Loren's POV
Sumunod kami kay Risa dahil gusto namin maki-chismis, nang makapasok ito ay sumunod naman kami nang dahan-dahan at sakto naman na hindi niya pa na-lock 'yung door.
"Loren, tangina mo! Kapag tayo nakita rito ni Risanta yari talaga tayo!" Ingay naman ni Sarah!
"Talagang mahuhuli tayo dahil diyan sa bunganga mong walang tigil!" Magsasalita pa sana siya nang biglang may narinig kaming pababa kaya nagpanic kaming lahat at pumasok naman kami sa banyo malapit sa kitchen nila.
"Shutaness ka! 'Yung maid lang pala nila!" Agad naman kaming lumabas sa cr.
Pagkalabas namin ay may narinig kaming nagsisigawan kaya umakyat kami at nakinig sa labas ng pintuan nila Alice.
"Shet, nag-aaway na sila." Saad ni Kiko.
"Shhh, ang ingay mo!" Saway ni Pia.
"Hoy! Mga chismosa, matulog na tayo." Epal naman 'tong si Imee, nakikinig pa nga kami, eh.
Agad naman kaming bumaba at pumasok sa guest room nila Risa at natulog na, feel at home kami rito. HAHAHA.
Maaga nga kaming nagising at napagpasiyahan namin magluto para hindi masyadong magalit si Risanta. Hehe.
"Loren, anong lulutuin?" Tanong ni Sarah.
"Ikaw."
"Tangina mo, nagtatanong ako nang maayos!" Bobo talaga 'to, oh.
"Ang ibig kong sabihin ay ikaw, ikaw ang bahala, 'wag ka ngang bobo diyan! Tsaka hindi ka namin kakainin no, ang asim-asim mo!" Pang-aasar ko rito kaya binato ako ng sandok, sakit amp!
"Tama na 'yan, let's cook na baka magising ang dalawa at abutan tayong magulo rito. Mas lalong magagalit 'yun si Risanta." Pagsaway sa amin ni Pia kaya agad naman kaming sumunod.
After cooking ay hinanda na namin ang hapag-kainan at hindi na namin sila hinintay, gutom na ako!
Alicia's POV
Pagbaba ko ay agad na bumungad sa akin ang mg friends ni Risa na kumakain na. Shutabells! Paano sila nakapasok?!?
"H-hello po, g-good morning po sa inyo." Bati ko sa kanila.
"Good morning, Alice." Bati rin nila sa akin.
"A-ano pong ginagawa niyo rito? Dito po ba kayo natulog?" Nagtataka kong tanong sa kanila.
"Ahh, oo dito kami natulog. Si Loren kase gusto makichi-" naputol naman ang sasabihin nito nang salpakan ni Loren ng pagkain ang bunganga ni Imee.
"Hayop ka talaga Loren! HAHAHA." Halos mamatay na sa sobrang tawa si Kiko dahil sa ginawa ni Loren kay Imee.
"Kumain ka lang diyan, Tanda! Ahh ano kase, 'dito na kami dumiretso dahil malayo-layo pa mga bahay namin kaya we decided na rito na lang matulog." Pagpapaliwanag ni Loren.
Nakita ko naman si Risa na pababa na at pareho lang kami ng reaction dahil sa naabutan.
"Aba! Anong ginagawa niyo rito?!?" Bungad agad ni Risa sa kanila.
"Ohh, chill ka lang Risa! Nakikain lang, eh." Sarah said.
"Paano kayo nakapasok dito?!? Don't tell me sumunod kayo sa akin at dito kayo natulog??" Sunod-sunod na tanong ni Risa.
"Tumpak!" Kiko said.
"True the fire!" Imee said.
"Nadali mo!" Sarah said.
"Yes, you're right." Pia said.
"Paano mo nalaman Risa? Manghuhula ka na pala ngayon. HAHAHA." Inang mga kaibigan 'to ni Risa, mga baliw. HAHAHA.
Napahilot na lang talaga siya ng kanyang sentido dahil sa mga kaibigan niya. Hindi ko alam kung paano nila naging kaibigan si Sen.Pia, mukhang siya lang ang matino.
Nagsimula na nga kaming kumain nang biglang magsalita si Risa. Nakauwi na nga rin pala ang mga kaibigan ni Risa dahil pagkababa namin dito ay patapos na silang kumain.
"I think you forgot something, Alicia." Shit, eto na nga ba ang sinasabi ko, eh. Akala ko safe na ako.
"H-huh? What do you mean love?"
"I know you know what I mean." She said in a firm tone.
"L-love, sorry. Want ko l-lang naman uminom tsaka nakapag-yes na ako kay D-donya." I explained.
"You said you were tired nung inaya kita to go out to celebrate, bakit nung si Donya bigla yatang nawala ang pagod mo."
Shuta, kabado bente na ako!!
"Ahh, l-love gusto ko rin kaseng uminom kaya pumayag ako, dagdag mo pa na nagselos ako kay Patricia." Nilapitan ko ito at umupo sa kanyang kandungan and I caressed her neck.
"How many times do I have to tell you that Patricia is just nothing?"
"Kahit na ba, nakakaselos pa rin. Alam mo naman na gusto ka niya pero hindi mo siya nilalayuan!" Aalis na sana ako sa pagkakaupo ko nang bigla niya akong hinila pabalik.
"Lalayuan ko na siya, Don't be mad na. Pero you need to stay away from Donya rin" saad nito while kissing my neck.
"Ayoko nga."
"Alicia? Are you fucking serious right now?!?" Joke lang naman, nagagalita agad!
"Ayokong... hindi ka sundin! 'Yun kase 'yun. Oa mo love."
"Pasalamat ka dahil mahal kita kuni baka nabomba na kita!" Luhh, sige gusto ko 'yan, basta ikaw.
"Patingin nga ng pagbomba."
Agad naman ako nitong binuhat papunta sa kwarto at sabay halik sa akin pababa sa aking leeg.
"Love, nakikiliti ako!" Pinagpatuloy lang nito ang kanyang ginagawa hanggang sa wala na kaming saplot.
Author: I'll leave it to your imagination. 😉
YOU ARE READING
Thank God I found you.
RomanceAlicia Allaine Guo, Ang kauna-unahang babae na naging mayor ng Bamban, Tarlac. Namumuhay ng mag-isa at malayo sa pamilya at naghahanap ng taong magmamahal sa kanya ng totoo. Ana Theresia Hontiveros, Ang taga-buhat ng senado at naghihintay ng love li...