Chapter Five

3 1 0
                                    

"You can't do this to me, Kenji! Isa si Daddy sa mga nag-invest sa company na to so I have the right to be here!" Reklamo ni Alyssa nang sabihin niya na fired na ito sa kumpanya niya.

"I already talked to him at pumayag siya sa desisyon ko. So starting today, you are no longer part of this company."

"Dahil sa pangit na yon tatanggalin mo ko dito?"

"She's not the only reason, marami ka na ring binubully dito sa kumpanya it just happens na this time hindi ko na papalampasin ang pagiging bully mo. You may go now, tutal maganda ka na naman I'm sure there are tons of companies out there who'd make use of your beauty." Sarkasitikong tugon niya.

"You're a jerk, Kenji!" Asik nito sa kanya.

"I know I am. So get out of my face now!"

Galit na lumabas si Alyssa sa opisina niya, inayos narin niya ang mga gamit at aalis na sana siya nang muling bumukas ang pinto ng kwarto niya.

"I said get out!" Asar na sambit niya.

"Get get aw!" Napalingon siya nang marinig ang pamilyar na boses ng isang baliw, "Kakarating ko lang papalayasin mo agad ako?! Wala ka bang pagkain dito?"

"Wilab, ikaw pala. Sorry akala ko si Alyssa eh."

"Nakasalubong ko nga siya, tinarayan ako, kala mo naman sinong maganda, pandak naman." Napailing nalang siya, pasalamat talaga itong babaeng to na may ganda naman talaga itong maipagmamalaki, talagang boyish lang ito kaya di niya ramdam ang pagiging babae nito. Umupo si Allex sa lamesa niya at dumekwatro, "May nasagap akong chismis bakit ganyan ka?! Akala ko ba bestfriends tayo bakit sa mga nandito ko pa naman ang latest sayo?"

"Di pa naman tayo nagkita this week, sasabihin ko sana sayo sa Sabado eh."

"Ah, okay. Anyway, sabihin mo nga, may sa malas ba ko?" Biglang tanong nito.

"Malas ka naman talaga matagal na." Asar na sinipa siya nito na agad niyang sinalag pero dahil masakit manipa ito ay napasinghap siya sa sakit, "Joke lang, ano bang nangyari?"

Nagsimula itong magkwento sa kanya tungkol sa 'creepy' manliligaw kuno nito sa trabaho na ilang beses na itong muntik madisgrasya pero lagi itong naroroon para iligtas ang kaibigan.

"Creepy? Kaya di ka makamove on kay Nathan kasi lahat ng manliligaw mo sinasabihan mo ng creepy. Lex, it's time to move on."

"Tingin mo di ko ginagawa yon? Pero yung kanya di sweet, creepy talaga kasi parang kung asan ako andoon din siya."

Sinipa niya si Allex pero hindi agad ito umiwas kaya natamaan niya ang binti nito, asar na napa-aray si Allex sa sakit ng ginawa niya, "You're reflex are slow, mag-sparring tayo sa Saturday morning, polish natin yung move na pinapractice mo. Di tayo titigil hangga't hindi bumabalik yang muscle memory mo sa self-defense."

"Active parin ang muscle memory ko pero pagdating sayo alam mong down ang server, cannot be reached."

"Ke-kasama mo ko o hindi dapat on guard ka parin lagi, pano nalang kung gaya ni Victor yang creepy manliligaw mo, one of these days mamaya matuluyan ka sa Final Destination na yan. You want me to background check him?"

"As if naman di ko kayang gawin yan, ako na bahala sa kanya. Anyway, balik na nga tayo sa pinalit mo sakin." Pag-iinarte nito sa kanya.

"Oo, umay na ko kasama ka, nakakasawa ka na."

"Good for you at least di na iiissue ni Mommy Gemma si Junjun." Tumingin ito at ngumuso sa pantalon niya at pilyang ngumiti.

"Siraulo! Manyak mo talagang babae ka! Malas nalang talaga ng lalaking magugustuhan mo."

When Gods Take The ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon