Chapter Two

5 1 0
                                    

"Tol, may babae kanina dito sa kwarto mo, parang foreigner na nagtatagalog, maganda, maputi, 5 feet and 8 inches ang height, kasing katawan ni Allex, maganda, mahaba ang buhok, purple eyes, black hair. Asan siya? Kilala mo ba siya?" Bungad niya kay Alvin nang dumating ito sa opisina niya.

"Kailangang dalawang beses ulitin ang maganda? She's Kristin, kaibigan ng kakilala ko, may business trip kasi siya kaya dumaan dito bago ang flight niya para makapagpahinga muna daw unfortunately minanyak daw siya."

Kristin. "Alam mong di ako ganon, Pre."

"I know, sinabi ko narin namang mukha ka lang manyak pero harmless ka naman." Natatawang sagot niya na ikinatawa ng mga kaibigan nila.

"Gago ka! Ano baka may details ka niya?"

"I know I am, kaya nga kaibigan mo ko kasi pareho tayong gago. Pero sorry, Pre wala din eh, first time lang namin nagkita and even if I have di ko naman pwede ibigay sayo yun ng basta without her consent kahit pa magkaibigan tayo." Bumugtong hininga siya, he really wanted to see her. To apologize again.

"Nga pala, kinuha kong secretary yung pinsan ko, papunta na siya ngayon dito kasama ni Louise, be good to her ah. Konting kalpastikan muna guys pakita niyo lang mabait kayo kahit hindi."

"Don't worry, Alvin, as long as hindi yan yung Donabeirus ni Raffy walang problema." Ani Allex.

"Sir, may Aleia na naghahanap sa inyo sa bar." Pag-inform ni Drex isa sa mga bartenders kay Alvin, tumayo ito at lumabas ng kwarto.

"Tol, mukhang tinamaan ka dun sa Kristin ah, maganda ba talaga?" Tanong ni Raffy.

"Oo! Akala ko nga nasa Olympus ako kasi nakita ko si Aphrodite eh!" Tugon ni Allex.

"Hindi ko siya type, gusto ko lang ulit magsorry dahil sa nangyari." Weh? Hirit ng isang parte ng utak niya. Aaminin niyang maganda ito and yeah there was something in her that really caught his attention at gusto nga niya itong makita ulit and surely mapalapit dito pero mukhang wala na nga ito at nakaalis na.

"Grabe naman tamaan ang Fafa Kenji, move on ka na, ako nalang tignan mo maganda pa!"Biro muli ni Allex.

"Aanhin ang ganda sayo kung baliw ka naman."


THANKS TO ALVIN at pinagamit muna nito sa kanya ang debit card nito para makapamili siya ng mga gamit niya, binigay niya na kay Alvin lahat ng Euros na natitira sa kanya at instanly namang binigay nito sa kanya ang isang card nito na same amount sa binigay niya, kasama niya si Louise na naghihintay sa kanya sa labas ng kwarto habang nag-aayos siya sa banyo.

This may be a good bonding moment para mas makilala niya ang nobya ng pinsan niya. Bago lumabas ng CR ay tinignan niya ang sarili sa salamin, mejo mainit lang ang fat suit na suot niya, gusto niyang this time ay hindi siya makikilala o hindi siya makaka-agaw atensyon and lastly ayaw niya nang maging maganda.

On with her plus size suit, nakajacket siya, she put dark brown contact lens para matakpan ang purple eyes niya at magmukha siyang normal na Pilipino sa paningin ng lahat, she adds eyebrow shade sa kilay niya para magmukha itong makapal, hindi pa ito nagtatapos nag apply siya ng fake pimple marks sa pisngi niya at sinuot ang removable retainer sa ipin niya and lastly isang makapal na salaming walang grado. Isang bagay nalang ang kailangan niya, bangs para malayong malayo na siya sa pagiging Kristin Azalea Psyche Miathea and hello Aleia Alegre na siya simula ngayon.

If beauty gives her misery and bondage and ugliness means freedom and happiness wala siyang magiging pagsisisi kahit pumangit nalang siya, looking back ilang mga binata mula sa mayayamang angkan sa Gresya ang humingi na ng kamay niya para pakasalan pero walang naging problema ang ama niya kung iturn down niya ang mga ito but Marco is different, marahas ito at dahil sa ginawa nitong tulong sa kanilang mag-ama ay madali para ditong hawakan siya sa leeg para lang masunod ang gusto nito and he would take no for an answer.

When Gods Take The ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon