Napanganga ako sa sinabi nila.
May kasamang babae si Macky sa room niya.
Maganda daw.
Maputi daw.
Matangkad daw.
Blonde daw ang buhok.
In short, model ba itech? I need to see this girl.
Pero teka, bakit gusto ko siya makita? Pakelam ko ba sakanila? Kahit magpakasal pa sila wala ako pakelam.
"TOK TOK TOK"
Dumungaw si Nate. Escort ng section namin nung high school. Pogi pa din sa crush. Yan ang tawag ko sakanya kasi crush ko siya at alam niya yon.
Nung high school kasi ako prangka ako masiado. Pag gusto kita sasabihin ko, pag ayaw ko sayo sasabihin ko din.
"Guys, let's go. Mag hohorseback riding daw tayo" kindat nito sakin.
Sumunod naman kami agad sakanya.
Brown fitted pants, T-shirt na white, gray furry coat at boots ang suot ko.
"Hi vivien. Long time no see!" sabi sakin ni Nate na umabrisete sakin.
"Long time indeed" nginitian ko naman siya. Ngiting pacute. hehe.
Nakakalaglag panty naman kasi ang tukmol na to. Sobra sa kapogian. Mukang koreano. Eh mahilig pa naman ako sa ganung itsura.
"Nagtataka naman ako kung bakit di kita nakikita sa school" ngiting ngiti siya sakin.
Haaaaaay. Ang pogi talaga. Damuhong to.
Sa De La Salle College of St. Benilde din ito nagaaral. Dito ko lang matandaan kung anong course.
"Lagi lang kasi ako nasa building namin. Never ako gumala sa campus. Wala makasama eh"
Paglabas ng elevator. May nahagip agad ako ng tingin sa lobby.
Sobrang nagtatawanan sila.
Nakaakbay si guy kay girl.
Nakayakap naman si girl sa bewang ni guy.
Si Macky at yung girl na sinasabi ng lahat.
Nasa harapan ko ngayon.
"C'mon let's go guys" yaya ni Macky na nakatitig sa braso ni Nate na naka pulupot sa braso ko.
Bago siya tumalikod narinig ko siyang nagsalita ng 'fuck'.
Mukang badtrip nanaman ang gunggong nung nakita ako. Samantalang kanina nung dipa niya ako nakikita makatawa siya wagas. Kulang nalang pasukan ng kung ano yung bunganga niya.
Nang makarating kami sa paroroonan nag kanya kanya ng kuha na kabayo ang lahat.
Ako?
Eto nakatanaw lang sakanila.
Bakit?
Dahil takot ako sumakay sa kabayo.
Bakit ulit?
Dahil nung bata pako nahulog ako sa kabayo. Kaya wala ako balak sumakay jan.
Nahagip nanaman ng mata ko yung dalawang talipandas.
Tumingin naman si Macky sakin. Tapos may sinabi siya dun sa babae at naglakad papunta sa way ko.
Ha?
Bakit?
Ano itech?
Bigla namang sulpot ni Nate sa harap ko.