Chapter Eleven

9 3 0
                                    

"Zeus, ano? Tambay-tambay nalang ba ulit tayo sa Olympus? Anong ginagawa ng lightning bolt mo bakit di mo pa isaksak sakin yan?" Tanong ni Aleia habang parang baliw na kinakausap ang estatwa ni Zeus na nasa garden ng ospital.

Nag-uunwind lang siya dahil kakalabas lang niya ng Operating Room after a twelve hour major operation. "Waaah! Ang sakit ng likod at ulo ko! Kaya siguro masakit kasi tinutubuan na ko ng pakpak at sungay. Dinig mo yan Zeus? Pag lumabas yung pakpak at sungay ko kakaltukan kita jan sa Olympus!"

Tomorrow is her death sentence, isasakal na siya at umaasa nalang siya na sana tamaan nalang siya ng kidlat o kaya dahil sa kawalan niya ng tulog ay magcollapse nalang siya bago pa siya makapag-I do or better yung wala nang gisingan at least hindi na siya matatakot na sa impyerno siya mapupunta dahil hindi na siya nagpakamatay.

Halos isang linggo na mula nang makabalik siya at nang magkamalay ang ama niya pero hindi pa niya ito kinakausap dahil binubulok niya ang sarili sa ospital, at least dito ay nagiging busy siya at nakakapagfocus siya sa pag gagamot, kung nasa bahay baka kung anu-anong dumb ways to die ang maisipan ng utak niya.

Sa umaga ay nakafocus siya sa opisina at sa gabi siya nagra-rounds para sa mga pasyente, ok na siya sa dalawang oras na tulog sa sleeinh quarters tutal mamatay din naman siya at least hindi niya kailangang magpakastress kay Marco at sa sakal nilang dalawa.

Humiga muna siya sa bench para makakuha ng konting pahinga at nagsisimula nang bumigat ang mga mata niya, paghiga niya ay agad siyang dinalaw ng antok.

"Lypámai (I'm sorry), whoever you are please go away, I've been awake for 2 days now. I just really need to sleep for a moment so please don't bother me." Matamlay na pakiusap niya nang makaramdam siya ng presensya sa tabi niya.

Naghahalo na ang reyalidad at panaginip niya nang makaramdam siya ng humahaplos sa buhok niya. She is so tired to open her eyes at nasamyo niya ang pamilyar na amoy, amoy ng lalaking nagpapatibok ng puso niya pero imposibleng makakapunta si Kenji dito dahil naka ban ito sa airport kaya isa lang ang sagot sa nangyayari, nananaginip lang siya at kung panaginip ito ayaw niya nang magising. Napangiti siya nang sa panaginip niya ay hinalikan siya nito sa labi.

One hour after, dahil nag-alarm na ang phone na nasa coat ay mabigat ang matang bumangon siya. Umunat siya at tumalon talon para mapilitan ang katawan niyang magising at pagmulat niya ng mata ay naalala niya ang panaginip niya, she touched her lips at napangiti siya. It was a bittersweet moment, sweet dahil at least kahit sa panaginip ay muli niyang naramdaman ang halik ni Kenji yet bitter, dahil mukhang hindi niya na ulit mararamdaman ang bagay na iyon.

Tears started blurring her vision at mabilis siyang tumakbo sa puntod ng ina na nasa likod na hardin ng ospital, it is her comfort place and without a care in her surroundings ay hinayaan niyang muli ang sariling umiyak.

"Mama! Ma, isama mo na ako sayo. Mama, miss na miss na kita! Kung hindi si Kenji ang makakasama ko sana ikaw nalang, Ma!" Umiyak siya na parang bata habang nilalabas ang frustration sa puntod ng ina niya. She hugged her knees and kept on crying hanggang sa gumaan ang pakiramdam niya.

Matapos ng ilang sandali ay nang mag alert ang pager niya saktong narinig niya ang pag hahanap sa kanya sa ospital.

"Giatré Miathea sta epeígonta, parakaló. (Doctor Miathea to the emergency room, please.)" Pinapapunta siya sa emergency room malamang ay VIP na naman ito na nagrerequest sa kanya. Tumayo na siya at inayos ang sarili, pero bago siya tuluyang lumayo ay tinapunan niya na naman ng masamang tingin ang estatwa ni Zeus. At parang sinisindak niya ito na gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal niya.

"Zeus! Mag aalay ako sa templo mo mamaya sunduin mo na ko bukas o dalhin mo nalang ako sa Underworld o gawing asin, the hell I care. I'd appreciate it more kesa magpatali kay Marco! Deal? Deal!" Parang tanga na kinausap ulit niya ang nananahimik na estatwa.

When Gods Take The ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon