Chapter Six

8 3 0
                                    

Today is the day nang sabihin ni Kenji na magdidate daw sila. Bago sila maghiwalay ng uwi kahapon ay niremind niya si Kenji sa itsura niya pero binalewala lang ito ng binata, basta daw nakikita nito ang ngiti niya ay maganda daw siya sa paningin nito.

Hindi niya alam kung maluwang lang ba ang turnilyo ng utak nito o na-shaken baby syndrome ito noong sanggol kaya nagka-ganito ito. Pero ganun pa man ramdam niyang malinis at totoo ang intensyon nito sa kanya.

Kanina bago mag-ayos ay kinausap niya si Alvin para kunin ang opinyon nito sa dilemma ng buhay niya at kinuwento niya kay Alvin ang mga nangyayari at isa lang ang sinagot ng pinsan niya, "Trust and follow your heart, Lei."

Pababa siya ng unit niya para salubungin si Kenji sa lobby, nagsabi kasi ito na may usapan ito at si Allex na magkikita kaya nang makabalik ito ay sa lobby na sila magkikita. Nakakailang floors na siyang nakakababa nang may pumasok na mag-asawa at base sa obserba niya ay nagle-labor na ang ginang. Pagsara ng elevator ay bigla itong napaupo sa sakit kaya agad niya itong inalalayan, "Ma'am, ok lang po kayo?"

"Miss, manganganak na ata ang asawa ko! Anong gagawin ko?!" Kita niya ang panic sa mister nito kaya agad niya itong sinabihang kumalma.

Inalalayan niyang makahiga ang ginang dahil pumutok na ang panubigan sa pwerta nito. Saktong bumukas ang elevator sa ground floor at bumungad sa kanya si Kenji, "Pumunta ka ngayon sa admin at sabihin mo may manganganak dito, call an ambulance at kailangan ko ng gloves!" Hindi na sumagot si Kenji at agad nitong ginawa ang sinabi niya.

"Mommy, wag ka magpapanic, doktor ako at kasama mo kami ng asawa mo, kapag nagpanic ka mahihirapan kang ilabas si baby kaya makinig ka sa instructions ko, ok? Anong pangalan mo?"

"Opo, Doc. Karen po." Namimilipit na sagot nito. Sakto at nakabalik na si Kenji dala ang kailangan niya at iba pang medical supplies, may guard din itong kasama na pinigilan ang pagsasara ng pinto ng elevator.

"Karen, titignan ko kung ilang CM ka na ha?" Nag-okay ito at nakita niyang fully dilated na, hindi na nga ito aabot sa ospital lalo na at wala pa ang ambulansya, "Ok, Karen, lalabas na si baby, kaya kailangan mong umire na para ka lang dumudumi, wag kang sisigaw para hindi agad maubos ang lakas mo, naiintindihan mo? Kung kailangan mo ng pagbabalingan ng sakit, pisilin mo nalang ang kamay ni mister. We'll do this together, Karen, pag humilab iiire mo on my queue." Tumango lang ito dahil hindi na makapagsalita sa sakit. Nagsimula na siyang paanakin ang ginang.

Nasa kalagitnaan na ng pag-ire nang bigla itong huminto, "No, may mali, baka hindi ko mailabas ng maayos ang baby ko, Doc."

"Karen, calm down, the baby is okay pero kailangan niya nang makalabas, please, konting tiis pa malapit na."

"Hindi, Doc! Fortyfive na ko, di na dapat ako nag-anak! High risk pregnancy na ako! Yung baby ko!"

"Karen! Karen! Look at me. All you need to do is push, do this for your baby. I'm here, hindi ko kayo papabayaan ng anak mo." Aniya at tumango ito. Mabuti at sumunod naman ito sa kanya at ilang sandali pa ay sa wakas ay matiwasay nitong nailabas ang anak pati narin ang placenta ng bata, narinig nila ang pagcheer ng mga usisero at usisera sa nangyari, inabot sa kanya ng mister nito ang isang pranyela para mabalot ang sanggol. Karga ang baby ay nagtama ang mga mata nila ni Kenji at bakas sa mukha nito ang pagka-proud sa ginawa niyang pagtulong.

"Karen, ito na si Baby, you did a very good job for your baby girl." Masayang sambit niya habang karga ito, ilalapag na sana niya ang sanggol sa dibdib ni Karen nang may mapansin siyang hindi tama. Agad niyang binigay ang anak nito sa ama. Kinuha niya ang sphygmomanometer, her BP is dropping, at napansin agad niya ang sintomas nito, "Cyanosis. Kenji asan ang ang ambulansya?!"

When Gods Take The ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon