WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.
-
'·..➭ chapter seventeen
⇉ underworld society arcN A H A T A D E L A I D E I N
Ayos, nahanap ko na lang ang sarili kong huminto sa entrance ng pastilan. Sobrang lutang ko, as in. Hindi ko na namamalayan na sa dating paburitong tambayan namin nina Achexen at Asase ako dinala ng sarili kong paa.
Sa dami ng iniisip ko, hindi ko alam saan ko pagkasyahin. Totoo naman talaga na excuse ko ang card ni Aizen sa pagpunta rito sa UnderWorld Society. Wala namang problema roon pero kasi gagawin ko ng maayos ang tulong na kailangan niya. Hindi ko i-b-basic lang ang trabaho na ito dahil mahalaga talaga ang card na 'yon sa akin.
Pero bakit? Bakit kailangan niyang magpanggap? All this time ay parang nakikisakay na lang siya sa ganap dito. Nukha sigurong circus ang Laczjar para sa kaniya, sobrang funny. Gusto ko na lang humiling sa may kapal na maging cute sana siya kagaya ni Walter pag nakita ko siya pagbalik namin dahil kung hindi, alam kong magsisisi siya hanggang sa kailaliman ng buto ng katawan niya sa gagawin ko.
Nagpakawala ako ng buntong hininga tsaka tuluyang pumasok sa loob. Wala masyadong tao, literal na hindi naman napupuno ang lugar na ito. Self Service rin dito, eh. Umupo ako sa gilid, 'yong para sa dalawang tao lang na table.
Pagkatapos kong umupo ay agad na may lumapit sa akin at naglagay ng pastil na nilagay sa serving plates nila na gawa pa sa kahoy ang design.
Ang pastil kasi ay kanin na may ulam na manok sa loob pero ang pagkaluto sa manok ay giniling or puwede ring kamayin ang pag durog dito tsaka gigisain sa bawang at toyo. Maalat din siya, ang iba ay sweet and spicy. Chicken lang ang flavor ng pastil, hindi ito puwede gawaan ng ibang flavor dahil kabastusan 'yon sa kultura ng mga kapatid nating muslim.
That being said, pahaba ang hugis ng pastil. Mukha siyang puto bungbung pero medyo malaki at mataba. Isang cup na kanin, eh. Binabalot siya sa dahon ng saging.
Masarap siya, nakakabusog.
Nang kukuha na ako sa pastil para buksan ay biglang umupo ang nagdala sa akin ng serving plate sa harap ko kaya na-i-angat ko ang tingin ko rito.
Laking gulat ko nang makita ko ang pamilyar na mukha sa akin. Matanda na ngang talaga siya, puti na rin ang buhok niya pero hindi gaya dati na palagi siyang nakasimangot.
". . Lola Mariam," nasabi ko na siyang pinagtaka niya pero kalaunan ay ngumiti rin siya sa akin.
Ang puti niya, maputing matanda pero sobra pa ring ganda. Gaya noon, palagi kaming namamangha sa kaniya. Para siyang cotton sa sobrang puti, maski ugat ay kitang-kita. Palagi rin siyang naka-suot ng bestida na puti na ngayon ay itim na.
"Akala ko ay turista ka, apo. Kumusta ka? Mukhang mabigat ang dinadala mo." Sabi niya sa akin.
Napatitig ako sa kaniya. Sobrang genuine lang ng tanong nito, nakangiti siya sa akin eh. Si Manang ang naaalala ko sa kaniya.
"Ho? Paano naman niyo nasabing mabigat ang dinadala ko?" Pabirong tanong ko sa kaniya.
Ngumiti lang ito, "Pagpasok mo pa lang ay ramdam ko na." Sagot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
MBUS Book II : Nahat Adelaidein Roosevelt
Random❝ 𝐈 𝐓𝐇𝐎𝐔𝐆𝐇𝐓 𝐋𝐈𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐀𝐑𝐈𝐒𝐓𝐎𝐂𝐑𝐀𝐂𝐘 𝐖𝐀𝐒 𝐅𝐔𝐍 𝐁𝐔𝐓 𝐈 𝐖𝐀𝐒 𝐖𝐑𝐎𝐍𝐆. 𝐈 𝐌𝐀𝐃𝐄 𝐀 𝐁𝐈𝐆 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄 𝐁𝐄𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 𝐈𝐓 𝐃𝐈𝐃𝐍'𝐓 𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐎𝐔𝐓 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐖𝐀𝐘. ❞ Why do people have to devour other peopl...