Chapter Ten

3 1 0
                                    

Tahimik lang na tinitignan ni Aleia si Kenji habang natutulog ito sa tabi niya. Minsan pakiramdam niya kung panaginip lang ba ito na nakilala niya si Kenji pero alam niyang hindi, napangiti siya habang masayang iniisip na ganitong view ang gusto niya lagi, ang gigising sa umaga na ito ang unang mukhang masisilayan niya at ang huling makikita niya sa gabi.

She also loves it when Kenji never takes advantage of her, sa umpisa ng relasyon nila ay pareho silang nangakong walang intimate relationship sa pagitan nila hangga't hindi pa sila kinakasal.

Nagpasalamat pa siya non dahil ito rin ang pinangako niya noon sa namayapang ina, na hinding hindi siya makikipag talik hangga't hindi siya dinadala sa altar ng lalaking mahal niya. At pagkatapos ng nangyari noon sa hotel alam niyang hindi gagawa si Kenji ng bagay na hindi niya gugustuhin. It is a test of love at kung gaano nito kayang magtiis kasama siya and she felt relieved nang sabihin sa kanya ni Kenji na ito rin ang gusto nito para sa relasyon nila.

Napatigil siya sa pagmumuni-muni nang magring ang phone niya at si Rhian ang tumatawag sa kanya, tahimik siyang tumayo at lumabas.

"Ate, it's worse than we expected. Wala na dito si Dr. Baros, ang doktor na kasama ni Papa is galing kay Marco and until now hindi ko manlang nakikita si Papa, he said na inatake daw sa puso si Papa pagkatapos niya magfile ng case against Kenji at ngayon naka-induced comma siya. Security is very tight. Mukhang pinagplanuhan ni Marco ang mga nangyari." Pagbabalita ni Rhian sa kanya.

Nasapo niya ang noo sa pag-aalala sa ama at maging sa kapatid na naroroon ngayon, talagang gagawin ni Marco ang lahat makuha lang siya, "Xéro óti me periménei o Marco. Tha értho spíti mazí tou. Thélo aplós na peráso óli tin iméra me ton Kenji. Se parakaló na eísai asfalís méchri na ftáso, Rhian. Se agapó. (I know Marco is waiting for me. I will come home with him. I just want to spend the whole day with Kenji. Please be safe until I arrive, Rhian. I love you.)." She said in Greek, atleast walang maging ideya si Kenji sa plano niya.

She is left with no choice. Hawak sa leeg ni Marco ang Papa niya at maging ang tahanan nila ay nilalason na nito.

Papasok na siya nang makita niya si Kenji na nakasandal sa hamba ng pinto, "Are you okay, Mahal?"

"Oo naman, kinamusta ko lang si Rhian, nakauwi na daw siya at nasa meeting lang si Papa tapos kakausapin niya na at ipapaliwanag ang nangyari." Pagsisinungaling niya.

"Are you sure wala kang problema?"

"Wala, Mahal. Tara kain na tayo." Naglakad na siya papasok nang hawakan ni Kenji ang kamay niya at tumingin ito sa mga mata niya.

"Please be, honest with me, Aleia. If may problema ka andito ako para tulungan ka, magkasama tayo dito, ok? Walang iwanan."

Tumango lang siya at yumakap kay Kenji. "Se agapó tóso polý, Agápi Mou." Humalik siya sa labi ni Kenji. "It means 'I love you so much, My Love'."

"Mahal na mahal na mahal din kita, Aleia." Muli siyang niyakap ni Kenji ng mahigpit, and she felt a sharp pain in heart just by thinking of leaving him. Habang nag-aayos si Kenji ng almusal nila at palihim siyang nagtext kay Marco.

Aleia: It's me. I'm in Baguio, I know what you did to Papa, I know hindi mo ako titigilan hangga't hindi ako sumasama sayo. Meet me at Burnham Park at eleven PM tonight. I have two conditions though, first is Papa's safety. Second, I want you to withraw the kidnapping case kay Kenji.

Marco: Once we're together tonight, theórise to óti égine, agápi mou (consider it done, my love).

Bumalik na si Kenji dala ang tapsilog na niluto nito, she always love his tapsilog version. Lahat ata talaga na kay Kenji na, magaling tumugtog, matalino, a great Boss, gwapo, magaling magluto, magaling sa martial arts, siguro nung nagpasabog ng talento sa mundo nasa unahan ito at may dala pan drums pero nung nagpasabog ng galing sa pagkanta puno na ang drum kaya hindi na na nagkasya. But for her, she still love to hear him sing to her, wala siyang paki kung wala itong talento sa pagkanta but for her it's heart captivating.

When Gods Take The ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon