Nakangiti si Aleia habang tinitignan si Charie na naglalakad papunta sa altar. She looks really stunning in her wedding dress. Habang nakatingin kay Charie ay naramdaman niya ang matang nakatingin sa kanya at hindi nga siya nagkamali nang makita si Kenji na sa kanya nakatingin.He was smiling and lovingly gazing at her, sinenyasan niya ito na magfocus sa kinakasal pero lalo lang itong ngumiti sa kanya and he suddenly mouthed, "I love you."
"I love you more." She mouthed also at lalo pa siyang kinilig nang kumindat ito sa kanya.
Muli niyang pinukol ang tingin kay Charie na ngayon ay kasama na ni Zander. As the couple are saying their vows ay naalala niya ang proposal ni Kenji sa kanya. After ng di natuloy na kasal niya kay Marco, akala niya ay officially nang magpopropose si Kenji sa kanya especially na winelcome na ito noon ng Papa nila sa Greece pero mula nang magkasama ulit sila ay hindi na ito nagbrought up ng kahit ano tungkol sa pag-aaya nito ng kasal sa kanya noon.
Nang matapos ang kasal ay kasama niya sa lamesa ang ngayong kumpleto nang barkada nila Kenji, nakilala niya na rin sa wakas si Ellin na galing pag New York at ang dalawang original members ng banda nila Kenji na sila Vlad at Drew at ang partner naman ni Raffy at old flame nitong si Belle.
"Mukha ka lang tao ngayon kasi magaling mag-ayos si Ellin, pero after nito balik ka na ulit sa pagiging jologs mo." Dinig niyang sambit ni Belle.
"Hanggang ngayon insecure ka pa rin sa pagiging diyosa ko. Pag-inggit talaga dapat pumipikit. Bagay ka talaga sa Narnia eh, the lion, the witch and the audacity of your bruhaness." Pagpatol naman ni Allex.
"Masanay ka nalang sa dalawang yan, mukha lang sila nag-aaway pero ganyang lang sila magmahalan." Bulong ni Kenji sa kanya.
"Pwede bang tumigil na kayo? Di na kayo umalis sa college, pwede bang magmove on at ceasefire nalang?" Awat ni Raffy.
"Ikaw naman, nagrereunion lang kami ng Donabelat mo ang KJ mo."
"Kaya nga, boring sa Canada kasi walang jologs at chararat doon."
"Ay, hindi pala uso ang salamin sa Canada? Kawawa ka naman." Hindi niya naiwasang di matawa sa dalawa. Hindi na rin nakasagot si Belle nang subuan ito ni Raffy at ganun din si Allex na sinubuan ni Kenji ng isang slice ng leche flan.
"Magsitahimik na kayong dalawa, di na kayo nahiya kila Drew at Vlad mamaya ma-culture shock na sila sa atin biglang bumalik ng Canada yan." Saway ni Kenji.
Pagkatapos ng dinner ay nagpatuloy na ang programa para sa garter and bouquet toss. Nauna na ang garter toss at narinig niya ang tilian ng mga babae sa lugar, maliban kay Vlad ay natatawang bumalik sila Alvin, Kenji, Drew at Raffy sa lamesa. "Mga siraulo kayo pinagkaisahan niyo ako eh." Reklamo ni Vlad at nakita niyang nilagay nito ang garter sa bulsa.
This time ay narinig naman niya ang host na nagtawag sa mga single ladies para naman sa bouquet throwing, hindi na siya nag-abala pang sumali dahil di naman siya single at hindi niya gustong suotan siya ni Vlad ng garter. Ilang sandali pa ay nagtawanan silang lahat sa lamesa nang ang nananahimik na si Allex na nasa buffet table ang nakakuha ng bouquet, sa pag-aagawan kasi ng mga dalaga sa gitna at naibato ng kung sino ang bouquet at muli iyong naihagis at lumipad papunta sa kaibigang nananahimik sa pagkain.
On cue namang tumayo muna sila Kenji para sa live band. Napuno ang lounge nang tawanan dahil kila Vlad at Allex na nasa stage, pagkatapos ay nagsayaw ang dalawa sa gitna. Habang tumutugtog ng Sigurado ang banda at sila Drew at Ellin ang kumakanta ay nakatingin lang siya kay Kenji.
Di man sila magkasayaw but the lyrics of this song hits her heart. Ngayon palang ay nagsisimula niya nang mamiss si Kenji. She was again reminded from the very first time they've met dito sa lounge. It was God who put their fate together, Kenji is her Savior, baka kung hindi niya ito nakilala baka hanggang ngayon sinusumpa parin niya ang buhay na meron siya, or worst baka nasa Underworld na siya ngayon dahil sa kagagahang ginawa niya.
BINABASA MO ANG
When Gods Take The Action
Romance"No! Hindi pangit, it's more like hindi lang pasok sa standard ng mga taong panay physical appearance lang ang gusto. But for me, I find you beautiful, wala namang ginawa ang Diyos na pangit, nasa mata lang yan ng tumitingin. And for me you are beau...