Theresia's POV
Makalipas ang ilang buwan na hindi pag-uusap ni Alice ay hindi pa rin ako makausad sa kanya, siya pa rin ang hinahanap ng puso ko. Pero pinilit kong ligawan si Leni dahil nagmakaawa ito at tinakot pa akong magpapakamatay siya.
"Babe, let's go to our house. Nagpahanda ako ng dinner, doon ka na lang kumain." Paanyaya nito sa akin, tumango na lang ako dahil wala rin naman akong magagawa kundi ang sumunod sa kanya.
~~~
Nakarating na kami sa bahay nila at dumiretso sa hapag-kainan, nakita ko naman ang pamangkin kong si Donya, bakit nandito 'to?!?
Author: Si Donya at Alice ay magkaedad, bunso si Risa. Isipin niyo na lang na malayo ang gap ni Risa sa mga kapatid niya kaya malapit-lapit ang age nila ni Donya. Hehe.
"Donya, what are you doing here? Alam ba ni ate na nandito ka?" Tanong ko rito at sabay na kaming naupo, ang kaharap niya ay si Leni at ako naman ay katabi ni Leni. May bakante pa sa tabi ni Donya. Saan kaya si Alice?
"Nagpaalam po ako tita, don't worry." Magalang na sabi nito at dumating na si Alice at ang Daddy niya.
"Hi Babe!" Nagulat ako sa tinawag niya kay Alice kaya naman napatingin ako rito, agad naman siyang nag-iwas at umupo na. Kaharap ko siya sa upuan.
"Hii Babe!" Halos magpintig ang tenga ko nang tawagin niya rin itong "babe"
Nagsimula na kaming kumain at nag-usap lang about random things in life. Nang matapos ay pumunta ako sa labas at nakita ko si Alice na hinatid si Donya sa sundo niya. Hinintay ko ito para makapag-usap kami.
"Alice, come with me." Hinila ko rito palayo sa mga tao at napunta kami sa garden nila.
"Ano 'yun? Bakit babe ang tawag sa 'yo ni Donya?" Mahina kong sabi rito dahil baka may makarinig sa amin.
"Eh, girlfriend ko siya malamang." Mataray na sambit nito.
"Tangina, kaya ba nakipaghiwalay ka sa akin kase may iba na?!?" Nakaka-frustrate na 'to. Hahaha.
"Oo, I fell out of love eh. And mas maganda na rin 'yun tingnan mo masaya na si ate, hindi na siya umiiyak." Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi nito.
~~~
Alicia's POV
Lumipas ang ilang buwan, naging masaya kami ni Donya, natutunan ko na rin siyang mahalin kaya ngayong anniversary namin ay gusto ko siyang i-surprise. Naisipan kong dalawin siya sa bahay nila pero hindi ko inaasahan ang naabutan ko.
I saw Donya and Patricia kissing and Patricia is sitting on Donya's lap. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko at nabitawan ko ang flowers na dapat ay para kay Donya. Agad naman silang lumingon at nagtama ang mata namin ni Donya kaya tumakbo agad ako, narinig ko ang pagtawag niya sa akin pero hindi ako huminto.
"Babe!! Let me explain!" Sigaw nito at hinawakan ako sa kamay kaya napalingon ako rito.
"Explain what?! Kitang-kita ko kung paano niyo ako ginagago!! All this time, niloloko mo lang pala ako!!" Hindi ko na napigilan ang emosyon at tuluyan na ngang umiyak.
"Alice, patawarin mo ako! Mahal na mahal kita! Nagawa ko lang naman 'yun kase syempre may pangangailangan din ako na hindi mo kayang ibigay!" Tangina, nang dahil lang sa sex ay lolokohin na niya ako? Is that a valid reason?!?
"Tangina mo! Naghanap ka ng iba para lang makipagsex?!? Nasa tamang pag-iisip ka pa ba?! Kung mahal mo ako hindi mo ako lolokohin, hindi ka maghahanap ng iba just to satisfy yourself! Tapos na tayo Donya! I'm breaking up with you!" Sigaw ko rito at umalis na, narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi ko na ito pinansin pa.
~~~
Pagkadating ko sa bahay ay dumiretso agad ako kay Daddy at niyakap siya habang umiiyak kaya nagtaka naman ito.
"Why are you crying my princess?" Bakas sa kanyang tono ang pag-aalala.
"D-donya cheated on me... I caught them D-daddy." Patuloy akong umiiyak sa bisig niya.
"Shhh... stop crying na my princess, hindi natin siya bati, ah. Hindi siya worth it para iyakan mo. You deserve someone better, hindi ang katulad niya. Wag ka nang umiyak, magshopping na lang tayo, gusto mo ba 'yun?" Malambing nitong sabi sa akin habang yakap-yakap ako.
YOU ARE READING
Thank God I found you.
RomanceAlicia Allaine Guo, Ang kauna-unahang babae na naging mayor ng Bamban, Tarlac. Namumuhay ng mag-isa at malayo sa pamilya at naghahanap ng taong magmamahal sa kanya ng totoo. Ana Theresia Hontiveros, Ang taga-buhat ng senado at naghihintay ng love li...