Alicia's POV
"Depende sa sasabihin mo." Maikli niyang tugos sa tanong ko.
Nang makarating kami sa aking tahanan ay kaagad naman akong bumaba at nagpaalam sa kanya, pero bumaba rin ito sa kanyang sasakyan na ipinagtataka ko.
Nagulat ako ng bigla niya akong hinila at niyakap, naramdaman ko ang init ng kanyang katawan at niyakap ko naman siyang pabalik.
"Good night, Mayor Alice. Just tell me the truth and I will trust you." Bulong nito sa akin.
"Good night din po, Madam chair." 'Yan na lang ang naisagot ko at pumasok na sa loob ganoon din si Madam chair, pinaandar na nito ang kanyang sasakyan at umalis na.
Dumiretso ako sa aking kuwarto at nag-ayos ng sarili upang matulog. Biglang pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Madam chair.
"Nagsasabi naman ako ng totoo, pero bakit hirap silang paniwalaan ako?" Naiiyak kong sabi sa aking sarili.
Wala akong ibang ginawa buong gabi kundi ang umiyak at isipin ang pagiging unfair ng mundo sa akin. I only want a peaceful life and help my Ka-Bamban, pero bakit ganito pa ang nararanasan ko? Iyak lang ako nang iyak hanggang sa makatulog na lang ako.
Fast forward ~
8:30 na ako nagising kaya agad naman akong naligo at nag-ayos ng sarili dahil kailangan kong pumunta sa munisipyo dahil may meeting kami. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako at nakita ko naman sina Ate Gee at ate Cath na nag-aaway dahil sa tinapay.
"Good morning, ate Gee at ate Cath!" Masaya kong bati sa kanila na para bang hindi ako umiyak buong gabi.
"Good morning, Mayora!" Sabay na bati nila sa akin.
"Nag-aaway na naman kayo, baka magkatuluyan kayong dalawa niyan, ah." Natatawa kong sabi sa kanila na agad naman na kinasamid nila. HAHAHAHA
"Yuck!!" Sabay pa nilang sabi, sus akala mo naman talaga hindi nila gusto ang isa't isa. Mga pakipot pa. Tsee!!
"Oh, tama na 'yan. Kain lang tayo baka kung saan pa mapunta 'to." Pag-aya ko sa kanila at nagsalita naman si Gee na ikinagulat ko.
"Mayora, bakit ka hinatid ni Sen.Ri? May payakap pa at halik sa ulo mo. Huh? Hinalikan niya 'yung ulo ko?? Bakit hindi ko naramdaman 'yun? Hayyst.
"Ahmm... ano kase.. i-inaya niya ako magd- este magdinner after nung hearing namin k-kaya siya na rin ang n-naghatid sa akin." Hindi ko alam kung bakit ba nauutal ako, nagpapaliwanag lang naman ako pero bakit parang ang laki ng kasalanan ko?!?
"Ohh, Mayora, chill ka lang. Nagtatanong lang naman ako, kinabahan ka na. HAHAHA." Halos mamatay na silang dalawa kakatawa ni Cath, kanina lang magkaaway sila, ah.
"Manahimik na nga kayo at tapusin niyo na ang pagkain niyo!" Naiinis kong sabi sa kanila.
"Pero sa totoo lang po, may chemistry kayo." Sabi naman ni Cath
"Oo nga po, Mayora." Pagsang-ayon ng Gee kay Cath:
"Pinagsasabi niyo? Wala kayong sweldo ngayon, ah. Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig niyo." Tinarayan ko na lang silang dalawa at tinapos ang pagkain ko.
Do I like her already? Pero hindi pwede.
YOU ARE READING
Thank God I found you.
RomanceAlicia Allaine Guo, Ang kauna-unahang babae na naging mayor ng Bamban, Tarlac. Namumuhay ng mag-isa at malayo sa pamilya at naghahanap ng taong magmamahal sa kanya ng totoo. Ana Theresia Hontiveros, Ang taga-buhat ng senado at naghihintay ng love li...