Chapter Three

7 1 0
                                    

Pakanta-kanta lang si Aleia habang nagbi-bake ng cake, ilang araw matapos nila magkita ni Kenji sa Amor Fati ay nagtext ito sa kanya at gusto daw nito yung cake na gawa niya kaya ngayon full of happiness naman siya habang parang tangang nakatingin sa oven at inaantay ang cake na maluto.

Sanay naman siya sa compliments ng mga kasambahay nila sa Miathea Mansion pero iba yung tuwa or yung kilig rather, nang makita niya ang reaksyon ni Kenji na tuwang tuwa sa pagkain sa cake na gawa niya, halos kalahati pa nga ng cake na gawa niya ang nakain nito kaya nang magdatingan sila Louise doon kasama ang mga kaibigan nila para tumambay ay kaonti nalang ang natikman ng mga ito kaya nangako nalang siya sa mga itong magdadala ulit siya sa next gig at ngayon ngang weekday ay nagtext sa kanya si Kenji na gusto daw nito ang cake niya at kung pwede daw umorder.

Tinext sa kanya ni Kenji ang address ng opisina nito, sinabi ni Kenji na ipacourier nalang daw para hindi na siya pupunta, nag-ok siya pero gusto parin niyang personal na pumunta doon dahil gusto niyang makita ang reaskyon ni Kenji pag natikman nito ang gawa niya.

Sumakay siya ng taxi at pagdating niya sa address na binigay nito ay tinignan niya ang building, at nasa tamang lugar na nga siya, limang palapag ang building at maganda ang exterior nito. Pagpasok, tinext niya si Alvin kung saan ang office ni Kenji and after a minute ay nagreply ito. Umakyat siya ng elevator at pinindot ang 5th floor kung saan matatagpuan ang opisina nito, pag-aari pala ni Kenji ang buong building kaya nakakawindang na ang bigtime pala ni Kenji pero ang simple lang nito tuwing kasama ang mga kaibigan. Hmm, very humble naman pala ang Fafaness na itey.

Paglabas ng elevator ay nakita niya ang tatlong babae doon na nasa breaktime kaya agad siyang lumapit sa mga ito, sa kaliwang bahagi ng floor ay entrance sa cafeteria kung asan ang mga ito. Papalapit palang siya ay napansin niya ang tingin ng mga ito sa kanya obviously it's because of her looks. "Hi, excuse me po, itatanong ko lang saan ang opisina ni Mr. Kenji de Dios." Magalang na tanong niya.

Tinignan muna siya ng mga ito mula ulo hanggang paa bago sumagot at isang pilit na ngiti ang binigay sa kanya ng isa, "May I know why you're looking for our Boss?"

Girl, don't look at me that way compared to you mas maganda pa ko sayo plus mas matangkad pa, "Sorry, kaibigan ko siya may pinapadala kasi siyang cake."

"Leave it to us, kami nalang magdadala sa kanya niyan." Sagot pa ng isa sa tatlo.

"Sorry, paki turo nalang ako nalang ang pupunta sa kanya."

"Miss, pupunta at haharap ka sa boss namin ganyan ang itsura mo? We are professionals here at hindi kami tambay." Tinignan niya ang suot niya, wala namang mali, naka rubber shoes siya, maong pants at tshirt.

"I don't mean to be rude and I'm asking nicely, I wanted to surprise him kaya hindi ko siya inaabalang sabihan na andito ako. Kailangan ko pa bang itext siya para lang malaman ko kung asan ang opisina niya at sabihin ko na maayos akong nagtatanong pero inaattitude-an ninyo ako?"

"Then prove it, malay ba namin kasi kung isa ka lang sa mga babaeng patay na patay na naghahabol sa poging Boss namin." Sagot ng pangatlo.

Aba't attitude talaga! "Aleia!" Ibubuka na ulit sana niya ang bibig niya para sagutin ang mga ito nang mapalingon siya sa tumawag ng pangalan niya.

Nahigit niya ang hininga nang makita niya ang malapad na ngiti ng binatang hinahanap at parang bumagal ang mundo niya nang maglakad ito papalapit sa kanya, Oh, good Gods of Olympus! Ang pogi nito sa suot na long sleeves polo na bukas ang taas na butones. "K-Kenji!"

"Nagtext sakin si Alvin na nandito ka daw kaya lumabas agad ako. Ikaw naman, nag-abala ka pa dalhin dito. Pero salamat, excited akong matikman ito. Tara sa office ko paghatian natin to." Nagulat siya nang bigla siyang akbayan ni Kenji at muling nagwala ang puso niya na sinundan ng buong internal organs niya. Huminga siya ng malalim para ipakalma ang sarili at abot tenga ang ngiting nilingon niya ang tatlo at di maipinta ang asar at gulat sa mga ito.

When Gods Take The ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon