Chapter Eight

13 3 0
                                    

"I heard from an acquaintance you were able to find Alexandr Madyanov's old flame and child in a short period of time. I was impressed when I was told that."

"Thank you, Mr. Galani, well I must say I have good people around helping me. So what can I do for you?" Tugon ni Kenji sa bagong kliyente niya, he was informed na may dadating siyang kliyente galing Greece dahil pinapahanap nito ang nawawala nitong nobya.

Kinuha ni Marco ang larawan ng babaeng gusto nitong ipahanap, "This is Kristin, Kristin Azalea Psyche Miathea, she is a daughter of a Greek noble from a Filipina."

Natigilan siya nang makita ang larawan ni Kristin. Greek? Hindi French?

Ang daming katanungan sa isip niya tungkol kay Kristin pero hindi siya dapat magpahalatang namumukhaan niya ito, gusto muna niyang malaman ang dahilan ng pag-alis nito at anong koneksyon ni Kristin sa matalik niyang kaibigang si Alvin.

"Thank you for the information you've provided Mr. Galani. I will update you regarding the investigation. But please know that it will take time and no assurance in this one."

"But I thought you are one of the best agencies here?"

"We can't say we're the best, especially it's hard to find someone who doesn't want to be found, if it's the same case with Ms. Miathea. But if she is not hiding then it will be easy for us to find her."

"Just do your job properly, money is not a problem, I could even double or triple the amount just for you to find her fast."

"We will update you as soon as we have the information needed, Mr. Galani."

"Thank you, I have to go now, we still have somewhere we need to go to." Tumayo na ito at nakipagkamay sa kanya.

Paglabas ni Marco at ng mga kasama nito ay umupo siya sa swivel chair niya at tinignang muli ang larawan ni Kristin.

"Who are you really? Bakit ba ginugulo mo ang buhay ko at anong koneksyon mo kay Alvin? Bakit din sinabi mong French ka at hindi Greek?"

Tinignan niyang maigi ang larawan ni Kristin, her smile is familiar to him, ang mga ngiti nito na para bang nagbibigay ng kakaibang tuwa sa puso niya, umiling siya dahil alam naman niya sa sarili niyang mahal niya si Aleia.

"Next time watch where you are walking. Get out of my face, you're an eyesore!" Narinig niya ang sinabi ni Marco sa labas at nakita niya si Aleia kasama ng dalawang nurse nila at kausap si Marco.

Agad siyang lumabas para malaman anong nangyari. Malaman lang niyang binastos ni Marco si Aleia ay wala siyang paki sa yaman nito at agad niyang kakalimutang kliyente niya ito at sa iba nalang nito hanapin si Kristin.


MAG-IISANG BUWAN na mula nang maging sila ni Kenji, finally he's fully recovered sa tinamo nitong tama at ilang linggo narin itong back to normal sa trabaho. At dahil isang buwan narin ay hinintay niya talaga ang monthsary nila para tuluyan nang magpakilala kay Kenji.

Ayaw niya nang maglihim pa dito lalo na at nagiguilty parin siya sa ginawa niya noon sa hotel, natatakot siya na baka magalit sa kanya si Kenji lalo na at mukhang badtrip ito kay Kristin dahil tuwing napag-uusapan nila ay nakikita niya ang inis na reaskyon nito.

Kakatapos lang nila maglunch kasama ang mga kaibigan sa clinic, May dala siyang merienda para kay Kenji, hindi pa ito nakapaglunch break dahil may kliyente itong dumating. Hindi niya alam kung sino pero balita niya ay malaking tao ang kausap nito at confidential pa ang pag-uusapan.

"Doc Leia, napakablooming mo lagi. Iba talaga ang nagagawa ng in love!" Sambit ni Nurse Joan sa kanya, natatawa na nilingon niya ito.

"Ganun talaga, malakas ang gayuma ko sa Diyos ng building—" Hindi niya natapos ang sinasabi nang may makabangga siya.

When Gods Take The ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon