 

I'm from Laguna, pero gusto ko sa La Salle hindi dahil sosyal. Kasi gusto ko malayo sa bahay ang school ko. Para libreng libre sa mga mata ng mga parents kong UBER sa pagka strict.

from : HUBBY <3

hey! Where the heck are you? You're super late. Itsurang BEAST na si Domingo. Hurry up!

OMAYGAD! First subject, pero late. Ganyan ako lagi, hahahaha. Hirap kasi akong gumising ng maaga dahil lagi ako madaling araw natutulog. Meron kasi akong insomnia. Di ako makatulog sa gabi. 

Anyways, sanay nako na pinapagalitan ni Mr.Domingo. Professor ko sa Digital Audio Video Post Production (DIGIVID). Lanjo naman kasi noh. Ang aga ng pasok. 8:30 am. Eh anong oras ako natulog 4:00am. So nagising ako 8:00am. pilit pa yun ah. 

To : HUBBY <3

LRT palang ako. Kakasakay ko palang. GAD! anong oras nako nagising. Di kasi ako ginising ni mama. hai. Hayaan mo yan si Mr.Beast, special project nanaman ako jan.

Di na ulit siya nagreply. Don't get me wrong, HUBBY is just a pet name. Diko siya boyfriend. Si Niall lang yon. hahahaha. Nag shift siya sa course ko kasi daw tinatamad siya sa course niya.  Masabi lang na kunyari may boyfriend ako. 

Kasi 1 year nakong tigang sa pag-ibig na yan. Single ang peg ng lola niyo. After nung nangyari samin ni Macky a year ago, ayun nagtransfer sa states ang gunggong.

Iniwan niya akong nag-iisa. Kidding aside, wala kaming official break up. After that incident, never niya na ko kinausap hanggang matapos ang semester na yon. Hanggang sa nalaman ko nalang sa mama niya na nag transfer na siya sa US para dun magpatuloy ng photography. 

Pero siempre kahit walang official na break up, matic na yun. Bobo ko naman pag diko nagets ang ibig sabihin ng paglayo niya diba. 

Imbes na front door ako ng room pumasok siempre sa likod ako pumasok dahil nga sa late nako. Tago tago din ako pag may time. 

Swerte naman nagsusulat si Mr.Beast sa board ng pumasok ako.

Swerte ko naman talaga at di niya ko napansin nung humarap na siya. Pero GAD! Inaantok pa talaga ako. 

Pero after an hour of lecture, naka survive ako! Kahit na mugtong mugto ang mga mata ko at antok na antok ako at hikab ako ng hikab at ..... wala na. hehe

Meron pakong last two subjects for this day. At malas ko isa dun ang Business Mathematics 2. I hate math. Urgh! Kaya di nanaman ako aattend sa last subject. hahahaha

"Hoy! Late kana lang parati. Bago bago din ah" sita ni Niall. Magkapita bahay kami pero diko alam kung bakit never ako sumabay sakanya papuntang school. Maybe ayoko lang talaga ng issue.

Pero siempre di maganda tong story na to kung walang issue diba? Hehe. Siempre diko pa din naiwasan ang pesteng mga issue na yan. 

Dahil sa super sikat si Niall dito sa school dahil san pa nga ba? Dahil siempre wafu si papa. Maputi, mayaman, matangkad, nasa kanya na yata ang lahat bukod pa yung president's list siya. Take note ah. President's list hindi lang basta Dean's list. 

Love At The Next StopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon