Chapter Four

11 3 0
                                    

First day in the workplace! Excited si Aleia dahil babalik siya sa field niya, hindi man ito gaya ng nakasanayan niya sa emergency trauma unit pero at least makakahawak ulit siya ng mga bagay na related sa mahal niya. Paglabas niya ng pinto sa unit nila ni Alvin ay nagbukas din ang pinto sa tabi niyang unit at nagkatinginan pa sila ng kapitbahay nang lumabas ito.

"Kenji?!" Buska niya.

"Aleia? Kelan ka pa nakatira dito kay Alvin?" Gulat na tanong nito.

"Nung Sabado lang, ikaw?"

"Matagal na. Nice! Kapitbahay pa pala tayo." Ngumiti ito sa kanya, "Tara! Sabay ka na sakin."

"Ayoko nakakahiya tsaka mamaya mapahiya ka pa kung kasabay mo ko." Hindi na sumagot si Kenji at hinila siya nito pasakay sa elevator.

"Wag mo isipin ang sasabihin ng iba, ako naman ang Boss mo eh plus it's time saving, at least hindi ka na kailangan mag abang ng masasakyan at magcocommute. Time is money."

"Fine, pero ibaba mo ko bago lumiko sa building, ayoko na mapagchismisan ka nila dahil sakin."

Pero imbis na sundin ay hindi talaga ata marunong makinig ang isang ito talagang pinaharurot nito ang kotse hanggang sa makarating sila sa parking ng building, agad siyang nagtakip ng mukha gamit ang bag nang makita ang ilang mga empleyadong naroroon, alam niyang disguise lang ito at wala naman siyang paki kung laitin siya ng iba, ipagpapasalamat pa nga niya yon, pero hindi niya kaya kung si Kenji ang pag-uusapan ng mga ito dahil sa kanya.

Lumabas si Kenji ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan, "Ayoko, mauna ka na, saka ako lalabas pag wala na makakakita satin, ayokong may masabi silang di maganda sayo."

"Can you stop thinking about others' opinions?" Naramdaman niya ang inis mula rito, "Ang pangit mo—"

"Talaga napaangitan ka sakin?" Napangiti siya nang marinig ang sinabi nito.

"No! Hindi ka pangit! Pangit yung mindset mo! Patapusin mo kasi lagi yung sinasabi ko."

"Tse! Edi ikaw nalang ang pangit!"

"Ok, basta galing sayo ok lang." Kumindat pa ito sa kanya. Gusto niya nang bigwasan si Kenji dahil sa inaakto nito, nakakatuliro, nakakabaliw! Pati puso ko nababaliw na!

Pagdating sa 5th floor ay katapat lang ng opisina nito ang clinic, at since glass wall lang ang pagitan ng opisina nila ay kitang kita niya si Kenji mula sa lamesa niya. At dahil wala namang mga may kailangan ng medical attention at the moment ay kumuha siya ng isang papel at nag-imbento muna siya ng medical report.

Naghanap siya sa internet ng balita mula sa nagdaang araw na pwede niyang gawing case study, habang nag-iisip sa utak niya anong klaseng procedure ang gagawin sa isang lalaking may apat na tama ng baril ay nagdrawing muna siya ng anatomy ng kasong nahanap.

"Galing mo pala mag-drawing, ang talented mo masyado nagtira ka pa ba para sa iba?" Napalingon siya sa likod niya nang makita niya si Kenji, napasarap siya sa ginagawa na hindi niya na napansin pa ang paligid, siya nalang din pala doon at wala na sina Nurse Keli at Nurse Joan na kasama niya. "Lunch na tayo. Wag ka nagpapagutom mamaya magkasakit ka, ayokong may mararamdaman kang hindi maganda."

"Bakit ba concern na concern ka masyado? Hindi naman tayo magka-ano-ano."

"Pinsan ka ng bestfriend ko kaya mahalaga ka sakin." Napakurap-kurap siya sa sinabi nito.

His care for her is far more different sa nararamdaman niya sa mga taong nakapaligid sa kanya sa kanila, all those who cared about her don't really care for her, they only cared kasi may nakukuha ang mga ito sa kanila. Maliban kay Alvin at mga nagtatrabaho sa kanila sa Greece, si Kenji lang ang nag-iisang tao na hindi siya kilala na nagpakita at nagpaparamdam ng totoong pagpapahalaga sa kanya. "Tara, lunch break na, kain muna tayo."

When Gods Take The ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon