"Ok na ba? Maganda na ba ako?" Nakangiting nagposing si Allex sa harap niya na akala mo ay modelo suot ang damit na pinadala ng ama ni Aleia para dito para makapasok ito sa loob ng wedding venue. Inismiran at umiling lang siya bilang tugon dito. "Alam mo, minsan mahal kita pero madalas masarap kang iuntog sa dingding at sipain sa mukha at di ko alam pano kita naging kaibigan."
"Ano ba kasing gusto mong marinig sakin? Yung totoo o yung masakit?" Biro niya.
"Buti nalang talaga never kitang nagustuhan. May sapak talaga si Diyosa na nagkagusto siya sa baliw na gaya mo."
"Kung baliw ako edi baliw ka rin kasi bestfriends tayo. Til death do us part, di ba?"
"Nagbago na isip ko, mag-isa ka nalang sa kamatayan after dito hahanapin ko na ang Destined Serenity ko! Rainbow nalang, Lord, pagbigyan niyo na po ako! Kung di yung rainbow kahit ang Flynn Serene-ader ko nalang po!" Sambit nito habang parang baliw na nakatingin sa kisame. Ang rainbow na sinasabi nito ay ang sign nito na pag nakakita ito ng tatlong bahaghari at isang lalaki ang kasama nito ay iyon ang soulmate nito, pero sa walong taon nilang magkaibigan never nga siyang nakakita ng rainbow kasama ito kaya naiiling nalang siya na baka tumandang dalaga nalang ito at ang Flynn Serene-ader naman ay ang kinababaliwan nitong anonymous Youtube singer-guitarist na kahit kailan ay never nagpakita ng mukha at kinaaadikan na ito ni Allex mula elementary palang nito, kaya wala na talagang babaliw pa sa taong to.
"Baka patay ka na bago pa dumating yang tatlong rainbows na yan at kung sino man yang Flynn na yan, wag ka sanang dumating sa buhay niya. Bagay ka ngang writer kasi masyadong malala ang kabaliwan ng utak mo." Tinignan siya ng masama nito at hindi na nakasagot nang magring ang phone nito at nilagay ni Allex sa speaker mode.
"Ate Allex, this is Rhian. Pinsan po ako ni Kuya Alvin at kapatid ni Ate Aleia."
Tumingin sa kanya si Allex bago nagsalita, "Yes, Rhian, nabanggit ka na sakin nila Alvin at Kenji. May problema ba?"
"Ate, I'm desperate for your help, si Ate kasi balak gumawa ng kagagahan sa buhay. She's planning to overdose herself sa Insulin after the wedding. Ate, please help me I don't know what to do, I can't tell Papa at baka atakihin ulit siya sa puso."
Nakaramdam siya ng takot at pag-aalala sa sinabi ni Rhian, maba-balewala lahat ng efforts niya kung mawawala lang din si Aleia sa kanya, he can no longer see his life without her, nagsisimula na siyang mag-alala nang maramdaman niya ang paghawak ni Allex sa balikat niya at tumingin sa mga mata niya habang kausap si Rhian, "Trust me, walang mangyayaring masama kay Aleia. I'll be in the venue in five minutes." Nagpasalamat si Rhian at nagpaalam na ito kay Allex.
"Do what you have to do, Kenji. Ako na bahala kay Aleia. Trust me, ok pa siya, ang plano ni Aleia after ng wedding at walang kasal na magaganap kaya wag ka mag-alala. Aalis na ko, bahala na kayo ni Kuya Je sumunod."
"Thank you, Lex."
PAGDATING SA WEDDING VENUE ay nauna na sila ng Papa niya habang nagsabi si Rhian na susunod nalang daw ito gamit ang sariling sasakyan. They went to the Parthenon kung saan gaganapin ang sakal niya.
"The temple of Athena is now deconsecrated! Athena, wala akong aasahan sa tatay mong tulog pa. baka naman you may want to live up to your title and start a war with mortals now, babalahurain na namin ang templo mo, or better turn me into Medusa now." Reklamo niya habang nakatayo siya sa entrance at nagsisimula na ang entourage.
"Say no more, Artemis is here to the rescue!" Napanganga siya sa gulat nang tumabi sa kanya si Allex in the dress na gaya ng mga nasa entourage. "Tulog pa yung half-sister kong warfreak, pagod sa gyera kaya ako nalang ang pinadala niya sana ok lang sayo ang beauty ko." Kumindat pa ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
When Gods Take The Action
Roman d'amour"No! Hindi pangit, it's more like hindi lang pasok sa standard ng mga taong panay physical appearance lang ang gusto. But for me, I find you beautiful, wala namang ginawa ang Diyos na pangit, nasa mata lang yan ng tumitingin. And for me you are beau...