"Mi, will you read me Cupid and Psyche's story?" Request ni Aleia sa ina.
"Again? Gabi-gabi nalang yang kwento na yan, hindi ka parin nagsasawa?" Tanong nito sa kanya.
"It's the greatest Greek love story ever! To agapó tóso polý (I love it so much), Mi." Ngumiti ang ina niya at muling ikinuwento ang love story na paborito niya, "...Yet through all their trials and tribulations, Cupid escaped Aphrodite to go find Psyche and never wavered in their passion for one another. Even as they faced seemingly insurmountable challenges, they remained steadfast in their desire to be with each other. And certainly, this enduring love is one of the greatest lessons that these legendary lovers can teach us, no matter how many barriers we face on our journey through life, ." Binasa ng ina ang huling paragraph ng kwento sa kanya.
"Will I ever find my Cupid someday, Mi?"
"I pray that you find a man who will fight for you, Aleia. Someone who will love you unconditionally inside and out and not just because of your physical look. Aleia, I always hear people say na kahit daw si Aphrodite kaiinggitan ang ganda mo especially yours is a rare one because of your eyes pero dapat hindi lalaki ang ulo mo sa ganung compliments ha? Always remember to be humble and kind, Anak. Imagine you are like Psyche and as you grow older hindi maiiwasan ang mga lalaking magkakagusto sayo because of your beauty and it is a blessing, pero always remember to choose wisely at wag kang magpapadala sa itsura lang. Higit sa anumang panlabas, pinakamahalaga ang panloob na katangian ng isang tao."
"Katalavaíno, Mi (I understand, Mi)." Tawag niya sa ina ay Mi short for Mitera or Mom in Greek.
Aleia or Kristin Azalea Psyche Miathea is the half-Greek and half-Filipino daughter of one of the noble family in Greece, their family came from a lineage of Royalties back in history pero as time goes by dahil sa pagpapasa ng henerasyon at nawala na ang apelido ng mga ninuno nila at Miathea na ang ginagamit nila ngayon.
Isang OFW Nurse noon ang ina niya nang makilala nito ang kanyang ama hanggang sa nagmahalan ang mga ito at siya at nakababatang kapatid na si Rhian na kasalukuyang nasa Europa para mag-aral ang naging bunga ng pagmamahalan ng mga ito, bata palang ay may angking ganda na siya idagdag pa ang kanyang black silky hair na galing sa ina at ang natural purple eyes niyang napaka-rare sa isang tao at siya lang ang natatangi sa Greece o maging sa buong mundo ata na mayroong ganitong kulay ng mata which makes her the center of attention at bata palang ay marami nang pamilya sa kanila ang nais siyang ipakasal sa mga anak na lalaki ng mga ito which her mother always opposes dahil gusto nito na kung ikakasal sila ng kapatid ay sa mga lalaking pipiliin nila at hindi dahil idinikta ng mga pamilya nila.
Lumaki din sila ng kapatid na fluent sa pagsasalita ng Tagalog dahil sa ina nila, kahit hindi pa sila nakakarating ng Pilipinas ay gusto nitong maramdaman parin daw nila ang pagiging Filipina nila, ilan sa mga nakatulong sa kanila ang pagmimaintain ng fluency ay ang mga Pinoy OFW's na mga kasambahay at mga hospital staffs, lagi silang nag-uusap ng mga ito sa Tagalog at ganun din ay nakatulong sa kanila ang panunuod ng mga Filipino movies and series mula sa Flicks, isang online streaming site na galing sa Pilipinas at most especially nakatulong sa kanya na ang nag-iisang ka-close niyang pinsan sa mother side na si Alvin, ang ina nito ay kapatid ng Mama niya, kaya nang mawala rin ang ina niya ay nagkaroon siya ng constant communication sa pinsan niyang si Alvin.
As the eldest heiress of their family ay kung ano ang sabihin ng ama ay wala siyang choice kundi sundin ito. Mula nang mamatay ang ina ay naging istrikto na ang ama nila sa kanila although nararamdaman parin naman nila ang sweetness at pagmamahal nito pero pagdating sa pagdedesisyon ay wala silang opinion at kung ano ang sasabihin nito ay iyon ang masusunod.
BINABASA MO ANG
When Gods Take The Action
Romance"No! Hindi pangit, it's more like hindi lang pasok sa standard ng mga taong panay physical appearance lang ang gusto. But for me, I find you beautiful, wala namang ginawa ang Diyos na pangit, nasa mata lang yan ng tumitingin. And for me you are beau...