Epilogue

3 1 0
                                    

"Kenji, wag kang magpapanic, wag kang hihimatayin! Kailangan kita!" Nanginginig na si Aleia sa sakit ng paglelabor nito at kasalukuyan silang nasa delivery room dahil lalabas na si Justin, ang baby boy nila.

Ramdam na ramdam niya ang sakit ng labor nito dahil ang pasaway niyang misis ay imbis na sa braso o kamay niya humawak ay sa buhok niya at ayaw nitong bitiwan ang buhok niya. Pakiramdam niya ay hihiwalay na ang anit niya sa ulo niya dahil sa ginagawa sa kanya ng asawa.

"Kenji! Hinding hindi na ko magpapabuntis sayo! Pagkatapos nito magapa-vasectomy ka na kaagad!" Galit na sambit nito at muli itong bumalik sa pag-ire. "Pag binuntis mo pa ulit ako ako nang magvavasec sayo kaya mamili ka, puputulin ko yan o susunod ka sakin?!" Muli itong umire at pagkatapos ay nagpakawala si Aleia ng malakas na hangin and the next thing they heard ay ang malakas na iyak na umalingawngaw sa buong kwarto.

Nakita niya ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Aleia nang makita nito ang anak nila, inabot sa kanya ng doktora ang isang gunting para siya ang pumutol ng umbilical cord na masaya niyang ginawa. "Congratulations to the new parents! Congrats, Sir Kenji and Doc Aleia, welcome to the no sleep, no rest club!"

Pagkatapos sa Delivery Room at dinala sila sa Recovery Room, "Mahal, thank you!" Aniya.

"Thank you din Mahal ko, salamat di mo ko inaway habang nanganganak ako. Yung sinabi ko wag mo seryosohin yon, dala lang yon ng damdamin pero mas masaya kung magkakaron siya ng kapatid pero mga after two or three years na."

Humalik si Kenji sa mag-ina niya, "Mahal na mahal ko kayo, Aleia, kayo ni Justin. Kung anumang mga kailangan mo sabihin mo lang sakin ha, ayokong maramdaman mong mag-isa ka lang. Magkasama tayo dito."

"Thank you, Daddy Kenji! Mahal ka namin ni Baby Justin."

Niyakap niya si Aleia at muli siyang humalik sa labi nito. Ngayon ay masasabi niya na sa sarili niyang kumpleto na siya at wala na siyang mahihiling pa.

"Allex! Tumigil ka na nga sa paglalakad mo!" Narinig nila ang pagsuway ni Vlad sa delivery area, kung mukhang pinaglalaruan sila ng tadhana ay talagang sabay pa silang nanganak ni Allex nauna lang lumabas ang Justin nila bago sa Serene ng mga ito.

"Tigilan mo ko, Vladmir, masakit kaya kailangan ko maglakad para mabawasan ang sakit, isa pang sawayin mo ko ibabato ko na sayo tong IV pole na hawak ko." Asar na sambit ni Allex.

Pinuntahan ni Kenji si Vlad, "Hayaan mo na muna yang misis mo jan, masama talaga ang tama pag nagsabay ang puyat, pagod at gutom jan sinabayan pa ng pagle-labor." Lumapit si Vlad sa kanya at tinignan nito ang anak nila.

"Ang cute ng baby ninyo. Congrats!" Bati nito.

"Mamaya makikita mo narin yung sa inyo. Gets ko na yung init ng ulo ni Diyosa, nakakawala ng pasensya sa asawa ang sakit ng labor. Wag ka mag-alala paglabas ni Serenemahal ka na ulit ni Allex."

"Salamat! Balikan ko muna si Allex." Tinapik ni Vlad ang balikat ni Kenji, "Congrats ulit, Tol."

Muling bumaling si Kenji sa kanya, "May gusto ka ba?"

"Ok lang ako, basta katabi kita ok na ok lang ako."

"Thank you for doing your best habang nanganganak ka, I'm proud of you, Mahal. Kung may kailangan ka sabihin mo lang sakin ha. Always remember, magkasama tayo dito."

"Thank you, Mahal." Kenji leaned down and kissed her forehead, then her nose and lastly her lips.


SIXTEEN YEARS later.

"Bakit naman nakipagbugbugan ka sa kaklase mo?! Kelan ka pa naging sanggano, ha, Justin? Graduating pa mandin na kayo." Galit na nagsesermon si Aleia sa panganay niya, nasa clinic niya ngayon ang anak at kasalukuyan niyang ginagamot ang pasa sa labi nito, katabi nito ay si Serenena panganay nila Allex at kaklase ni Justin.

When Gods Take The ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon