Alicia's POV
Nagising ako dahil sa alarm ko at naalala ko na maaga pala akong aalis dahil ininvite ako ni Donya, kung hindi dahil kay Madam chair my loves hindi naman ako pupunta, eh. Haysst, makaligo na nga.
~~~
Nakarating na nga ako sa event na sinasabi ni Donya at agad naman ako nito nilapitan at may pa-beso pa. Napansin ko rin na nandito na pala si Love ko este si Madam chair na ang sama ng titig sa amin ni Donya.
"Akala ko hindi ka pupunta, eh." Pabebe naman 'tong isa.
"Ahh, nakapagsabi na kase ako sa 'yo. Alam mo naman ako na kapag nag-yes na ay talagang ginagawa ko." Hinila na niya ako papunta kila Madam chair at binati naman ako ng mga senadora.
"Oh, Mayor Alice! It's nice meeting you again." Sen.Loren said and I just smiled at her.
"Nice meeting you again Mayor Alice." Madam chair said while looking at my hands. Shutakells, kapit na kapit si Donya!! Agad ko naman itong tinanggal at kinakabahan na bumati sa kanya.
"Why ba ako kabado bente? May kami ba??" In my mind.
"Ahhh, n-nice meeting you rin po Madam chair." Sabay abot ng kamay sa kanya para mag-handshake.
"Drop the formality Mayor, just call me Risa or anything you want, kung saan ka comfortable." And I just nodded at her.
"Tita, dito po muna kami ni Alice, kakain po muna kami baka gutom na ang baby ko." Pabirong sabi ni Donya habang ako ay nainis dahil sa sinabi niya. BWISIT TALAGA 'TO!!
"Baby?" Nagtatakang tanong ni Madam chair.
"Yes tita, she's my baby po. Right Babe?" Tanong nito sa akin habang nakatingin. Hindi ako nakapagsalita agad.
"H-huh?" Tangina, tatanggalan pa ako ng love life ni Donya.
"May relasyon kayo ni Donya, Alice?" Madam chair asked me and ramdam ko ang pagkainip nito habang hinihintay ang sagot ko.
"Ahh, h-hindi ko po alam, y-your honor." Nakita ko ang pamumula ng mukha niya dahil sa sagot, dagdag mo pa na nagtawanan ang mga kaibigan niya.
Nag-walk out bigla si Madam chair, hala! Wait!!
"Madam chair!!" Sinundan ko ito at tinawag pero hindi lumilingon. Lintik na Donya 'to pahamak.
"Madam chair!! Wait lang!!" Wala pa rin.
Hinihingal na ako, saan ba pupunta 'to.
"Ms. Risa!" Isa pa, yari 'to sa akin kapat nahuli ko. Kaltok ka talaga sa akin. Joke!
"Love, wait! Pagod na ako, ayaw mo pa huminto! Risa ko!!!" Sigaw ko rito at siya namang pagtigil niya sa paglalakad sabay lingon sa akin.
'Yan lang pala makakapagpalingon sa 'yo, eh. HAHAHA.
Pakipot pa si Madam chair, gusto lang pala ng "Love."
YOU ARE READING
Thank God I found you.
RomanceAlicia Allaine Guo, Ang kauna-unahang babae na naging mayor ng Bamban, Tarlac. Namumuhay ng mag-isa at malayo sa pamilya at naghahanap ng taong magmamahal sa kanya ng totoo. Ana Theresia Hontiveros, Ang taga-buhat ng senado at naghihintay ng love li...